Thirty

75.9K 2.4K 253
                                    

30

 Siguro nga dapat na siyang magpanic. Gertrude Villegas wanted to talk to her alone. She should be scared, after all, she is the matriarch of the Villegas clan. She’s strict and formidable they say. Though she’d never met her yet.  Ang totoo hindi niya alam kung papaano niya pakikiharapan ang lola ni Michael at mas lalong di niya alam kung ano ang sasabihin dito. Obvious naman kasi na ayaw nito sa kanya.  She can tell, sa klase pa lang ng tingin na binigay nito sa kanya kanina.

“Okay ka lang? You don’t have to talk to her if you don’t want to.” She smiled reassuringly at Michael na nakatayo sa labas ng library.

“Kakausapin ko siya.” At binuksan na niya ang pinto ng library and she saw Gertrude Villegas sitting on her father’s executive chair behind his desk.  Sa tingin niya mas authoritative pa itong tingnan kaysa sa ama niya pag ito ang nakaupo doon.

“Good afternoon po.” Bati niya  ignoring her piercing gaze.

“Good afternoon. You may sit Rachelle.” She motioned the chair in front of the table but she remained standing near the sofa.

“I’d rather we talk here casually because we will not be discussing business, am I right?” Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Gertrude Villegas and again she ignored it. She wanted to convey to the older woman that they’re on an equal footing and she refused to act as if she’s her subordinate. At isa pa nasa pamamahay niya sila and she cannot simply have her ways with her.

Nakita niyang tumayo ito at naglakad tapos umupo sa sofa in front of her. Umupo na rin siya pagkatapos nitong umupo and she endured the moment when Gertrude Villegas  roam her eyes on her. Kung ano ang iniisip nito, hindi niya alam.

“Ano ang maibibigay mo sa apo ko?” Walang pasakalye at puno ng awtoridad na tanong nito.

“Wala po.” She answered truthfully . She saw her grimaced and she remembered the bitterness she felt when she realized early on their marriage that she could give nothing to Michael. Not even her love because her ambition at that time is more important to her than her love. And young that she was, she’d decided to run away and to chase her dreams dahil naniniwala siyang kapag nakuha na niya ang pangarap niya kahit papaano may ipagmamalaki na siya sa asawa. Pero mali siya. Maling mali. Dahil ngayon alam na niyang Michael wanted nothing from her except her love.

“Alam mo ba kung ano ang kayang ibigay ng apo ko para sa’yo?”

“He love me dearly.”

“He love you insanely. At yun lang ang alam niya. Wala siyang pakialam kung sino at ano ang masasagasaan niya. Kahit na ikakasira pa niya at ng buong pamilya niya. Ang mga taong handa siyang damayan ay kaya niyang iwanan para sa babaeng hindi magdadalawang isip na iwanan niya.” Kung hindi hindi siya nagpapakita ng kahit na anong damdamin, ngayon hindi niya mapigilan ang pag register ng sakit sa mukha niya.

Ang babaeng hindi magdadalawang isip na iwanan siya.

Wala na atang mas masakit pa kundi ang ipamukha sa’yo ang kahinaan mo at ang pagkakamali mo. She’s ashamed of herself.

 “Do you think that you are all worth it?” Hindi na maitatanggi ang pangungutya sa boses nito.  

“Hindi po.” She saw the glint of disappointment in her eyes as she look at her. This time she met her gaze.

 “But then, sino ba ang karapat dapat sa pagmamahal ng isang tao? It doesn’t matter whether you are worth the love of the person who loves you.  But again, what you and I think doesn’t matter dahil sa huli siya ang magdedesisyon kung karapat dapat ba ako sa pagmamahal niya. Sinabi mo na nga po, wala siyang pakialam kung sino ang masasagasaan niya. If his love for me remains steadfast despite the fact that I left him for the dumbest of reasons sa tingin niyo po ba may magagawa pa ang sinuman sa atin para pigilin siya? Kayo po, kung sa tingin niyo ay may magagawa kayo, then by all means do everything to stop him. Pero ako…I’ve decided to just give up. To stop fighting. ” Hindi ba nito alam na hindi kayang turuan ang puso? She’d tried doing that and she failed miserably. She end up hurt and broken. It was a futile attempt.

“Madam, wala akong maibibigay sa apo niyo. I cannot give him money dahil meron na siya nun.  Hindi po ako ang klase ng babaeng ipapangako ang buong pagmamahal ko sa apo niyo dahil alam kong kailangan kong magtira para sa sarili ko or I would be stripping myself  Hindi ko rin po maipapangako na mamamatay ako para sa kanya dahil mahal ko po ang pamilya ko and they need me too. But I could share my life and my love  with him. For the past days, napagdesisyunan ko pong buuin ang pamilya namin. At gusto ko lang pong sabihin sa inyo Madam, na kahit ano pa ang kahihinatnan ng pag uusap nating ito, it wouldn’t affect my decision. Kung ayaw mo po sa akin, wala na akong magagawa dun dahil desisyon mo din po yan. And with due respect, alam ko naman po na alam niyo na labas na kayo sa relasyon namin ni Michael. Kaya mabuti po sigurong sabihin mo na ang gusto mong sabihin kasi kakausapin ko pa ang fiancé ko para I cancel ang kasal namin. ” She saw the shock on the matriarch face dahil sa mga sinabi niya. Hindi niya pinlano ang mga sasabihin niya dito pero naisip niya na hindi makakatulong kung madami pa silang pasakalye. Hindi niya mababago ang opinion nito sa kanya and hindi din nito mababago ang desisyon niya. Kaya wala ding patutunguhan ang pag uusap nila at mabuti na yung magkaliwanagan na sila.

“Kahit na alisan ko ng mana si Michael?”

“Kaya ko na po siyang buhayin.” She knew that Michael would go ballistic kapag narinig nito ang mga pinagsasabi niya. His pride wouldn’t allow her to support him.

“Kakalabanin mo talaga ako?” Gertrude’s eyes narrowed at her.

“Hindi po. Hindi naman po tayo magkaaway.”

“You’ve matured nicely.” Sabi nito sabay tayo.

“Very well then, kung yan ang desisyon mo. Sana hindi mo pagsisisihan.” Napatayo siya nung naglakad na ito papunta sa pinto. Ayaw man niyang ma badshot na lola ni Michael ay wala na siyang magagawa. Sabi nga niya, sila lang naman ni Michael ang involve sa relasyon nila. Everyone else doesn’t matter.

Napabuntonghininga siya and she looked at her feet.

“By the way, I hate it when you call me Madam. Just call me Grandma.” Bigla siyang napatingin dito  at nakita pa niya ang matipid na ngiti sa mga labi ni Gertrude Villegas bago nito binuksan ang pinto ng library at lumabas.  

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon