Third

151K 2K 166
                                    

Third

“Uwaaaaaaa! Uwaaaaaaaa! Ella! Ella! E! E! E!” Bumulahaw ulit siya ng iyak at kasabay ng iyak niya ang eksaheradong pagbuntunghininga ni Ella.

“Utang na bigas naman Rachelle! Tumigil ka na!” Kulang na lang isubsob siya nito sa kama niya at tapalan ng unan ang bibig. Rinding rindi na ito  sa pagpaplahaw ng iyak niya.

“Bakit ganun Ella? Bakit ang bilis niya akong makalimutan? At ang kapal pa ng mukha niyang mag Hi sa akin pagkatapos ko siyang mahuli na nakikipag anuhan sa babaeng yun! I hate him! I really really hate him.” Nung hindi na makapagpigil si Ella binato na siya nito ng unan. Pero hindi niya ininda yun. Mas masakit pa din ang nararamdaman niya sa puso niya. Hindi basta basta ang feeling kapag ikaw mismo ang nakasaksi  na may ginagawang milagro ang asawa mo.

“Hoy babae! Kung makaiyak ka dyan para kang pinagtaksilan ng sampung beses ng asawa mo!”

“Talaga namang pinagtaksilan niya ako ah! He is having sex with other girls at sa lahat ng lugar sa CR pa ng bar! Wala ba siyang delikadesa? At saka wala ba akong karapatang masaktan? The last time I check ako pa din ang asawa niya” At tuwing naaalala niya ang nakikita niya, gusto niyang magwala at yun nga ngayon ang ginagawa niya sa loob ng kwarto nila ni Ella, sa loob ng mahigit isang oras simula ng dumating ito mula sa bar at  pinagtitiisan nga siya ng kaibigan niya kanina pa. Wala pa itong tulog, ganun din siya pero wala siyang pakialam kasi hindi din naman siya makatulog sa nakita niya. Tuwing pinipikit niya ang mga mata niya, ang imahe ni Michael at ng babaeng yun ang pumapasok sa isip niya.

“And the last time I check Rachelle, kahapon, ex-husband ang turing mo sa kanya. At anong karapatan ang pinagsasabi mo? Sino ba ang naglayas? Sino ba ang nang-iwan? Di ba ikaw? Kaya wala kang karapatang umaktong pinagtaksilan at maybahay na may duguang puso. At wag ka din na magexpect na maging celebate yang asawa mo sa loob ng isang taon simula nung nilayasan mo siya. May pangangailangan din yun at nakakapagod magkamay palagi! Ikaw itong asawang pabaya!” lalo siyang umiyak dahil sa sinabi nito, dahil lahat ng yun tama. Hindi sa pinagsisihan niya ang ginawa niya dahil sa puso’t isip niya tama pa din yun. Tama pa din na ipaglaban niya ang pangarap niya pero masakit lang kasi sa damdamin na ang asawa mo na aaminin niyang hanggang ngayon ay mahal pa din niya ay may kaulayaw na ibang babae.

It hurts! It really hurts. Hardcore!

“I hate you! Akala ko ba kaibigan kita? Bakit pinagtatanggol mo siya? Sa akin ka dapat kumakampi.” Sabi na lang niya sa kawalan ng sasabihin sa kaibigan at ibinato pabalik dito ang unan.

“Kasi madam, umaakto kang may karapatan gayung, ikaw itong umalis ng sariling karapatan mo. Kahit saang korte mo dalhin, walang judge ang papanig sa’yo.” Iniunan na nito ang binato niyang unan at nagtalukbong.

“Meron. Maganda kaya ako at sexy. Uber!” Dagdag pa niya. Bakit na ito nagtalukbong ng kumot? Ayaw pang niyang matulog. Kailangan pa niyang may makausap!

“Ewan ko sa’yo. Baliw ka! Matutulog na ako.pag may marinig pa akong kahit kunting hikbi. Ingungudngod kita sa kisame.” At tinalikuran na siya nito. Wala na siyang choice kundi ang pilitin ang sarili niyang matulog at sa awa ng Diyos nakatulog siya.

Pagkagising niya kinatanghalian wala na si Ella sa kwarto nila. Ang konsolasyon lang, nag iwan ito ng pagkain sa mesa nila pero wala siyang ganang kumain. Nakipagtitigan lang siya sa pagkain. Then she realized why Ella left their apartment so early. May pasok na pala ngayon at obvious na hindi na siya nakapasok dahil tanghali na.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon