Chapter 10

230K 4K 197
                                    


"HOW are you little sis?" bati ni Preyh sa kapatid na si Alaissa nang pumasok ito sa kanyang opisina.

"I'm good. Pretty as always," they hug and gave a peck on each other's cheek before sat on the sofa.

"So, what brings you here?" she asked.

"Um. Ayain sana kitang mag-lunch," anito. Sinipat niya ang relong pambisig. Twelve o'clock.

"Late na nga, tara," they pushed themselves from the sofa and walked toward the door. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay may kumatok dito at the same time ay bumukas. Niluwa doon si Hendrix.

"Hi," bati nito.

"Hendrix, hi. May kailangan ka?" tanong niya.

"Um. Wala naman, aayain lang sana kitang mag-lunch."

"Tamang-tama. We're going out for luncheon. Sama ka na lang," tumingin siya sa kapatid.

"Okay lang naman sa 'yo, Allaisa?"

"Ha? Um. Y-yeah!" Napangiti siya sa biglang pag-iba nang kilos ng kapatid—halatang nahihiya. Tingin niya ay malaki ang gusto nito kay Hendrix.

NAGTUNGO nga ang tatlo sa isang pinakamalapit na restaurant. Nakaupong magkaharap si Preyh at Hendrix at si Alaissa ay sa kabilang tagiliran ng mesa.

"Alaissa, bakit ba ang tahimik mo?" tanong ni Preyh sa kapatid.

Tipid na ngiti lang ang tugon nito. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain pero nanatiling tahimik si Alaissa.

"Do you have a boyfriend, Alaissa?" Hendrix suddenly asked, which made Alaissa gulped greedily. Kitang-kita niya na paulit-ulit at tila hirap na hirap sa paglunok ang kapatid gay'ong wala namang laman ang bibig.

"I-I don't have a boyfriend," she replied, her voice was barely a whisper.

"But I'm sure you have numerous suitors. Kailangan mo talagang maging mapili. You have to pick a man who suited to your beauty," napayuko si Alaissa.

"Medyo iba kasi ang gusto ng kapatid ko. She wants a dirty old man," aniya na sinundan pa ng tawa. Pinamulahan naman si Alaissa sa sinabi niya.

"Biro lang. Pero gusto niya 'yong medyo may edad sa kanya," sinipa siya ng kapatid sa ilalim ng mesa at pinandilatan.

"That's good. Minsan mas masarap magmahal ang mas matanda sa 'yo. They'll take care of you, gagawin kang baby, hindi immature. Pero ''wag masyadong matanda, kailangan sakto lang, 'yong hot pa rin, like me!" Pagbibiro ni Hendrix at sinundan din nang masayang tawa. Napatulala naman si Alaissa at napatitig kay Hendrix. Napansin ito ng binata.

"Hey, biro lang," Hendrix pinched Alaissa's cheek. Napahawak naman si Alaissa sa sariling pisngi na pinisil ng binata.

"Pero sana bago ka mag-boyfriend, hindi ka na makalat kumain," kumuha ito ng ilang tissues at pinunas ang kumalat na sauce sa gilid ng bibig ni Alaissa.

"You're a cute little girl. Gayahin mo ang ate mong kumilos," anito at ngumiti.

"I'm not a little girl! Dalaga na ako. Eighteen na ako next year," mabilis na sagot ni Alaissa at sumimangot. Natawa si Preyh at Hendrix sa inakto ni Alaissa.

Masaya ang naging usapan ni Hendrix at Preyh hanggang sa matapos sila sa pagkain, pero si Alaissa ay tipid lang ang mga sagot. Kasalukuyang in-i-enjoy nila ang kanilang panghimagas. crème brûlée ang kay Preyh na isa sa paborito niya. Vanilla panna cotta with fresh berries naman ang kay Hendrix at Alaissa na siyang paborito ng kapatid at mukhang gayun din si Hendrix dahil sa tuwing sabay sila nitong manananghalian ay ito ang laging in-o-order nito.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now