Twenty

97.6K 1.9K 146
                                    

20.

“You seem troubled.” Puna ni Elliott sa kanya habang nagbabyahe sila papuntang resto kung saan sila magdidinner. It had been their practice to have dinner every Friday evening. Kahit kasi nasa iisang bayan lang sila, bihira lang sila magkita because they are both busy.

Elliott is managing their business, while she’s busy practicing her career. Una silang nagkita  when she represented their company on a labor case. Nung una hindi ito nagpakita ng interes sa kanya but they meet again on a convention at doon na sila nagkausap at nagkakilanlan. Since then, he started pursuing her kahit alam na nito na may anak na siya. She tried to discourage him but he is persistent. As much as possible kasi ayaw niyang maging complicated ang buhay niya, ang buhay nila ni Nathan. Kuntento na siya na mag isa niyang papalakihin ang anak.

But eventually, she fell for him. After almost a year of courtship, sinagot niya ito. Ganun ito katyaga sa kanya. Ganun ito ka patient. He even won the heart of her son and of her father. And now they are getting married. Akala niya magiging mapayapa na ang buhay nilang mag ina kasama si Elliott because he is willing to adopt him once they’re married, he is willing to give Nathan his name. But then Michael came at ngayon ang plantsado at tahimik niyang buhay ay biglang gumulo.   

Unang beses pa lang itong nagpakita at nagulo na ang lahat. Ang plano niya, ang kinabukasana ng anak niya at pati na rin ang damdamin niya. Dahil aminin man niya o hindi, kung ikukumpara niya, her feelings for Elliott is not as deep as what she had felt for Michael. Dati kaya niyang isakripisyo ang lahat lahat para dito pero ngayon, she doubt if she can do the same for Elliott. Or maybe, nagmature na siya kaya alam na niya ang gagawin sa mga bagay bagay.

“I’m okay El. Medyo madami lang problema sa office.” She gave him a hesitant smile.

“You worked too hard Raice. Why don’t you chill out a bit? Hindi naman malulugi ang firm kung magrelax ka ng kunti di ba?” He smiled at her at hinawakan nito ang isang kamay niya. She felt his warm hands enveloped her and immediately the tension that she’s feeling subsided. This is what she like about Elliott, ang dali nitong pakalmahin siya. At sa mga panahon ngayon, si Elliott ang kailangan niya. He could calm her, he could give her comfort, he could put her at ease.

At nakaramdam nga siya ng kaginhawaan habang hawak nito ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa resto at hanggang sa makarating sila sa reserved table nila. Pero agad agad na bumalik ang tension sa katawan niya nung makilala niya kung sino ang naghihintay sa kanila sa table.

It was no other than Angelo Michael Villegas.

Yes, Elliott did mention na imemeet nila ang isa sa mga business partners nito at pumayag naman siya kasi palagi naman nilang ginagawa iyon. She didn’t even bother to ask for the name. Perop hindi niya inakala na ang taong iniiwasan niya ay ang taong ipapakilala sa kanya ng fiance.

Napatingin siya kay Elliott who is smiling at her, oblivious of the tension that she is feeling. Then her eyes darted to Michael. Ang sama ng tingin nito sa kanila ni Elliott and she noticed that his eyes stared longer at their hands. Para siyang napaso dahil sa tingin nito. Gusto niyang alisin ang pagkakahawak kamay nila ng fiance pero magtataka ito.

“Michael. I’m glad you’ve got the time to come here.” Sabi ni Elliott nung nasa harap na sila ng table. Nagbatian ang dalawa at wala siyang nagawa kundi ang ngumiti ng pilit.

“I want you to meet Rachelle Locsin, my fiancee. Honey, meet Michael Villegas.” Mas lalong naging pilit ang mga ngiti niya lalo na ngayon at nakafocus ang tingin ng dalawa sa kanya.

“Pleasure to meet you Rachelle.”  Sabi nito sabay lahad ng kamay. She hesitantly accepted his hand kahit na nanlalamig ang mga kamay niya. At nung maglapat ang mga kamay nila para siyang kinuryente pero pinilit niyang hindi magreact lalo na nung naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya.

“Nice to meet you too Mr. Villegas.” At inalis na niya ang kamay na hawak hawak pa din nito. Todo todo na ang tibok ng puso niya. At laking pasalamat niya nung inalalayan siya ni Elliott na maupo.

Hindi niya alam kung napapansin ba ni Elliott pero siya ramdam na ramdam ang titig ni Michael sa kanya. Halos hindi na niya malunok ang mga kinakain niya. Kay Elliott na lang siya nakatingin kasi hindi niya makuhang tumingin kay Michael. Even if Michael  is directly asking her, kay Elliott pa din siya nakatingin.  She wanted so much for Elliott to save her. At nung hindi na niya nakayanan, bago maiserve ang dessert she excused herself para pumunta ng CR.

Pagkarating sa CR, doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. Hindi niya pansin na kanina pa pala nila pinipigilan ang hininga niya. No wonder, naninikip ang dibdib niya. Halos hindi na ata siya humihinga kanina.

Napatukod ang dalawa niyang kamay sa may sink and there she took a few deep breaths to calm her nerves.

She almost succeeded in calming her nerves kung hindi lang biglang bumukas ang pinto ng CR at pumasok si Michael. Nanlaki ang mga mata niya lalo na nung inilock nito ang pinto. He is oozing with anger. Kitang kita sa mga mata nito, to his clenched jaw, to his set mouth. Napaatras siya dahil sa anyo nito.

Then he raised his arms. Akala niya ay sasampalin siya nito kaya napaatras siya ulit  pero sinabunutan nito ang sarili dahil sa frustration. Then he pinched the bridge of his nose. And that was when his features soften.

At walang sabi sabing hinila siya nito at niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa nito dahil ang alam niya galit ito sa kanya. He is fuming mad just a while ago and now here he is hugging her. Hindi niya alam kung ano ang irereact. Hindi niya alam kung itutulak ba niya ito but then she can’t bring herself to do so lalo na nung naramdaman na lalong humihigpit ang yakap nito sa kanya.

“I missed you. I really miss you Rachelle.” Punong puno ng emosyon ang pagkakasabi nito. At hindi niya pero biglang nag init ang gilid ng mga mata niya hanggang sa mapapikit na lang siya habang yakap yakap pa din nito.

At kahit hindi niya ito niyayakap, kahit na hindi siya gumagalaw pero ramdam na ramdam niya ang emosyon na kasama ng yakap nito. Hanggang sa unti unti niyang naramdaman ang hapdi sa dibdib niya and her eyes started to water.

She shouldn’t cry. Wala siyang dapat iyakan.

Those are just words at hindi lahat ng salitang nanggagaling dito ay totoo. It meant nothing.  

Pero bakit siya nasasaktan?

Bakit kunting salita lang nito, gumuguho na ang pader na kay tagal niyang itinayo para protektahan ang puso niya? 

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon