Kabanata 35

1.4M 36.6K 15.7K
                                    

Kabanata 35

Tranquil

Pumunta kami sa booth ni Architect Philip Constantino. Sinamahan ako ng dalawa at naabutan naming abala na siya sa pakikipag usap sa dalawang may edad na businessmen. Nahagip kami ng tingin niya at natigilan.

Ngumiti ako. Lumapit si Jade at Tessa sa kanya. Sumunod naman ako, nginingitian na rin ang dalawang matandang lalaking kausap.

"Portia, long time no see!" ani Architect.

"Yes, Architect. Thanks for this opportunity..." sabay ngiti ko at tingin ulit sa mga businessmen.

Wala kaming panahon para magkamustahan dahil mukhang malalim ang pinag uusapan nila ng matatandang naroon.

"By the way, Mr. Hernandez and Mr. Thomas, this is Portia Cecilia Ignacio, the one who designed some of your favorites."

Nakipagkamayan ako sa mga businessmen. It's a good way to divert my attention. May isang malaking kumpanyang magtatayo ng tatlong towers na condominium sa Taguig at gusto nila akong kunin.

"I like your works. Can we discuss some of the terms right now?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na may balak sila sa mga gawa ko. Nilingon ko muna si Architect at ngumisi lamang siya sa akin. Is this okay?

Naubos ang tatlumpong minuto sa pakikipag negotiate nila sa akin tungkol sa terms at sa mga deadlines. Hindi ako makapaniwala na ang nakuha ko kaagad sa exhibit na ito ay isang malaking project.

"We're rushing this. It's been three years since we planned this," anila at pinaintindi sa akin na agaran ang gusto nila.

"I can handle it." I'm sure I would. Marami nang tumatakbo sa utak ko para doon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang naging abala na rin si Jade at Tessa sa sarili nilang career. Natapos ang usapan namin ng mga businessmen ng pirmahan ng kontrata on the spot.

"Thank you so much, Architect. I owe this to you..." nahihiya kong sinabi kay Architect Constantino.

"No problem, Portia. You have the talent. Kamusta nga pala ang paintings mo? Did you check them?"

"Oh!" Nilingon ko ang mga kaibigan kong parehong abala sa kani kanilang gawain. "Iche-check ko pa lang..." sabi ko.

Wala sa sarili akong tumulak sa kung nasaan ang mga painting exhibit. Malawak ang venue kaya pinilig ko na lang ang ulo ko. I should stop worrying.

Nang nasa linya na ako ng mga paintings kung nasaan iyong akin ay dumiretso na ako doon. May iilang mga nakatingin sa paintings ko pero hula ko ay sinusuri lamang nila ang lahat ng naroon.

Tumayo ako sa tabi ng mga paintings ko. Nginingitian ko ang bawat dumadaan.

"Portia, hija! You're back?" anang isang kakilala ni mommy.

"Yes, tita..." Nagbeso pa kami bilang pagbati. Nanatili ang mga mata niya sa aking gawa.

"You really have such nice paintings..."

"Thank you, Tita..." Ngumiti ako.

Nanatili siyang nakatitig sa painting kong Tranquil, iyong kulay abelyanang mata na may handprint na hindi masyadong kita.

"Hindi ba ay nandito rin ang kapatid mo? Is your mom here?" tanong ni Tita.

"I'm not sure po. But Katelyn's here... Hindi pa nga lang kami nagkikita."

"Ganoon ba? Hinahanap ko nga iyong kapatid mo, e," ani Tita at napalingon sa kanang bahagi ng linya namin.

Nilingon ko rin iyong tinatanaw niya. Pitong businessmen ang papalapit. Halos lahat ay nasa mid-thirties at ang nasa gitna sa kanila ay si Logan. Nanginig ang tuhod ko. Bumaling ulit ako kay tita, ngayon nanlalaki na ang mga mata.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon