Chapter 43

146K 1K 92
                                    

Next chapter is PRIVATE. Deadmahin na lang, BS lang 'yun. Hehe. First time ko kasing magsusulat ng BS kaya ni-PRIVATE ko. :3

PS, click the external link for the PRIVATE BS. lol

**

CHAPTER 43

- GIO -

I still can't believe what's happening to me, you know?

1 week na rin kami ni Jeng. Gah! At sa loob ng 1 week na 'yun, lalo ko pa siyang minamahal. Alam kong ganun din naman siya eh although medyo may doubts pa ako since uh, diba, ano... minahal din niya si Papa Ace? Kaya nga siya umalis ng bansa after niyang ipaubaya ito kay Mich diba? Kasi... nasasaktan siya.

At mas nasasaktan akong malamang nasasaktan siya.

Ah, hell. Umagang umaga ang drama ko.

Bumiling ako sa pagkakahiga ko sa kama at inabot ang phone ko na nagpapahinga sa ibabaw nung bedside table. Nahagip ng paningin ko ang oras at napangiti ako. 6:30AM palang daw sabi nung orasan. Alam kong tulog na tulog pa si Jeng ng ganitong mga oras.

Nang makuha ko na ang phone ko ay hindi ko mapigilang mapangiti ng mas malawak. Tumambad lang naman sa akin ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo ko. Ang ngiti ni Jeng. Kinuha ko ang litratong 'yun kahapon sa binyag ng anak ni Papa Jimmy na si Jamie. Ang cute cute nung bata! Sobrang chubby tapos maputi tapos chinita pa! Aba, mana sa mga ninang talaga! (Si Jeng, ako, at si Mich, hahaha!)

Pero ang pinakanatuwa talaga ay si Mich. Awan baga dun. Sabik na sabik sa baby? Kulang na lang eh lapirutin niya 'yung baby sa sobrang gigil niya. Biniro nga namin siya ni Jeng na gumawa na sila ni Papa Ace ng kanila. Biruin mong napatigil siya dun at parang kinabahan? Hahaha! Ang cute ni Mich. Inosenteng inosente eh. Sinabi ko pang alam ko namang gustong gusto rin ni Papa Ace na gawin 'yun. Aba, simula ng maging okay sila ni Mich hindi na 'yun nakakatikim. So, ilang buwan na rin pala 'yung bakante? Alam kong sabik din 'yun.

Sinabihan pa ni Jeng si Mich na magparinig kay Papa Ace. Ewan ko lang kung ginawa nga niya. Haha. Kahit ano namang tanggi niya, alam kong gustong gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang baby. 'Yun lang... parang alam ko na ang dahilan kung bakit parang natatakot siya.

Kasi...

Di nga naman siya sigurado kung makikita pa niyang lumaki 'yung anak niya.

Ay! Grabe naman. Ano ba itong iniisip ko? Siyempre naman 'no, masusubaybayan pa 'yun ni Mich. Ang gaga kasi, alam ko, hanggang ngayon hindi pa 'yun nagpapatreatment. Tinutulungan na namin si Papa Ace na kumbinsihin si Mich pero wala eh, ang tigas ng ulo. Laging sasabihing malakas pa raw siya. Sa ngayon. Nakakainis talaga ang girlalu na 'yun! Ang sarap sabunutan.

GRR!

Hahahaha. Oh my! Lumalabas ang girl side ko. Lol! Sanay naman na si Jeng sa'kin. Tinatawanan niya lang ako kapag nagiging ganito ako. Pero ako, naiinis ako sa sarili ko. Duh? Hindi ako bakla! Nagpanggap lang ako, remember? Pero bakit feeling ko, may dugong bakla nga ako? Nakakainis huh!

Natauhan ako ng tumama sa mukha ko 'yung phone ko. Aray, ang sakit. Bakit kasi tutunga-tunganga pa ako eh. Tsaka ko lang naalala na tatawagan ko pala ang baby ko. D-in-ial ko na ang number niya at hinintay na mag-ring 'yun. Mga ilang minuto rin 'yung nag-ring. Napangiti ako. Tulog pa nga ang baby ko.

At after ilang seconds lang din...

“DAMN YOU GIO!!!!! WHY ARE YOU CALLING THIS EARLY?” ayan ang binungad niya sa akin. Natawa na lang ako. Ang cute ng boses niya kapag nagagalit.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon