Chapter 13

215K 4.1K 356
                                    



  NGAYON gaganapin ang drag racing competition. Kasalukuyang magkatabing nakaupo si Preyh at Jessy na girlfriend ng kaibigan ni Aiken. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang karera.

"Alam mo bang bumalik na si Aiken Jimenez? The prince of speed. Sorry, friend pero sa tingin ko, Billy can't make it now. Magaling 'yon diba?" napalingon si Preyh sa dalawang babaeng nag-uusap na kakaupo lang sa tabi niya.

"Matagal nang hindi nag-co-compete 'yon, kaya for sure hindi na siya gano'n kagaling. Billy is the best racer now," sagot naman ng babae.

"Let see."

"Carina," tawag niya sa babae at lumingon naman ito sa kanya. Agad na tumikwas ang mga kilay nito pagkakita sa kanya.

"Precious! What are you doing here? Oh! How stupid I am to ask you such question! Boys hunting of course!" Maarteng wika nito na nagsisitikwasan ang mga daliri.

Ang sarap balian ng daliri. Ito lang naman ang pinsan niyang saksakan ng arte. Ay hindi, 'arte' isn't the right term. Ang pinsan niyang dyablo.

"E ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik niyang tanong. Umikot ang mata nito.

"As if you don't know! Duh! I'm Billy Zaragoza's girlfriend. The hottest and the best racer in town," proud nitong pahayag.

Nginitian naman niya ito. Pekeng ngiti na kahit sinong makakakita ay malalaman kung gaano kapeke ang ngiti niya. Baka naman one of his numerous girlfriends! Gusto niyang isatinig nagpipigil lang siya.

"Ang ganda ng kilay mo ngayon cuz. Saan ka nagpa-tattoo? Ay kaso parang hindi pantay." Napahawak naman ito sa kilay at agad na tinanong ang kaibigan kung hindi nga pantay.

Alam niyang peke ang kilay nito dahil mula pagkabata pa lang nila ay kalahati lang ang kilay nito. May lumapit na lalaki dito na nakasuot ng racing suit. Ito marahil ang boyfriend ng pinsan niya. Naririnig niya ang pangalan nito pero hindi niya kilala personally. Hindi naman talaga ito gwapo. Ito iyong tipong nakakasawa ang mukha. Sobrang puti pa at tinalo pa ang pinsan niya sa kaputian.

Naghalikan ang dalawa na halatang proud na proud naman ang pinsan niya at parang iniingit pa siya dahil sinulyapan siya nito pagkatapos makipagtukaan. Napatingin ang lalaki sa gawi niya at napa-second look ito. Ngumiti ito sa kanya.

Lihim siyang napangisi nang biglang may kalokohang naglaro sa kanyang utak.

"Cuz, siya ba ang boyfriend mo?" kunwari'y interasado siya.

"Pinsan mo siya, Carina?" tanong ng lalaki na bakas ang pagkagulat. Inakbayan ni Preyh si Carina.

"Yes, we're cousin," siya ang sumagot. Pilit namang inaalis ni Carina ang kamay niya pero hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

"She's nothing. She's not that important to Herrera's clan!" Langhiyang babaeng 'to. Siya pa talaga ang hindi importante. E, ito nga ang walang ginagawa sa buhay kundi ang atupagin ang pagpapagawa ng kung ano-ano kay Dra. Belo.

"You know.. She's just a disgrace!" Aba talagang! Pilit siyang ngumiti at halos pisain niya ang pinsan sa sobrang pagpisil niya sa braso nito dahilan para mapaigik ito.

"Ang sweet mo talaga! Kaya close na close tayo!" Aniya na nagtatagis ang mga ngipin sa pangigigil dito.

"I'm Billy," pakilala naman ng lalaki at inalok ang kamay sa kanya. Agad naman niya itong tinanggap at binigyan ito ng matamis na ngiti. Malapad din ang pagkakangiti nito.

"And you're Preyh, right?" doon nawala ang ngiti niya sa sinabi nito. Marahas na hinablot ng pinsan niya ang kamay ni Billy para pagbitawin ang kamay nila.

Prince of Speed (Published under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon