Fourth

150K 2K 146
                                    

4th

“Gusto mo pa?” Tanong nito nung kinuha niya ang last pizza sa pangalawang order nito ng family sized pizza. Grabe sa dalawang family sized pizza, tig iisa ata sila. Pero infairness ha, masarap ang pizza nila dito! Swear!

Tumango lang siya sa sinabi nito kasi it’s bad to talk daw when your mouth is full. Tumawag ulit ito ng waiter at umorder ng isa pang family size pizza.

“How about lasagna?” Tumingin ito ulit sa kanya at umiling naman siya. Oo nga pala, may lasagna pa pala na siya din ang umubos. Grabe ganito pala talaga pag depressed ano? Napapadami ang pagkain. Pero kunsabagay, wala siyang dinner, breakfast at lunch kanina kaya okay lang na ganito kadami ang kinain niya. Kung iisipin 3 slices per meal pa din yun. Dinner, Midnight Snack, Breakfast, Lunch. Kaya tama lang talaga itong kinakain niya. It’s not gluttony at all.

“Tell me Rachelle, eversince na nilayasan mo ako, nakatikim ka ba ng pagkain?” Sabi nito nung nakaalis na ang waiter. Nabilaukan siya kaya iniabot nito sa kanya  ang tubig na agad.

Agad niya namang ininom ito at nakahinga siya ng maluwag dahil sa tubig.

“Sobra ka! Oo naman. Hindi naman ako naghihirap. Kala mo sa akin? Hindi makakakain ng walang butler? Palibhasa ikaw sanay ng de butler, de limousine, de chef, de maitre’ de.”  Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya and regarded her seriously. Bigla siyang naasiwa. Pakiramdam niya hinihigop nito ang kaluluwa niya. Gosh!

“I just can’t understand why you left.” She  blew her uneven bangs na tumatakip sa eyes niya. Uso daw kasi ang bangs na tabingi sabi ng bakla sa parlor  na pinaggupitan niya ng buhok.

“Dahil mas gusto ko pa din ang maging isang de kampanilya.” Saglit niyang sinalubong ang tingin nito. Saglit lang dahil hindi niya matagalan ang pakikipagtitigan dito. Baka matunaw siya bigla at mabawasan ang mga magaganda sa mundo. Kukunti na nga lang silang natitira, mababawasan pa.

“Hindi ka naman yayaman sa pagnonotaryo.” Komento pa nito. Umigkas ang perpektong  kilay niya na pinathread pa niya nung  nakaraang araw kasi sabi ni Ella maganda daw ang threading pero ang walanghiya, balde ata ang niluha niya dahil sa threading na yun. Bwisit talaga!

“Sino may sabi?” Balik tanong niya dito.

“May yumayaman sa pagnonotaryo?” Tanong ulit nito. Kita mo to! Nagsasalita na hindi inaalam ang fact. Ganyan ata talaga pag hindi pinapraktis ang law nakakalimutan ang subtance over form.

“Hindi, hindi ko naman sinabing magnonotaryo ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ng mga mahihirap at inaapi. Tatahakin ko ang daang matuwid para sa ikakaunlad ng bayan.” Buong conviction ang pagkakasabi niya may kasama pang mahinang pukpok sa taas ng table. Nakatingin lang sa kanya  ang asawa as if he is watching  the most entertaining show he had seen in his entire life.

“Ahhhh…pangarap mo din na maging pulitiko pagkatapos mong maging abogado? Siguro naman habang nasa pulitika ka pwede ka nang magbuntis di ba? Tamang tama kayang kaya kong suportahan ang kandidatura mo?” She just rolled her eyes at him. It’s obvious that he is not taking her  seriously. Tsaka hindi naman niya pangarap na pumasok pa sa politics ano! Masyado ng magulo doon.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon