Sixth

140K 1.8K 79
                                    

6.

Panay ang tingin niya sa kanyang relo habang tumatakbo papunta sa building kung saan ang klase niya. Alam niyang late na siya. Paano naman kasi, tinanghali siya ng gising dahil kakaisip ng nangyari sa kanila kahapon ni Michael. Not to mention na hindi siya tinantanan ni Ella hanggang sa makwento niya ang lahat ng detalye ng pagkikita nilang dalawa.

Panay na din ang pahid niya ng pawis niya at wala na siyang pakialam kung papasok siya sa room na mukhang kakatapos lang ng sinalihan niyang marathon. DI naman niya kailangang magpaganda tuwing papasok kasi wala naman siyang pagpapagandahan at ang prof nila wala naman pakialam yun sa itsura basta matalino ka sa klase which is ‘ahem ahem’ siya yun.

Nakahinga siya ng malalim nung masilayan niya ang building nila. Kunti na lang, kunti na lang talaga at makakarating na siya. Binilisan pa niya lalo ang takbo at humihingal siyang dumating sa harap ng pinto ng room nila.

Pinunasan niya ng panyo ang pawisan niyang mukha and took a few deep breaths to calm her self because of her untimely sprint. Nung pakiramdam niyang hindi na siya masyadong hinihingal, tumayo siya ng tuwid and knock on the door softly bago niya dahan dahan itong binuksan.

“Good Morning Prof.” Sabi agad niya at ni hindi tiningnan ang Prof. Dumiretso siya sa unang bakanteng upuan na nakita niya which is unfortunately nasa likuran. If she is in the normal state of mind, magtataka siya kung bakit fully occupied ang front seats gayung halos ayaw ng mga estudyanteng umupo doon.

“Good Morning Miss Kim.” Nanigas siya bigla sa kinatatayuan niya. Natigil ang akma niyang pag upo at dahan dahan siyang tumingin sa nagsalita na may boses na sobrang familiar sa kanya. Pero bago pa niya lubos na makita ang nagsalita, she willed herself not to look at umupo sa upuan.

She again took a few deept breaths at wiped her face na lalo atang namawis and after that she allowed herself to look in front. At her professor with a familiar voice.

And when she saw who was it, she wasn’t able to stop herself from gaping. Muntik pa siyang mapamura nung sinalubong ng tingin ng asawa niya ang tingin niya. And a smile formed on his lips pero dagli din itong nawala.

Kinusot pa niya ang mga mata niya. This can’t be. This is not happening. Tiningnan niya ulit ang professor niya na kaboses at kamukha ng asawa niya and this time she saw that his eyebrows are raised.

“Oh my God!.” Mahinang sabi niya but its enough for others to hear.

“You are late.” Sabi nito which made her grimaced.

“I am sorry Sir. I got caught in the traffic.” Pagsisinungaling niya at nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

“Very well then. Next time,  I won’t tolerate latecomers. Your class card please. ” Bigla naman siyang nataranta sa sinabi nito kaya nagmamadali siyang hinanap ang class card niya sa bag.  Nung makita na niya ito, agad siyang tumayo at pumunta sa harap nito para ibigay ang class card.

“Rachelle Kim.” Nagkatinginan sila  at halos hindi niya  maalis ang tingin niya dito. . Parang hinihigop ng mga mata nito ang kaluluwa niya. She forced herself to break their eye contact at tumingin sa white board. Pinigil na din niya ang sarili niyang manginig. Bakit nga ba ganito ang reaction niya dito? It didn’t even falter a bit. Habang tumatagal mas lumalakas ang epekto ng presensiya nito sa kanya.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon