Chapter 9

236K 4.4K 222
                                    

 

ANG isang buwan na kanilang usapan ay na naging apat na buwan ay lumagpas pa. Ngayong ay anim na buwan na silang nagsasama ni Preyh. Masaya talaga siya sa nagiging progress ng kanilang relasyon. Alam niyang mahal na rin siya ng dalaga. Ngayon ay pinalalasap na naman nila ang kanilang pagmamahal sa isa't isa. Pawisan silang dalawa at halos hangos at ungol ang maririnig sa buong silid. Kaunting-kaunti na lang ay mararating na nila ang sukdulan.

"Oh yes! Yes!" Maingay na halinghing ni Preyh.

Mabilis na pagbayo ni Aiken ang nakakapagpahalinghing ng todo kay Preyh. Nararamdaman niya na ang nalalapit niyang pagsabog nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pero hindi ito naging dahilan para tumigil siya. Kasunod na tumunog ang cellphone ni Preyh. Mamatay ito at muling tutunog kaya napilitan si Preyh na tignan ito kahit na hingal na hingal.

"Time out! Time out! Si Reghie baka importante," ani Preyh. Tumigil naman si Aiken at inabot na lang din niya ang sariling telepono na kanina pa tunog ng tunog. Si Iñigo ang tumatawag. Agad niya itong sinagot.

"Aiken, dude, si Andra manganganak na!" Bungad ni Iñigo.

"Ano!? Manganganak na si Andra!" Sabay na bulalas nila ni Preyh. Mukhang iyon din ang balita ni Reghie dito.

"Oo, dude! Hindi ko alam ang gagawin ko. May lumabas na tubig sa kanya tapos lalabas na raw ang bata. Ang layo pa namin sa ospital. Nasa sasakyan kami!"

Tarantang-taranta ang boses ni Iñigo. Mabilis na umalis si Aiken mula sa pagkakapatong kay Preyh. Kung nakakapagsalita lang siguro ang sandata niya namura na siya nito dahil sa pagkaudlot ng pagsabog nito.

"Pambihhira si Andra! Daig pa ang pusa kung saan-saan nanganganak!" Palatak niya.

"Okay, abangan mo ang paglabas ng bata. Tignan mo kung lalabas na," utos niya.

"Paano, may underwear siya!"

"Punyeta edi tanggalin mo ang panty!" Napapasigaw na siya.

"Huh?! Sandali paano!?"

"Anak nang! Hindi ka ba marunong mag tanggal ng panty!?" He shouted from the top of his lungs. His voice echoed inside the room, dala ng sobrang pagkataranta at kaba. Alam rin niyang natataranta at natatakot din si Iñigo dahil naranasan na niya ito noon.

"Okay dude. Makinig kang mabuti at 'wag kang mataranta." Sinabi niya nag dapat gawin na mukhang sinunod naman nito ang lahat ng sinabi niya. Mga ilang sandali lang ay nakahinga siya nang maluwag nang marinig niya ang iyak ng bata sa kabilang linya.

"Ohh! It's a girl dude!" Nanginginig ang boses ni Iñigo pero bakas din ang kaligayahan.

Pinatay niya ang telepono nang masigurado niyang maayos si Andra at narinig din niya ang serena ng ambulansya. Nilingon niya si Preyh. Nakatingin din ito sa kanya na parang inaantay ang balita niya.

"She's fine. It's a girl," doon ngumiti si Preyh at nagpakawala ng hangin na mukhang kanina pa pinipigil. Bakas din ang pag-aalala. Agad siyang lumapit dito na nasa kabilang bahagi ng kama nakaupo.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now