Chapter 15

195K 4.1K 222
                                    

KANINA pa parang nanlalamig si Preyh. Paano ba naman ay ipapakilala raw siya ni Aiken sa pamilya nito. Ngayon ang kaarawan nito at kasabay na rin ang selebrasyon para sa pagkakapanalo nito sa racing competition, at para na rin sa muling pagbabalik nito sa mundo ng karera. Sa hotel nila Aiken gaganapin ang party. Hindi pa nga sila nakakababa ng sasakyan pero kinakabahan na agad siya.

Pababa na si Aiken ng sasakyan nang pigilan niya ito. May kinuha siyang maliit na gift bag na sa dashboard at inabot kay Aiken.

"A gift," anito at kinuha ang laman ng maliit na gift bag. Napangiti ito nang makita ang isang itim na kahapon na may nakasulat na Bvlgari.

"Mas madadagdagan ang kagwapuhan mo kung gagamitin mo 'yan."

Kinuha niya ang kahon mula sa kamay ni Aiken at binuksan niya ito. Kinuha niya ang laman ng kahon— Bvlgari timepiece—kinuha niya ang kamay ni Aiken at sinuot dito ang wrist watch.

"Thanks. Ang ganda," anito habang namamanghang sinipat ang relos.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo. Kaya naisip ko na lang na ibigay sa 'yo ang bagay na mukhang hindi mo gusto," aniya at marahang tumawa. Kahit kailan kasi ay hindi niya pa ito nakikitang nagsuot na relos.

"Paano mo naman nasabing hindi ko gusto ang relos?"

"I've never seen you wearing wrist watch," naitirik nito ang mata na parang napaisip at kapagkwan ay napakibit na lang.

Umibis ito ng sasakyan at umikot sa passenger side at pinagbuksan siya. Bumababa siya ng sasakyan at buong paghangang tinitigan siya nito.

"You're so gorgeous."

Hinawakan nito ang ilalim ng kanyang baba at marahang inangat ang kanyang mukha. Bumababa ang mukha ni Aiken hanggang sa lumapat ang labi nito sa labi niya. Isang masuyong damping halik ang ginawad nito sa kanya.

"Napakagwapo mo." Hinaplos niya ang matipunong dibdib nito at pagkatapos ang mga labi na nalagyan ng pulang lipstick. Marahan niyang inalis iyon gamit ang hinlalaki niya.

Aiken is wearing a black Dolce & Gabbana suit and printed accessories including Berluti's shoes plus a eye-catching Bvlgari timepiece na bigay ni Preyh. While Preyh is stunning in a tight-fitting dark cranberry dress. Lumabas ang kurba ng katawan niya dahil sa perpekto ang pagkakayakap ng damit sa katawan niya. She matched the look with a bold red lips and a simple white gold necklace.

Aiken offered his arm and she clung to him. Sabay nilang tinungo ang loob ng hotel. Tumuloy sila function hall kung saan dinaraos ang pagdiriwang. Habang papalapit sila sa function hall ay muli na naman ang pagsalakay ng kaba kay Preyh. Parang dumoble pa nga dahil sa biglang pangangatog ng kanyang mga tuhod.

Nang nasa tapat na sila ng pinto ng function hall ay bigla niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ni Aiken dahilan para mapahinto ito. Nilingon siya nito.

"You alright?" pilit at tipid na ngiti ang sagot niya at marahang tango.

Muli ay naglakad sila at sabay na pumasok ng function hall. Mahigpit uli siyang napakapit sa braso ni Aiken ng matuon ang mata ng lahat sa kanila. Ngayon lang siya nakakaramdam ng kaba sa mga ganitong pagkakataon. Parang biglang siyang nawalan ng kompiyansa sa sarili. Buti na lang at walang mga reporter. Aiken chose to have a simple celebration, but for her this is not just a simple party. Ang daming bisita.

Prince of Speed (Published under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon