Fourteen

114K 2K 335
                                    

14.

She looked at Elena from head to foot. Inisip pa niya ang susunod niyang gagawin. Sasabunutan ba niya ito, ihahampas ang ulo sa salamin, lulunurin sa gripo o kaya sa inidoro o bibigwasan ng bonggang bongga. Pero lahat ng yun hindi niya ginawa. Nakipagtitigan lang siya sa babae.

And she realized doing all those  things that she thought a while ago wouldn’t do her any good. Baka makasuhan pa siya kapag sinaktan niya ito. Kaya nakipaglaban na lang siya ng tingin dito. Tiningnan siya nito ng masama at tiningnan din niya ito ng masama.

“Yes. I am STILL. THE WIFE.” At tinaasan niya ito ng kilay sabay labas ng powder room. Taas noo siyang bumalik sa table nila ni Mike. Yes, she is still the wife at dapat lang na siya ang may last say sa lahat. Pero naisip din niya hanggang kailan siya magiging asawa nito?

Siguro hanggang kaya pa niya? Pero hanggang kailan niya kakayanin?

Napabuntunghininga na lang siya pagdating sa mesa nila at napabuntunghininga. Napatingin naman si Michael sa kanya na nagtataka.

“Are you okay?” Tanong sa kanya nito nung mapansin ata na nakasimangot at nakakunot ang noo niya. Pero hindi na niya nagawang sagutin ang asawa dahil dumating bigla si Elena at agad na kinausap… more on nilandi si Michael. Nagngitngit ang kalooban niya. She couldn’t pretend to be sweet to Michael because Elena knows that they are on the verge of divorcing. Pero hindi din niya hahayaang landiin nito ang asawa niya sa harap niya mismo.

Agad niyang binitiwan ang hawak niyang tinidor at hinimas ang ulo niya.

“Rachelle are you okay?” Puno na ng pagaalala ang boses nito kaya may pinag igihan niya ang pagarte.

“I’m fine. Just a bit of headache.” Nakita niya ang pagsmirked ni Elena kaya mas ginandahan niya ang pag arte.

“It’s getting late anyway. I think it’s time for us to go home. Elena, thank you so much.” Baling ni Mike dito and she really saw disappointment on her delicate face. She didn’t even try to hide it. Ang landi talaga. Lalo siyang nanggigil.

At bago pa maging emosyonal ang paalaman, tumayo na siya sa upuan. She didn’t bother to say goodbye to Elena na ipinagtaka ni Michael but she didn’t care. Ayaw niyang makipagplastikan dito. Kung kaya nitong makipagplastikan sa kanya, well, she can’t.

Sumunod naman si Michael sa kanya nung lumayo siya sa table nila to her relief but to her dismay, Elena called him.

“Oh Mike, I forgot to bring the documents that you ask. It’s in my room. Can you come with me and get it so I wouldn’t have to come down and give it to you?” Napataas ang kilay  niya nang marinig niya yun. Agad na umakyat ang dugo sa utak niya. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili.

Talaga naman at ayaw tumigil ng bruha. Alam niyang gagawin nito ang lahat para lang makuha ang atensiyon ni Michael.

Michael looked at her and she somewhat knew that he is asking her permission. Gusto niyang pigilan ito pero hindi niya ginawa. Instead, she looked away from him at tumingin sa labas ng hotel.

“Raice I’ll just be quick. Just wait for me at the lobby.” At sumama na ito kay Elena. Nakita pa niya ang triumphant smile nito bago tumalikod ang mga ito. Umupo siya sa sofa sa lobby at pinilit na I diviert ang naramdamang sama ng loob sa pamamagitan ng pagbabasa  ng magazine.

And it seems na ang tagal ng oras ng mga panahon na yun. 15 minutes had passed yet hindi pa din bumabalik si Michael and that 15 minutes turned into 30 minutes. She don’t know what to think anymore. He’ll just be getting a documents for pete’s sake and it wouldn’t take 30 minutes para kunin ang documents unless…hindi niya kayang isipin ang mga bagay na yun dahil parang tinutusok ng karayom ang dibdib niya.

She immediately erased the inconvenient image in her mind at umiling iling pa siya para tuluyan na maalis ang imaheng yun.

But as the minutes ticked by, she is becoming inpatient until she’d decided to stand up and walked out of that hotel. Hindi na niya kayang maghintay. She just can’t wait at the lobby for them to finished whatever it is that they are doing.

Hindi niya kaya. Hindi pa siya ganun kamartyr.

Halos hindi na niya napansin ang pag offer ng guard sa kanya na ikuha siya ng taxi. She walked and walked away from the hotel. Ni hindi niya napansin ang mahinang ambon.

Until she found herself in a park at doon umupo sa may bench ng maramdaman ang pagsakit ng paa dahil sa taas ng heels ng sapatos niya.

Napangiti siya when remembered her effort to look beautiful tonight for her husband thinking that they’ll be having a date. It turned out na siya pala ang chaperone. She again smiled bitterly and kicked her shoe.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa bench na yun. She’s just looking at things na hindi naman niya masyadong nakikita. Ang alam lang niya nasasaktan siya pero hindi niya makuhang umiyak. She could evensmile at herself despite the pain. But it was a bitter smile. And she knew that she is embracing the pain as if it is her lifeline.

And then it started to pour. Nagtakbuhan ang mga tao sa park na yun para makasilong but she remained sitted. Ninamnam niya ang bawat patak ng ulan, ang lamig na tumatagos pati ata sa kaluluwa niya.

When she’d had enough, she picked up her shoes and started walking towards the taxi bay. Mabuti na lang at may naawang driver na pinasakay siya kahit na basang basa siya at hinatid sa condo nila Ralph.

Pagdating niya, Ana opened the door of the condo.

“Hala! Anong nangyari sayo Rachelle?” Gilalas na sabi nito pagkakita sa kanya. Nakuha pa niyang ngumiti dito.

“Malakas ang ulan. Wala pala akong payong.” Pumasok na siya nung binuksan nito ng maluwag ang pinto and there she saw the worried faces of Ralph and Michael.

“I told you to wait for me, bakit nagpaulan ka!?” Galit na bungad sa kanya ni Michael. She deliberately avoided his eyes.

“I thought you’ll be sleeping in her room.”

“What? I told you I’ll just be quick!” Hindi na siya sumagot sa sinabi nito. Tumango lang siya sa nagtatakang si Ralph.

“Magbibihis lang ako. I’m cold.” AT iniwan na ang mga ito sa sala at dumiretso sa kwarto niya. She took a shower and change into her pyjamas. Hindi na siya lumabas ng  kwarto. Humiga na lang siya sa kama niya.

Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Alam niyang nasasaktan siya. She can almost literally feel the queenching of her heart. Parang nahihirapan na siyang huminga dahil sa sakit nanararamdaman niya. She wanted so much to cry.

But she don’t know why she can’t cry. Ni walang luhang gustong tumulo sa mga mata niya. 

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon