Chapter 4

338K 6.6K 534
                                    


 "HI ate," tumigil sa ginagawa si Preyh nang pumasok ang dalawa niyang kapatid sa kanyang opisina.

"Napasyal kayong dalawa," umupo ang dalawa sa visitor's chair. Natawa naman si Preyh sa itsura ng kapatid na hirap na hirap sa pag-upo dahil sa malaking tiyan nito.

"Kailan ba 'yan lalabas nang masundan na agad?" pagbibiro niya at sinundan pa ng tawa. Inismiran siya ng kanyang kapatid.

"Hay naku, ate! Kapag ikaw nabuntis pagtatawanan din kita," ani Clarisse.

"No way! Hinding-hindi mangyayari 'yon."

"Bakit ba ate, hindi ka pa rin nag-aasawa? Sabi mo nagkaroon ka na ng maraming boyfriend, but we haven't met one of those except, Thomas of course, your first love," si Clarisse uli. Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. It was a fake smile.

"Wala naman dahilan para ipakilala sila at isa pa wala lang ang mga 'yon," sagot niya at pilit pinasigla ang ngiti.

"Bakit nga pala kayo nandito?" pag-iiba niya sa usapan.

"Itong si Alaissa, nag-aya dito," sagot ni Clarisse.

"Talaga Alaissa, kailan ka pa nag-ka-interes sa pagpunta dito sa kompanya?"

"Wala naman ate, naisip ko lang na dapat ko na sigurong i-familiarize ang kompanya natin para pagka-graduate ko hindi na ako mahirapan," paliwanag nito.

Nasa unang taon sa kolehiyo sa Lyceum of the Philippines University si Allaisa sa kursong Bussiness Management.

"By the way ate, nandito na si Kuya Hendrix?" tanong ni Alaissa. Pinaningkitan ito ni Preyh at mukhang alam na niya kung ano talaga ang pinunta nito dito.

"Crush mo no?" bigla itong pinamulahan.

"Ate naman! Nagtatanong lang crush agad," nahihiyang saad ng bunsong kapatid.

"Naku, kaya naman pala, umiibig na si bunso. Paano 'yan, e mukhang kay Ate Preyh, tinamaan," lalong napayuko ang kapatid.

Siguro napansin din ni Clarisse ang pagkakapako ng mata ni Hendrix sa kanya noong nagkaroon ng salo-salo sa kanila. Medyo nailang nga rin siya sa titig ng binata sa kanya. Nanonoot ang titig nito na halos hanggang sa pag-uwi ng lalaki ay panay ang sulyap sa kanya.

Ito na rin ang COO ng kompanya at tatay naman niya ang tumatayo bilang presidente. Siya naman ay nilagay ng kanyang ama sa Marketing Department. Nag-merge ang kompanya nila at kompanya nila Hendrix.

Isang brewery ang mga kompanya nila. Ang Herrera Brewery Inc., ay isa sa pinakamalaking Brewery Company sa bansa. Nasa Laguna ang brewery kung saan pina-process ang paggawa ng alak at nandito naman sa Manila ang opisina. Alcoholic and non-alcoholic ang mga produkto nila.

Subalit mayroong malaking suliraning kinahaharap ang kompanya nila at kailangan ng kompanya nila ng isang malaking investor para lang maisalba ito. Malaki ang pagkakautang ng kompanya nila sa ilang bangko, at ang Roux/Hernandez ngayon ang pag-asa ng kompanya nila. Halos ito na nga ang nagmamay-ari ng Herrera Brewery Inc., dahil ito na ang major shareholder. Their company manufactured contaminated beer year 2010 na naging dahilan ng pagbaba ng sales ng company nila. Binayaran ng kanyang lolo ang lahat ng dapat suhulan para hindi tuluyang ipasara ang kompanya.

Prince of Speed (Published under Red Room)Where stories live. Discover now