Kabanata 60

2.3M 54.5K 30.7K
                                    

Maraming salamat po at nakaabot kayo dito. This is the last chapter.

Warning: SPG

-------


Kabanata 60

Your everything

I give him this time. I give Katelyn this time to talk to Logan dahil pagkatapos nito, maaaring ipagdamot ko na siya ng husto. I don't want this to happen but I also want to fight for us.

"I said, no..." ulit ni Logan sa akin, pinipigilan ako sa paglabas.

Nanghina ako kaya tumigil ako sa pagpiglas.

"Care to explain to me why she's crying?" mariing tanong ni Logan.

"Logan, like what my mom told you, she's just emotional."

Hindi nagsalita si Logan. Unti unting nanghina ang kanyang pagkakahawak sa akin. Makakawala na ako.

"Please excuse us. I need to talk to Portia..."

Napatingin ako kay Logan. Hinila niya ako palabas doon. Nakita kong nag uusap parin si Kier at ang ilang mga agents. Wala na si daddy doon. Hindi ko alam kung nasaan.

"Let's go..." ani Logan.

Ang akala ko ay doon lamang kami mag uusap sa labas pero nagulat ako nang hinigit niya ako palayo roon.

"We can talk here..." sabi ko nang hindi siya tumigil sa paglalakad.

Bumaba kami sa palapag na iyon at hindi parin siya nagsasalita. Hinarap ko na siya. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan.

"We can talk here. Saan pa ba tayo mag uusap?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. His eyes were pitch black and he looks so torn and devastated.

Nanlaki ang mata ko nang lumabas na kami ng ospital. Sinalubong kami ng kanyang mga bodyguards at agad niya akong ipinasok sa back seat ng sasakyan.

"Logan, where are we going? You said we'll talk!" sabi ko ngunit hindi siya umimik. Nanatiling galit ang kanyang mukha.

Umandar ang sasakyan. Tahimik rin ang mga bodyguards. Tumahimik na lang ako at tumingin sa labas ng sasakyan.

"Logan, where are we going?" ulit ko.

Hindi parin siya nagsalita. Ako na lang ang nakahinuha kung saan kami patungo. Patungo kaming Bonifacio Global City. Hindi kalayuan. Akala ko patungo kami sa condo ko nang biglang lumiko ang sasakyan. Ang pamilyar na daan patungo sa kanyang condo ang tinahak nito.

"Bakit tayo pupunta sa condo mo?" tanong ko ulit.

"To talk about your god damn plan, of course..." mariin niyang sinabi.

"Plan? What plan?" tanong ko.

Tumigil ang sasakyan sa basement. Mabilis na lumabas si Logan, hawak hawak ang kamay ko. Hinigit niya ako patungo sa lift. Hindi ko parin maintindihan kung bakit namin kailangang magtungo sa condo niya para mag usap? Is he going to shout at me? Is that it?

"Why are we here? What about the hospital!?" tanong ko ngunit umigting lamang ang kanyang panga. Ayaw akong sagutin.

Tumigil ang lift sa tamang palapag. Hinigit niyang muli ako patungo sa kanyang unit. Gusto ko siyang murahin. Kung mag uusap lang pala kami, bakit pa namin kailangang mag punta sa kanyang condo.

He swiped a card on his unit, pagkatapos ay nakapasok na kami.

"Why are we here?" sigaw ko nang nakapasok na.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon