CHAPTER 23

191K 4.6K 371
                                    

NGAYON ang araw ng kasal ni Preyh, at ito naman ang araw ng kamatayan ni Aiken. Himala na lang ang pag-asa niya. Umasa siya na baka magbago pa ang isip ni Preyh pero wala na talaga. Gabi-gabi siyang nagdarasal na sana ay pagbigyan siya ng diyos sa kanyang hiling.

Kailangan na talaga niyang tanggapin ang kapalaran nila ni Preyh. Ang kapalaran niyang mabuhay na mag-isa. Hindi niya na gusto pang magmahal muli kung hindi lang naman si Preyh. Halos mahigit isang linggo siyang nagkulong lang sa bahay niya at halos araw-araw umiinom para lang makalimot. Ngayon lang siya lumabas ng kanyang lungga.

Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada sa tapat ng isang malaking bahay. He has been calling Braylon several times pero hindi nito sinasagot. Aayain niya itong uminom. Ang aga-aga pero inom ang aatupagin niya. Mas gugustuhin niyang lunurin ang sarili sa alak kaysa ang isipin ang pakikipagpalitan ng wedding vow ni Preyh sa iba o baka nga tapos na ang kasal nito ngayon. Sa isipang iyon parang pinipiga ang puso niya.

He got out the car and ringing Braylon's doorbell. After few seconds a maid came into view and jogged towards the gate. She opened the gate and greeted him politely.

"Is Braylon there?"

"Opo sir."

Pumasok siya at tumuloy sa loob ng kabahayan na kasunod lang din ang katulong. Nagpaalam lang ang katulong sa kanya at sinabing tatawagin si Braylon. Pabagsak siyang umupo sa mahabang sofa. Crossing his arms over his chest and let out an audible sigh.

May nasipat ang kanyang mata na isang envelope sa ibabaw ng centre table — A moose green envelope. Out of curiousty, she grabbed it and slipped the card out of its envelope — a wedding invitation card. Sinipat niya ang nakasulat doon and his eyes nearly popped out of his head as he read it.

"Hendrix Hernandez and Precious Gift Herrera," basa niya sa nakasulat na halos pabulong.

"Hendrix. Hendrix Roux," usal niya. Siya ang Mr. Hernandez na COO ng kompanya nila Preyh. Mas kilala niya si Hendrix bilang Hendrix Roux, iyon ang ginagamit na pangalan nito sa mundo ng karera.

"Hey, dude, zup?" napaangat siya ng ulo sa pagtawag sa kanya ni Braylon na patakbong bumababa ng hagdan. Nakatulala siya habang nakatingin sa kaibigan.

"Hey!" Braylon snapped at him. "Tulala ka." Aiken raised his hand to show the invitation card. Napakamot si Braylon sa ulo at ang itsura nito ay tila ba nasukol.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Um.. invitation?" patanong ang magkakabigkas nito sa salita.

"Actually, meron ka niyan, dude, nakalimutan ko lang ibigay sa 'yo. Tama, meron ka niyan," Braylon run his hands through his face and let out a heavy breath.

"Naguguluhan ako. Si Preyh ang mapapangasawa niya. Si Hendrix ang gumahasa sa kanya. Tangina!" Marahas niyang winasiwas ang invitation at muling tinignan ang nakasulat doon.

"Paano nangyari 'to!? Matagal mo na 'tong alam!?" Nagpupuyos ang kalooban niya sa mga nalaman at muli ay parang bumalik ang galit niya sa kaibigan.

"Sandali lang, dude. Ano bang sinasabi mo? Anong Preyh?" napaupo si Braylon na naguguluhan din.

"Si Preyh, ang mapapangasawa niya! Ang putang ina!"

"Sandali nga, naguguluhan ako. Si Precious na mapapangasawa ni Hendrix at si Preyh na girlfriend mo ay iisa?" marahang tumango si Aiken at napahampas naman si Braylon sa sariling hita. Alam na ng mga itong nag-propose siya pero hindi pa niya nasabi ang naging problema nila.

"Anaknang! Naloko na! Bakit hindi ka nagkuwe-kuwento?" bulalas ni Braylon.

"Kaya nga ako nandito para makipag-inuman sa 'yo. Dahil ngayon ang araw ng kasal ni Preyh sa hayop na nanggahasa sa kanya. Na si Hendrix pala! Paano nangyari 'yon? Hindi pa siya nadala sa ginawa niya noon at ginawa pa niya sa ibang babae!" Marahas niyang tinapon ang invitation card. Tumayo siya at marahas na napahilamos sa sariling mukha.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now