Chapter 14

202K 3.8K 226
                                    

  NAKAUPO lang si Aiken sa kanyang sasakyan, siguro'y mga kalahating oras na siyang nasa parking lot ng condominium ni Preyh. Hindi mawala sa isip niya ang tungkol sa nagawa nilang malaking kasalanan matagal ng panahon ang lumipas.

Isang krimeng hindi niya kayang gawin pero nasangkot siya dahil sa kagagawan ng kanyang mga kaibigan dahil sa pagkalango sa alak. Ang krimeng naging dahilan ng pagkakawatak-watak nilang magkakaibigan. The crime that caused of his extreme anger towards Hendrix, dahil ito ang utak ng lahat. Ang krimeng maaaring sumira sa buhay ng isang babae.

"I'm sorry. Kung sino ka man I'm so sorry," usal niya.

He let out a sharp sigh before climbing out the car. Tinungo niya ang elevator, he boarded the lift and took him to the floor, where Preyh's unit was. As soon as the elevator door opened he stepped out and went to the unit. He entered the password, twisted the door knob and pushed the door open. Preyh didn't double-lock the door maliban na lang kung nasa Singapore siya.

Pagkasara niya ng pinto ay agad siyang nagtungo ng silid. Nakita niya si Preyh na nakahiga, nilapitan niya ito at hinaplos ang ulo ng dalaga saka ginawaran ng halik sa noo. Kumilos si Preyh at tumalikod nang higa at binalot ang katawan nang husto ng comforter. Nagpalit lang si Aiken ng pantulog at muling lumapit sa may bedside table para ilapag ang cellphone niya na nasa pantalon niya kanina. Paglapag niya ng cellphone ay nasagi naman niya ang cellphone ni Preyh at bumagsak ito sa sahig. Pinulot niya ito at sa hindi malamang dahilan ay parang may nag-udyok sa kanyang kalikutin ito.

Halos mapaawang ang labi niya nang makita niya ang larawan nila ni Carina na mismong si Carina ang nagpadala. Nakahilig si Carina sa kanya habang siya ay tumatawa na nakatingin sa kaibigan niya. Ito 'yong tagpo na bigla na lang humilig sa kanya ang babae dahil lasing na daw ito. Ito ang pinsan ni Preyh na pinakilala sa kanya ng dalaga noong racing competition.

Naunang umalis si Hendrix kanina, nanatili pa siya ng mga kalahating oras before decided to go home, pero dumating naman si Carina at ang dalawa pang kaibigan ng dalaga, nakilala siya nito at naki-join na sa table nila. Ayon, pinigilan siya nito pati na rin ng mga kaibigan niya, wala naman siyang nagawa kundi ang manatili na lang ng isang oras pa. Nalaman din niyang kilala na pala siya ni Carina noon pa man.

Tinignan niya si Preyh na nakatalikod. Muli niyang inilapag ang cellphone at humiga sa kabilang bahagi ng kama kung saan nakaharap si Preyh, pero tumalikod uli si Preyh. Lumapit siya dito at yumakap pero gumalaw ito na para bang inaalis ang kamay niya sa kilos na hindi pinapahalata. Gusto niyang matawa bigla. Dapat nag-aalala siya pero hindi, dahil parang gustong lumukso ng puso niya dahil sa isipang mukhang nagseselos ang dalaga.

Kinabukasan ay nagising si Aiken na tila ba ang saya-saya niya. Hindi talaga maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Lumabas siya ng silid at nakita niyang nakaupo si Preyh sa hapag kainan at nakapangalumbaba sa harap ng pagkain na marahil inihanda nito. Kahit papaano ay sinusubukan na nitong magluto ngayon. Lumapit siya dito at hinalikan sa ulo ang kasintahan.

"Good morning, hon," umupo siya sa kabilang bahagi ng square glass table.

"Hmm, mukhang masarap ah," aniya at kumuha ng fried rice at slice ham. Tinignan niya si Preyh na nakasimangot.

"Problem, hon? Mukhang wala ka sa mood." kahit anong pilit niyang pigilan ang ngiti niya ay hindi niya talaga maitago.

"By the way, nakita ko si Carina kagabi sa Stallion," kitang-kita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito kaya lalong lumapad ang pagkakangiti niya. Padabog itong kumuha ng kanin na halos matapon pa.

"You know what, she told me that I had turned her down before. I wonder why I did that," aniya at tumingin kay Preyh na masama naman ang tingin sa kanya.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now