Previous Page of 3Next Page

Lucid Interval

spinner.gif

5

 

And now hindi niya alam kung bakit nakasakay siya sa kotse nito. Siguro kasi hindi pa tapos ang pagbibilang niya kaya hindi pa siya tumatakas. Pero sino ba ang niloloko niya? Ayaw naman talaga niyang tumakas. Ayaw naman talaga niyang malayo dito. Sobrang namiss niya ito na kung pupwedeng dumikit na lang siya dito habangbuhay. Well… pwede naman yun kasi nga yun ang inooffer nito pero papaano ang pangarap niya? Nakapili na siya dati at ayaw na niyang magbago ng isip dahil lang sa nakita niya ulit ito. Bilang isang future lawyer, dapat may paninindigan siya. Tama!

 

Napatingin siya kay Michael na nasa tabi niya at nagbabasa ng kung ano anong papeles and she can’t help but swoon. Pag nagiging seryoso ito, mas lalo itong  nagiging gwapo sa paningin niya lalo na kapag nakakunot noo ito. God! Bakit ba may mga nilalang na katulad nito?

 

Tapos habang tinitingnan niya ito, naaalala niya ang mga panahon na nireraid niya ito sa study sa bahay nila sa Manhattan para lang istorbohin at landiin. And the flirting would lead into her lying on top of his desk naked or on the couch or kahit sa carpet.

 

Shucks! Bigla niyang inalis ang tingin niya sa asawa at itinuon ang tingin sa labas ng bintana para kapag sinulyapan siya nito, hindi nitop makita ang pamumula niya because she was so sure na sobrang pula ngayon ng mukha niya dahil sa mga pinagiisip niya.

 

“Raice.” Napatingin siya bigla dito.

 

“Ahh-ahem,  Yes?” She needed to clear her throat first dahil kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit.

 

“Come closer.” She looked at the space between them that is now free of the documents that was previously occupying it.  Nailagay na ata nito ang lahat sa attache case na nasa sahig ng kotse.

 

“Why?” Kinakabahan pa din na tanong niya.   

 

“Because I missed my wife.” At ito na mismo ang lumapit sa kanya and without saying anything, he hugged her. An overwhelming emotion filled her.

 

“And I’m tired. I badly needed a hug right now.” Nag iinit ang sulok ng mga mata niya dahil sa sinabi nito. Because this is exactly what he is doing when he returns from the office at pagod na pagod ito. They would just sit and would just hug hanggang sa mawala ang pagod nito.

 

At sino siya para ipagkait dito ang bagay na iyon? She is still his wife and she must give him all the comfort she could give her. Alam niyang malaki ang pagkukulang niya dito at kahit papaano mapunan man lang niya ang pagkukulang na yun.

 

She wasn’t able to stop a tear from falling habang magkayakap sila. Ang tagal ng hindi niya nayayakap ito and she missed it so much. She missed the comfort his embrace brings to her. She missed his smell and she missed the steadiness and tranquility he exudes everytime they hugged.

 

“Ahhh, this feels so good. Ang tagal ko ng walang kayakap.” Napakalas siya bigla dito sa pagtataka nito.

 

“What did you just say?” Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa asawa. Ngayong natunawan na siya sa mga kinain niya kanina, naalala na niya kung bakit hindi siya pumasok sa class kanina at naglakwatsa. Dahil sa nakit aniya kagabi. Tapos sasabihin nitong matagal itong walang kayakap? Matagal na ba ang 12 hours dito?

 

“Anong sinasabi mong matagal ka ng walang kayakap samantalang nahuli kita kagabi na may kalandian sa bar CR!”

 

 

“Ahhh that!” Nanlaki ang mga mata niya when she saw his expression na parang wala lang dito ang nangyari kagabi. Ito lang ata ang asawa na hindi nagpapanic kapag nahuling nangangaliwa.

 

“What that! Don’t give me that reaction. You are practically having an affair behind my back!” Akusa niya dito.

 

“Yeah I must admit. God! You’ve caused me coitus interruptus last night.” Sabi pa nito. Gusto na niya itong batukan. She expects him to say sorry on bended knee pero ano? Mukhang nagrereminisce pa ito sa naudlot na sexual act nito. Grrr…

 

“And it’s my fault?” Hidni siya talaga makapaniwala.

 

“Sort of. And C’mon Rachelle, you can’t blame me if I’ll have a one night stand. I’ve been practically single for a year because my wife have practically run away from me. You don’t expect me to be celibate for that span of time right?” Parang inulit lang nito ang sinabi ni Ella. 

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (60)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended