Chapter 6

358K 5.6K 169
                                    

"AIKEN, what are you doing here?" gulat na tanong ni Preyh nang mabungaran siya nito sa labas ng condo unit ng dalaga.

Nakatukod ang braso niya sa hamba ng pinto. Bihis na ang dalaga na mukhang papasok na ng opisina. Kinuha ni Aiken ang luggage na nasa gilid ng pasilyo. Hinalikan muna niya si Preyh sa labi bago tuluyang pumasok.

"Aiken, ano 'yang dala mo? Nag-alsa balutan ka ba?" tanong ni Preyh na nakasunod sa kanya. Nilapag niya ang luggage saka ibinagsak ang pang-upo sa mahabang sofa at nagdikwatro.

Humalukipkip naman si Preyh habang nakatayo sa harap niya. Humihingi ng paliwanag ang titig nito sa kanya. Nginitian niya ito, inalis ang pagkaka-dikwatro at hinila si Preyh. Napaupo ito sa kandungan niya patalikod. Agad niya itong niyakap.

"Ayaw mo kasing sa bahay ko tumira, kaya ako ang titira dito," naitirik na lang ng dalaga ang mata at humarap sa kanya.

"Ang kulit mo!" Pinisil nito ang kanyang pisngi na may pang-gigigil. Ngumuso siya para humingi ng halik. Pinagbigyan naman siya nito. Kinintalan siya ni Preyh ng halik sa labi.

"Sige na, papasok na ako. Dito ka lang ba? Hindi ka ba tumutulong sa pagpapatakbo ng hotel niyo? Parang wala kang ginagawa," hinaplos ni Aiken ang likod ng ulo nito.

"Tumutulong ako, kaso sa branch sa Singapore ako. Si Hailee ang nag-ma-manage ng branch dito."

Pinababalik na nga siya ng magulang niya ng Singapore. Pero parang ayaw na muna niyang bumalik. Kaya naman talaga ng parents niyang pamahalan ang negosyo nila. Ang nakababata niyang kapatid naman ang namamahala sa branch na nandito sa bansa. Isang hotel and resort ang pagmamay-ari ng kanilang pamilya— Escape Inn.

"Sige na alis na ako." Hinalikan uli siya nito sa labi na mabilis naman niyang sinamantala. Hindi niya agad pinakawalan ang labi nito hanggang sa itulak na siya nito.

"Tama na. I have a meeting today, kailangan ko nang umalis," tumayo ito at maging siya ay tumayo na rin. Kinuha ni Preyh ang bag na nasa centre table.

"Sabay na tayo. Punta muna ako sa mga kabarkada ko."

Sabay nga nilang nilisan ang unit ni Preyh. Bumababa sila at nagtungo sa parking lot.

"Sige na Aiken, mauna na ako." Aiken put his wide palms at her back.

"Just take care. Sunduin kita mamaya."

Umiling ito, "'Wag na. Sige na, late na ako."

"I like you, Preyh."

"I like you too," sagot nito at hinalikan niya ito sa labi. Isang mainit na halik ang binigay niya dito. Pinulupot naman ng dalaga ang mga braso sa batok niya at sinabayan ang mapusok niyang paghalik.

Ang kanyang palad na nakasuporta sa likod nito ay dumausdos pababa hanggang sa umabot ito sa pang-upo ni Preyh. Kinabig niya ito malapit sa katawan niya dahilan para magdaiiti ang ibabang parte nila. Marahas na napasinghap si Preyh sa ginawa niyang iyon. Sabayan pa ng malikot niyang dila na tila nagmimina sa loob ng bibig ng dalaga. Si Preyh ang unang bumitaw sa mainit na halik. Halos habol nila ang kanilang paghinga.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now