Twelve

117K 1.6K 181
                                    

12.

“Sa tingin mo ibibigay ko sayo ng ganun ganun na lang ang kagustuhan mo? “ At magpakasasa kayo ng babae mo? Samantalang ako brokenhearted? No way!

“Why won’t you sign it? Di ba ito naman ang gusto mo. Pinili mo ang pangarap mo, bakit ngayon ayaw mong pirmahan ang divorce papers? I am giving you your freedom. You don’t have to think of me anymore. I am taking the responsibility of being my wife off your shoulder.” She saw anger in his eyes pero binalewala niya ito. Instead lalong naningkit ang singkit niyang mga mata dahil sa sinabi nito.

“Wag mo akong baliktarin! Wag mo akong gawing dahilan. Bakit hindi mo na lang aminin sa akin ang totoong dahilan mo kung bakit  atat kang makipagdivorce sa akin?” Ang ayaw niya sa lahat ay yung ginagamit siyang rason. Why can’t he be honest and tell her his real reason. Baka maantig pa ang puso niya at pagbigyan ito.

“Kunyari ka pang concern sa akin at sa career ko yun pala gusto mo lang na maging single ulit.” Ughhh! Hindi niya mapigil ang inis na nararamdaman niya. She felt like bursting. At kung ano ano na ang naiisip niya.

“Now, if you really think na magiguilty ako ulit at pagbibigyan kita, think again! Kaya pala kahit maglupasay pa ako sa harap mo ayaw mo nang makipagbalikan sa akin, yun pala may iba ka ng babae. Nagkukunyari ka pang ako ang may kasalanan ng lahat. You are an asshole!” There, she said it.

“Wait a minute Rachelle.”Pilit siyang pinipigilan nito pero ayaw niyang magpapigil. Sino ba naman ang makakapagpigil sa babaeng kinakain ng selos. Not even a bullet  train could stop her. At hangga’t hindi niya nasasabi dito ang panibugho niya sa asawa, walang makakapag pigil sa kanya.  

“I don’t have a minute! Hindi ko inakalang ganito ka. I have never really seen what an asshole you are! Dinramahan mo pa ako yun pala…yun pala…Damn you!” Naibulalas na lang niya sa sobrang frustration.

“Well, I haven’t seen your  feisty side either.” This time malumanay na ang boses ni Michael. Na para bang hindi siya nag outburst sa harap nito. Hindi na ba talaga siya nito mahal at hindi na ito naapektuhan sa mga sinasabi niya?

At ano daw?

Napatingin siya dito na nagungunot ang noo. Anong pesticide ang pinagsasabi nito? At bakit napunta sa pesticide ang usapan namin? Itatanong na niya sana when she realized what he meant. Feisty pala. Buti na lang. Di sana napahiya siya sa harapan nito.

Tiningnan niya ito at nagkatinginan sila. They are very close yet nararamdaman niya ang kapal ng pader na nakagitna sa kanilang dalawa. Pinilit niyang pigilan ang pag wawala ng puso niya. Pinilit niyang sikilin ang pagkamiss dito.  She tried to suppress the urge to hug him, to flung herself unto him. Pinilit niyang ibinaon sa isip niya na baka kung kani kaninong kandungan ito habang magkalayo sila. And just thinking of that brought back her anger.

It’s amazing what a woman’s imagination can do to her mood. Kung gaano kalayo ang nararating nito, if one allows it to wonder. It could make or break a relationship.

“If you won’t sign those papers, fine. But in case you changed your mind here is another copy. Kung madumihan mo, I have plenty of those.”  At binigay nito sa kanya ang isa pang kopya. Naningkit ang mga mata niya. Madami siya spare copy? Sinabi ba ng babae niya na hindi ako papayag? Of course she informed him na hindi siya papayag. How else would he bring a lot of copies? Lalong kumulo ang dugo niya. At that time, gusto na niyang pag untugin ang babaeng yun at si Michael. Ang kakapal ng mukha. Of course, they could reproduce as many copies as they want hanggang sa pumirma siya. But no, she won’t give him and his woman  the satisfaction.   

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon