Nine

119K 1.4K 144
                                    

9

Nung mahimasmasan na siya, agad siyang tumayo at pinuntahan agad ito sa kwarto. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakikipag usap sa cellphone. At the same time, he is putting clothes on his suitcase. Agad na napuno ng kaba ng dibdib niya. Aalis ba ito?

“Mike…” Sabi niya sa nanginginig na boses. Halos hindi na maubos ang luha sa mga mata niya. At lalo lang nadadagdagan dahil siya nakikita niyang pag eempake nito. He is leaving her.

Pero hindi siya nito pinansin. Tuloy lang ito sa paglalagay ng mga damit sa suitcase at pakikipag usap sa phone.

“Michael!” hahawakan sana niya ito pero napaatras siya nung bigla itong sumigaw. 

“I don’t care about your goddamn reason!  I want that damned plane  here at 4PM. If you can’t arrange for it, I want to see your resignation paper on my desk tomorrow first thing in the morning. Do you understand me?” Nangangatog siya sa takot dahil sa pagsigaw nito. Hindi siya sanay na ganayn ito. She’d heard people talking about how shrewd he is especially at work.  Nakikita niya ang paghanga, admiration pero may kasamang takot sa mga tauhan nito at sa mga business partners.

But she had never heard him use that tone to anyone.  Gusto man niyang lumapit hindi niya magawa.

“Mike… kausapin mo naman ako.” Sabi niya nung binaba nito ang phone pero ni hindi siya nito tinapunan ng tingin. He again dialled his phone. And she felt rejected. Dapat masanay na siya na ireject because she had been rejected before but Mike’s rejection is too painful to ignore.

 “And The Ritz?” Mahinahon ngunit may diin na sabi nito sa kausap nito sa kabilang line. Napatahimik ulit siya.

“Not aminable? Huh?” Tumalim ang tingin nito but he is still not looking at her. How she wished that he would look at her. Kahit galit ang tingin na ibibigay nito tatanggapin niya, basta tingnan lang siya nito. And he would not act as if she’s not in the room.

“Drop them!” Mariin na sabi nito.  

“And who told you that I need them in my company? Don’t tell me what to do!” At binabaan na naman nito ng telepono ang kausap nito.

“Michael..”She choked on her words. Pero nilagpasan lang siya nito at lumabas ng kwarto. Yayakapin niya na sana ito sa likod ngunit natigilan siya nung makita ang driver sa living room.

“Carlo, pakihatid si Miss Kim sa pupuntahan niya. And you may go back to Ilocos afterwards. Babalik na ako sa New York this afternoon.” Parang hiniwa ang puso niya sa sinabi nito. He just called her Miss Kim. At obvious na obvious na pinapalayas na siya nito. And worst after saying it, tumalikod na ito at pumasok sa banyo na malapit sa kitchen.

Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak. Dahil alam niyang kasalanan niya.

“Ma’am aalis na po ba tayo?” Tumango na lang siya sa driver at mabagal na naglakad papasok ng elevator at palabas ng bahay ng asawa niya. Hoping that maybe he would stop her, that he would follow her, na sana hindi siya nito kayang tiisin.

Pero alam niyang impossible dahil alam niyang napuno na ito. He just had enough of her at wala siyang puwedeng sisihin kundi ang sarili niya. She’d hurt him too much. She’d given him up a long time ago and he chase her and now he has the one who had given up. At ngayon niya naramdaman ang sakit.

Did she just make the biggest mistake of her life?

Hanggang sa makarating siya sa apartment iyak lang siya ng iyak at walang Michael na humabol at pumigil sa kanya. Walang Michael na umalo sa pag iyak niya.

Umiyak siya hanggang sa makatulog siya. At mabuti na alng hidni na siya inusisa pa ni Ella. Dahil hindi pa niya kayang magkwento dito.

Ganun lang siya buong weekend. Tulala at mugto ang mga mata. Pero puno siya ng pag asa na sana makita niya ito sa school. Na ito pa din ang magbibigay ng exam nila. Pero hindi nangyari yun. Secretary nito ang nagbigay ng exam.

At araw araw lalong lumalala ang sakit na nararamdaman niya. She’d try calling him pero hindi na activated ang phone nito.

Hindi niya alam kung naipasa niya ang mga exams dahil tulala siya at wala sa sarili. Pakiramdam niya wala ng kwenta ang ipinaglaban niya. Pakiramdam niya wala ng kwenta ang mga pangarap niya. She felt as if there’s nothing to dream dahil kahit matupad pa niya ang mga pangarap niya, kung wala ito sa buhay niya, hindi siya sasaya.

And yes, she did make the biggest mistake of her life.

After the exam, tumigil na siya sa pag iyak pero hungkag na hungkag ang pakiramdam niya. Palagi siyang spaced out. Ayaw niyang makipag usap. Nabubuhayan lang siya ng loob tuwing klase na niya kay Michael. Pero unti unti ding nawawala ang buhay na yun, kapag pumapasok ang secretary nito at magbibigay ang seatwork. It had been like that for a week after the exam.

At nawawalan na siya ng pag-asa . Mukhang hindi na ito babalik. Ano pa nga ba ang babalikan niya? Di ba ito na din ang nagsabi? Siya ang dahilan kung bakit ito bumalik? And now that he had given up, ano pa ng rason nito para bumalik?

Mabagal at walang gana siyang naglalakad sa daan papunta sa building nila. Sa totoo lang, parang ayaw na niyang pumasok dahil secretary na naman nito ang makikita niya. At magbibigay na naman ito ng seatwork. Kaya wala na din siyang pakialam kung malate man siya o hindi.

Wala na siyang pakialam sa lahat.

Ni wala siyang pakialam na late na siyang ng 30 minutes sa klase niya.

Wala pa ding kagana gana na binuksan niya ang pinto ng classroom. As usual tahimik na naman ang klase dahil siguro sa seatwork na naman. Nakayuko siyang pumunta sa upuan niya nung mapatigil siya bigla.

“You’re late Miss Kim. And I don’t admit latecomers in my class. You may leave now.”

Napatigil ang paghinga niya. Pati ata pagtibok ng puso niya tumigil. That voice. His voice. Hindi siya maaaring magkamali. That was Michaels’ voice.

Dahan dahan siyang tumingin sa harapan at nahigit niya ang hininga niya nung magsalubong ang tingin nila.

Her heart was filled with joy. Bumalik ito. Walang pagsidlan ang tuwa sa puso niya at hindi niya mapigilang ngumiti.

Pero agad ding nawala ang ngiti niya dahil nung titigan niya ang mga mata nito she was shocked by what she saw.

She didn’t see any recognition.

Just animosity. 

A/N: Regarding sa mga nagtatanong about previous chapter kung nag ano ba sila kahit meron si Raice. The answer is no. Hindi pa dinatnan si raice nung time na yun. PMS lang. Hidni na ako nagdwell doon kasi parang irrelevant para sa akin.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon