Seventh

129K 1.9K 151
                                    

7

The days that followed had been awkward to her.  Halos hindi siya makapagconcentrate sa mga klase nito. Ni hindi niya ito magawang tingnan. Ni hindi siya makapagtanong tungkol sa mga topic na hindi niya maintindihan. Hindi niya maintindihan dahil lipad palagi ang isip niya. Pero kung tutuusin, magaling na professor ang asawa niya. 

At ito na nga ba ang sinasabi niya kaya niya tinakasan ito. She couldn’t concentrate if he’s near. Katulad ng nangyayari sa kanya. Hindi pumapasok sa isip niya ang lecture. She was enveloped by his scent, by his voice, by his nearness and his masculinity. Paano pa papasok ang lecture sa utak niya kung ganun? 

Sa totoo lang, gusto na niyang I drop ang subject nito, pero dahil sa scholarship niya, hindi niya pwedeng gawin yun. 

At ngayon , malapit ng mag exam at wala pa siyang natututunan. Kahit na mag aral siya sa bahay mukha ni Michael ang pumapasok sa isip niya. She is so frustrated and whenever she felt that way, natetempt siyang tawagan ang asawa niya para kahit papaano makausap niya man lang ito. 

“Uggghhh.” Napasabunot na lang siya sa buhok niya at tiningnan siya ni Ella.

“Anong problema mo? Asawa mo?”  Oo, alam ni Ella na asawa niya ang professor niya. Kinuwento niya dito dahil hindi niya kayang itago ang nararamdaman niya. She needed to vent out her emotions dahil baka mabaliw siya. 

Tiningnan lang niya ang kaibigan with a helpless eyes at naintindihan na siya nito. 

“Bakit kasi hindi ka na lang makipagbalikan sa kanya at ng matahimik ka? Your father be damned.” 

“At ano? Para patunayan na katulad ako ni Mommy na iniaasa sa ibang tao ang kinabukasan?” Her face become instantly sour pagkasabi niya ng mga salitang yun. 

“Ayoko Ella. Dahil sa oras na makipagbalikan ako kay Michael, alam kong tutulong at tutulong siya. Gustong kong marating ang pangarap ko na hindi nanghihingi ng tulong sa kahit kanino. Para taas noo akong makakaharap sa lalaking yun art ipamukha sa kanya na kaya kong makuha ang pangarap ko ng hindi humihingi ng tulong kahit kanino, kahit pa sa sariling ama ko.” Nakakuyom ang kamay niya habang sinasabi niya yun. She couldn’t contain the anger that rises up in her heart. She couldn’t contain it. Maybe this is the time of the month na nagiging touchy and emosyonal siya.

At tama siya dahil kakapasok pa lang niya sa school ng inatake siya ng sakit ng puson na napahawak poste at napaupo sa pinakamalapit na bench. 

Namilipit siya sa sakit ng ilang minuto at pakiramdam niya mawaawalan na siya ng malay. She should have known. Dapat hindi na siya pumasok pero exam ngayon. Kailangan niyang pumasok. 

Pinilit niyang tumayo at halos gumapang na siya para makarating sa pinakamalapit na clinic. And it seems like forever bago siya nakarating. Literal pa na napabuntong hininga siya pagkapasok niya sa pinto ng langit este ng clinic. 

“Raice!” Agad na nilapitan siya ng Nurse at pinahiga sa kamay. Hindi na niya sinabi dito kung ano ang nangyayari sa kanya dahil alam na nito. Yun lang naman ang dahilan kung bakit siya sumusugod sa clinic. Her dysmenorrhea. 

“Dapat hindi ka na alng pumasok.” Sabi pa ni Tin, yung Nurse, habang iniabot sa kanya ang gamot at ang hot compress. 

“Wala pa naman akong nararamdaman kanina.” Yun pa ang problema kasi inaatake siya ng wala siya kaalam alam. Ang alam lang niya, days before her menstruation sasakit ang puson niya. At hindi lang ito basta sakit. Namimilipit talaga siya sa sakit. Kaya nagiging alerto siya sa mga panahong alam niyang magkakaroon na siya pero nitong huli, dahil nga phase out siya, ni hindi niya naisip na magdala ng gamot.

“Tsaka exam ngayon. Di ako pwedeng mag absent.” 

“Ako na ang bahalang mag inform sa mga prof mo. Magpahinga ka na lang dyan. Saan sked mo?” Tinuro niya dito ang bag at ang sked at kinuha naman nito at lumabas na ng clinic. Papikit na siya dahil sa epekto ng gamot nung marinig niyang bumukas ang pinto. 

Ang bilis naman ata ni Tin? 

Hindi na lang niya pinansin ito kahit na nararamdaman niyang papalapit ito sa kinahihigaan niya. 

“Are you alright?” Napamulat siya ng mata nung marinig niya ang pamilyar na boses na yun. 

“Si Sir kasi ang nakita ko sa Dean’s office kaya siya ang nasabihan ko, tapos bigla na lang nagmamadaling pumunta dito.” Napatingin siya kay Tin na takang taka sa inasal ni Michael. 

“Okay lang Tin.” Tumango na lang ito kahit alam niyang naguguluhan pa din sa inasta ng professor tapos lumabas na sa room. Sino ba naman kasing Professor ang tatakbo papuntang clinic dahil nagkasakit ang isang estudyante? 

Pero totoong sumaya siya dahil sa ginawa nito. Because she knew that somehow she knows how much he cares for her.  

  “Dapat hindi ka na pumasok.” Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. 

“Fuck rachelle! Paano kung hinimatay ka sa daan?” And she saw panic in his eyes. At naintindihan niya ito dahil nangyari na sa kanya yun nung nasa US pa sila. At alam nito kung paano siya namimilipit sa sakit. 

“Okay na ako. May exam ka pa.” Pero hindi siya nito pinansin. Instead he caress her hair at gusto niyang maiyak dahil sa tenderness na naramdaman niya dahil sa ginawa nito. 

“I’m taking you home.” At hindi siya nagprotesta. Hindi siya nagprotesta nung alalayan siya nito palabas ng clinic. Hindi siya nagprotesta kahit pinagtitinginan sila ng mga estudyante. She didn’t care dahil nangungulila siya sa pag aaruga nito nung mga panahong inaatake siya ng dysmenorrhea and somehow even just his presence soothe the pain. 

Pero hindi siya nito dinala sa apartment nila ni Ella. Dinala siya sa penthouse nito sa isang building sa may Makati. She didn’t protest dahil baka kapag ginawa niya yun, iiwan siya nito and in her vulnerable state at this moment, ayaw niyang malayo dito. Because she found solace beside him. 

Pinahiga siya nito sa kama nito at pinainom ng gamot.  Hindi niya alam kung nagpabili ba ito pero ito yung gamit na binibigay nito dati sa kanya dati nung nasa US pa sila. And then she drifted off to sleep.  Naalala pa niya nung ginising siya nito para pakainin pero nakatulog ulit siya. 

Nagising nalang siya nung maramdaman niyang may humiga sa tabi niya at yumakap sa kanya. Then she felt his lips on her shoulder. 

“I love you Raice.” 

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon