CHAPTER 7

289K 5.2K 524
                                    

NAGISING si Preyh na may matamis na ngiti sa labi. Nag-inat siya ng braso at umupo. Inalis niya ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Pinagmasdan niya ang hubad na katawan. Tingin niya ay gabi-gabi na siyang matutulog ng hubo't hubad nito hanggat kasama niya si Aiken.

Pagkatapos nitong ipalasap sa kanya ang sarap nang pagmamasahe nito ay nasundan naman agad ng isang nakakapagod na aktibidadis. Pero masarap. Susog ng isang bahagi ng utak niya. Ang bukod tanging nakakahingal at nakakapagod pero masarap na aktibidadis na ginawa ng Diyos na mahirap tanggihan.

Wala na si Aiken sa tabi niya. Marahil ay umalis na. Tumayo siya at nagpunta ng banyo at nag-ayos ng sarili. Muli siyang lumabas at nagbihis ng isang white cotton short short at isang manipis na kulay light blue'ng sando. Hindi na niya pinagkaabalahan pang magsuot ng bra. Lumabas siya ng kwarto. Natigilan siya nang may marinig siyang mga kalansing na nagmumula sa kusina. Tinungo niya ito at nakita niya si Aiken na may tangan-tangan na plato sa magkabilang kamay at dinala sa dining table.

"Hey, hon, good morning," bati nito nang makita siya at may matamis na ngiti sa mga labi.

He looks so fresh and hot with his wet hair. Naka-apron ito, boxer short at white sando. Wow! Sigaw ng utak niya. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya sa nakikita.

Agad na lumapit sa kanya si Aiken at pinaulanan siya ng mumunting halik sa buong mukha. Hinuli nito ang kanyang labi. Isang nakakagising kaluluwang halik ang inalay nito. Ang kanyang malanding katawan ay agad namang nag-react. Ang mga braso niya ay nangunyapit agad sa batok nito at gumanti sa maalab na halik nito. Juice ko Lord! Talagang kaya nitong paligayahin ang matris niya sa halik pa lang. Hingal ang dalawa nang maghiwalay ang mga labi nila.

"I prepared breakfast." Giniya siya nito sa hapag at pinaghila siya ng upuan. Pagkaupo niya ay umupo rin si Aiken sa kabilang side na malapit lang sa kanya.

"Pinakialaman ko na ang kitchen mo," anito habang nilalagyan siya ng pagkain sa plato.

"You prepared all of these? Even the fried rice?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah." Hotdog, ham, eggs, bacon and fried rice ang nakahain.

"Marunong ka?"

He smiled, "Marunong naman kahit paano. Mag-isa lang ako sa bahay diba? Ano ba usually na kinakain mo sa breakfast?" sabagay, minsan lang talaga ito umuwi ng Pilipinas kaya siguro hindi kumuha ng katulong.

"Cereal and fruits," sinimulan niya ang pagkain at masarap nga ang fried rice infairness. Akala niya hotdog and egg lang ang kayang lutuin nito.

"Preyh, can I ask you something?" he suddenly spoke. Tumigil siya sa pagsubo at tumingin dito.

"What if you get pregnant?" seryoso ang mukha at boses nito. Napangiti siya dahil mukhang nag-aalala itong mabuntis siya. Problema nga naman talaga iyon.

"What if it happen?" she asked.

He smiled even wider, "Pananagutan kita."

"You're really a good man, but don't worry, it won't happen. I'm taking contraceptive pills. So, wala kang dapat ipag-alala." Pagkatapos nilang magkasundo ni Aiken ay agad siyang nag-take ng pills. Dahil alam niyang masusundan at masusundan ang pagniniig nila.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now