Chapter 17

181K 3.9K 191
                                    

KAKAGALING lang niya sa bahay ni Andra. Nabalitaan niyang bumalik na si Craig at inalok na si Yaya Beth ng kasal. Nakaramdamn talaga siya ng inggit lalo ng ipakita ni yaya ang singsing na may kalakihang dyamante.

Buti pa si yaya nahanap na ang kaligayahan at masaya siya para dito. Pero siya, naku! Ang labo ng hinaharap niya. Mahal siya ni Aiken. Dapat masaya siya doon, pero hindi e. Hindi niya maaring tanggapin ang pag-ibig nito hanggat may tinatago siya dito.

Paano niya ba ipagtatapat dito ang lahat. Lalo't kanina lang ay nag-usap sila ng kanyang ama at lolo at napagsabihan siya. Nalaman nitong may ka-live-in siya dahil nagsumbong na naman ang pinsan niya na hindi niya alam kung paano nito nalaman na nagsasama sila ni Aiken. Syempre itinanggi niya ang bagay na iyon.

"Don't digrace my name Precious!" Matigas na bitaw ng kanyang lolo.

"Kung may boyfriend ka man mas mabuting makipaghiwalay ka na ngayon pa lang!"

Napailing na lang si Preyh nang maalala ang huling usapan nila ng kanyang lolo kanina. Hindi niya maintindihan ngayon ang lolo niya. Oo ngat nangingialam talaga ito sa buhay nila pero kinikilala naman muna nito ang lalaking nauugnay sa kanila katulad na lang ng kay Clarisse bago magdesiyon kung approve o reject ba ang lalaki. Pero sa bandang huli ay naisip niyang baka lang iniisip ng lolo niya na walang kuwenta ang boyfriend niya. Pero hindi naman niya kinumpirma sa mga ito na may boyfriend nga siya.

Kaya nagpunta na lang siya sa bahay ni Andra para magpalipas ng oras.

Ngayon naman ay pauwi na siya ng bahay ni Aiken. Aiken called her and cajoled her to come home early. Agad naman niyang pinagbigayan ang paglalambing nito. Saka bigla rin niya itong namiss. Doon kasi siya natulog sa bahay nila kagabi dahil may pinagawa ang kanyang ama.

Agad niyang inilagay ang susi sa susian at buong kasabikang pinihit nito ang seradura. Pumasok siya at pagkasara ng pinto ay tinungo niya ang hagdan at patakbong umakyat.

Hustong marating niya ang tapat ng silid ni Aiken ay agad niya itong binuksan. Napangiti siya nang makita itong nakahiga sa kama at tulog. Suot nito ang isang dark jeans at itim na t-shirt na nababanat ng husto ang manggas dahil sa bicep at tricep nitong namumutok. Hindi ito kasing lalaki katulad ng mga body builder. Sakto lang ang laki ng muscles nito.

Marahan siyang lumapit at buong ingat na sumampa sa kama. Hinaplos niya ang pisngi nito at hinalikan sa labi.

"I love you, Aiken," bulong niya.

Nahagip ng mata niya ang hawak ni Aiken. It looks like a picture frame. Nasa ibabaw ito ng tiyan nito. Marahan niyang kinuha ang picture frame at iniharap niya ito. Napasinghap siya ng husto nang makita ang magandang mukha ng isang babae. Para bang pinagtutusok ng libo-libong karayom ang puso niya. Bakit yakap-yakap ni Aiken ang larawan ni Jessica?

Binitawan niya ang larawan at mabilis na lumabas ng silid. Muli siyang bumaba at doon umupo sa sala. Inilapag niya ang bag niya tabi niya. Nagpakawala siya ng isang maluwag na paghinga. Kinakain siya ng matinding selos. Selos sa isang yumao na. Mas nasasaktan siya ngayon kaysa sa nasaksihan niyang paghalik dito ni Sofia.

Naikuwento na ni Aiken ang tungkol sa babae. Inaamin niyang nakaramdam siya ng selos pero nawala iyon nang maipaliwanag sa kanya ni Aiken ang lahat, pero kay Jessica. Mas higit na masakit dahil sa katotohanang ito ang unang minahal nito at hanggang ngayon ay minamahal pa rin- his great love.

"Nandito ka na pala," napaigtad siya ng husto sa biglang pagsalita ni Aiken. Inilapag nito ang isang bagay na nakabalot sa isang maliit na eco-bag. Hinarap siya nito. Hinawakan ang dalawa niyang kamay at pinatayo.

"May pupuntahan tayo," anito at marahan siyang hinagkan sa noo at kapagkuwan ay sa labi.

SINUYOD niya ng kanyang mga mata ang pinasukan ng sasakyan. Nagtataka man ay hindi na siya nagtanong pa. Hanggang sa huminto ang sasakyan ni Aiken sa tapat ng isang museleo. Inalis nito ang pagkakabit ng seat belt at dumukwang ito sa likuran ng sasakyan at kinuha ang isang kumpol ng bulaklak na hindi naman niya napansin kanina.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now