Fifteen

109K 1.9K 207
                                    

15

Masakit ang ulo niya pagkagising niya kinaumagahan. Dinagdagan pa ng sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Nonetheless, she ignored both pains and decided to pack her things. Nasabi na din nina Ralph at pati ni Mike  tapos na ang serbisyo niya kaya dapat na siyang umalis. Babalik na siya sa apartment nila ni Ella and after that, who knows? Maybe she’ll go whereever life takes her. She’ll live as normal as she could.

She took a deep breath clearing her mind and her heart. But despite that, she still feels the lingering ache in her heart. Kung hanggang kelan siya masasaktan, hindi niya alam. But one thing is for sure, she’ll have to face it all.

Pagkatapos niyang magligpit ng mga damit, lumabas na siya ng kwarto and she saw Michael of all people sitting on the sofa.

“Hi” She managed to say casually, ignoring the chaos in the pit of her stomach.  

“Good Morning. So babalik ka na sa apartment?” Tumigil siya sa malapit dito clutching tightly on her bag.

“Oo. Our agreement is done right?” Malamig na sabi niya at hindi niya alam kung saan niya kinukuha ang lakas na magsalita na parang wala lang ang lahat.  

“Yeah. Ihahatid na kita.” Sabi nito sabay tayo. At akmang kukunin ang dala niyang bag pero nilayo niya ito dito.

“No thanks. I can manage.”

“Pumunta ako dito para ihatid ka sa apartment.” Alam niyang naiirita na ito basi na rin sa boses pero kailangan niyang panindigan ang sinabi niya kanina dahil hindi niya alam ang gagawin niya kapag magkasama sila ng matagal. Susumbatan ba niya ito dahil pinaghintay siya nito kagabi o mananahimik na lang siya? Hindi niya alam ang gagawin at ayaw niya gumawa ng action hangga’t hindi niya napag iisipan ang mga bagay bagay. Ayaw niyang magpadalos dalos ng desisyon.

“No need to bother yourself with me. Wala naman akong madaming bitbit. Kaya ko na to.” Mahinahon pa ding sabi niya kahit na ang buong kalamnan niya ay naliligalig na dahil sa presensiya ng asawa sa harapan niya.

“Why do you keep on refusing all the help that comes from me?” Nakakunot na ang noo nito habang sinasabi nito iyon at napatulala siya.  She wanted to say something really hurtful. Gusto niyang sabihin ang lahat ng hinanakit niya dito pero napakaraming masasakit na pangyayari na ang namagitan sa kanila na ayaw na niyang  dagdagan pa.  Ayaw na niyang dagdagan pa ang gap nilang mag asawa.

“Dahil kaya ko naman na ang sarili ko. And besides I know that you have more important things to do.” He clenched his jaw after she said that while she fight the urge to cry.

“Okay. Suit yourself.” Tapos umalis na ito. Napabuntonghininga na lang siya pagkaalis nito. At napaupo sa sofa dahil pakiramdam niya nanghihina siya dahil sa pag uusap nilang dalawa.

Nagpaalam lang siya kina Ana at Ralph saka bumalik na din sa apartment.

Hindi nagtanong si Ella pagkadating niya and somehow she was thankful for that. Wala siya sa mood makipag usap kahit kanina kaya pinili na lang niyang magbabad sa kwarto.  And she’d been doing that for a couple of days. Siguro nagtataka na si Ella sa pinapakita niya but she respected her silence.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon