Chapter 8

258K 4.4K 292
                                    

  Hello!  Here's  the  deleted  content.  sana  bili  pa  rin  kayo  hard copy  para  naman  hindi  malugi  publishing  at  ganahan  pa  silang  tumanggap  ng  manuscript  from  me. hehe!  Thank  you!


____


PINAGMAMASDA ni Preyh ang mahimbing na natutulog na anak. Hinaplos niya ang ulo ng bata. Napakagandang bata, katulad niya ay taglay din nito ang mala-anghel na mukha. Kamukhang-kamukha niya ito. Isa iyon sa konsolasyon sa nangyari sa kanya noon. Ang maging kamukha niya ang pinakamamahal na anak. Marahil ay ito na rin ang paraan ng panginoon para mas madali siyang makalimot, dahil kung naging kamukha siguro ito ng hayop na humalay sa kanya ay paniguradong lagi niyang maaalala ang bangungot ng nakaraan.

"I'm sorry baby, kung hindi kita magawang ipakilala sa lahat." Dinampian niya ng isang mabining halik sa noo ang bata. Sumandal siya sa headboard at muling rumagasa sa kanyang alalala ang bangungot ng nakaraan.

Seven years ago....

Masamang-masama ang loob niya noon dahil kay Thomas at sa kanyang ama. Pinipilit siya ng kanyang amang mag-shift ng kurso na ayaw naman niyang gawin. Si Thomas naman ay nagpapaalam na pupunta ng States. Isang taon lang daw at babalik din. Hindi niya gustong umalis ito pero kailangan daw talaga. She went to the bar alone. Naglasing mag-isa hanggang sa may lumapit sa kanyang isang lalaki.

"Hi miss," umupo ito sa tabi niya. Nakapikit siya habang nakasandal. Pilit niyang dinilat ang mata para mapagsino ang lalaki, pero masyadong madilim at hindi niya maaninag ang mukha nitong mabuti.

"Alone?" muling sabi nito.

"Tss. Mukha ba akong may kasama?" aniya na nanatiling nakapikit.

"I can accompany you," muli siyang dumilat pero talagang parang hinihila ang talukap ng mata niya pasara.

"I appreciate that, but I will more appreciate if you'll leave," pagtataray niya. Hindi na rin niya makilala ang sariling boses dahil sa kalasingan.

"Okay, I'm sorry. But I'll leave if you'll take this. Kapalit sa pang-iistorbo ko sa 'yo," naniningkit ang matang tinignan niya ang alak na inaaalok nito.

"No thanks."

"C'mon, just take it. Just a complement," pamimilit nito.

"If I'll take it, aalis ka na?"

"Yeah."

Muling niyang tinignan ang kamay nitong may hawak na baso. Pero natuon ang pansin niya sa kanang braso nitong may hugis crescent na pilat. Parang sinadyang ilagay na parang katulad nang nilalagay kapag sumasali sa isang fraternity o talagang aksidente lang na nagkaroon ng ganyan. Ilang ulit itong tinamaan nang malikot na disco light kaya napagmasdan niyang mabuti. Kinuha niya ang alak at inisang lagok lang niya ito.

Pero ang lalaki ay nanatili pa rin sa tabi niya kahit pinagtabuyan na niya ito. Mga ilang sandali lang ay parang lalo siyang nahilo. Parang lalo siyang nanghina, sigurado siyang may inilagay na gamot sa alak na ibinigay sa kanya at doon palang ay kinabahan na siya. Naramdaman na lang niyang pinangko siya ng lalaki.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now