Chapter 18

180K 4.1K 396
                                    


ISANG linggo na ang nakakaraan simula ng pangyayari sa pagitan ni Aiken at Preyh. Inihatid niya si Preyh sa unit nito. Wala silang imikan hanggang marating nila ang unit ni Preyh. Hindi na siya bumababa pa ng sasakyan at pinaharurot ito palayo nang makababa si Preyh.

Ngayon ito siya at mukha siyang stalker na sinusundan si Preyh. Hindi niya matiis na hindi ito makita. Parang may kulang sa pagkatao niya ngayon. Mahal na mahal na talaga niya ito at ayaw niya itong tuluyang mawala sa kanya. Tumawag siya sa opisina nito at sinabi ng sekretarya na nasa sweet bites café ito kasama raw si Mr. Hernandez ang COO.

Ito siya ngayon at nasa hindi kalayuan ng café. Napaayos siya nang upo nang makita niya si Preyh na lumabas establesyemento, kasunod ang isang lalaki. Matangkad at mestisilyo. Hinatid nito si Preyh sa sariling sasakyan. Nakita niyang kinausap ito ni Preyh, ngumiti at nagyakap ang dalawa. Matagal ang yakap nito kay Preyh. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel nang makita niyang kinulong ng lalaki ang mukha ni Preyh sa mga palad nito at hinalikan ito noo.

"Precious!" Usal niya at mariing pumikit. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinasibad palayo sa lugar.

IBINAGSAK ni preyh ang pang-upo sa mahabang sofa sa opisina nila ni Andra. Tinawagan siya ni Andra at pinapunta ng opisina dahil may mahalaga raw silang pag-uusapan. Nandoon din si Reghie na nakaupo sa pang-isahang sofa at si Andra ay nasa pang-isahang sofa rin katabi ng kinauupuan ni Reghie.

"Anong pag-uusapan natin?" untag niya dito.

Hindi niya alam pero parang may talim ang titig sa kanya ng dalawa, lalo si Andra na sa matagal na panahong nakakasama niya ito ay ngayon lang siya tinitigan ng ganito. Taliwas sa sweet na aura ng kaibigan ang aura nito ngayon. Napapikit siya nang maisip na mukhang tungkol ito sa kanila ni Aiken.

"Wala ako sa mood para magkuwento ngayon. Please, guys. Next time," isang malawak na buga ng hangin ang ginawa niya.

"Did you see, Aiken?!" Matatag ang tinig ng kaibigan niya habang hindi siya iniiwan ng nanonoot na titig nito.

"He was drunk last night, sinundo ko sa bar. He cried your name. God Precious! What the hell is wrong with you?!" Salubong ang kilay ni Andra.

"Preyh! Kagabi ko lang siya nakitang umiyak. Para siyang bata habang tinatawag ang pangalan mo. My God! You're ruthless!" Oh god! She's hurting him so much. Gano'n ba talaga siya kamahal ni Aiken? She blinked the tears back.

"Bakit mo siya tinanggihan? Imposibleng hindi mo siya mahal. I can see in your eyes that you love him. Your eyes sparkled every time we've talked about him!"

Napahawak sa sentido si Andra dala ng matinding frustration. Si Reghie naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanya at nakikinig sa usapan nila.

"Preyh!" Tumaas ang boses ni Andra na para bang nauubusan na ng pasensiya dahil sa hindi niya pagsagot.

"I love him," halos pabulong niyang sagot, pero pinilit tatagan ang boses para hindi pumiyok dahil parang naninikip na naman ang dibdib niya. Napayuko siya.

"Then why?" tumayo si Andra at tumabi sa kanya. Pinilit ni Andra'ng tumingin siya dito. Umiling siya at napapikit naman si Andra sa walang kuwenta niyang sagot.

"Umayos ka Precious! Ako ang sasapak sa 'yo!" Sa wakas ay nagsalita si Reghie sa yamot na tinig.

"May problema ka ba? Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit takot na takot kang magmahal? Takot kang magseryoso! Is this all about, Thomas?! God, Preyh! That was—"

"May anak ako!" Doon na siya bumulalas nang iyak. Natigilan naman ang dalawa na para bang pinipilit ilagay sa utak ang narinig.

"You have what?" Andra asked bewildered.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now