Kabanata 13

1.7M 42.2K 15.1K
                                    

Kabanata 13

Done


Nakatayo ako sa harap ng aking canvas. Higit kumulang tatlumpong bata ang tuturuan ko ngayon. Ang pinakabata sa tuturuan ko ay nasa edad pito, ang pinakamatanda naman ay nasa sampu. Wala dito ang mga mas bata dahil iba naman ang activity nila ay ibang volunteer ang hahawak.


Una kong pinaalala sa kanila ay ang paghahalo ng mga kulay. Ipinakita ko na pagpinaghalo ang yellow at blue, nagiging green ito; red at yellow, nagiging orange; blue at red, nagiging violet.


May mga prutas sa harapan namin. Naroon ang manga, watermelon, grapes, at orange sa ibabaw ng mesa. Noong isang taon ay mga bulaklak ang pina-paint ko sa kanila, ngayon naman ay naisipan kong mga prutas ang magandang gawin.


"Pwede kayong maglaro sa mga kulay lalo na sa background ng mga prutas," sambit ko habang inaayos ang sarili kong painting.


Covered din ito ng ilang media. Hindi nga lang kasing dami noong event pero mayroon paring nag do-document sa ginagawa ng mga bata.


Umayos ako sa pagkakaupo ko. Tahimik ang mga bata at seryoso sa mga ginagawa. Alam kong halos lahat sa kanila ay magagaling na dahil ito ang palaging ginagawa sa mga workshop.


Tumayo ako at tiningnan ang painting ng bawat isa. Isang nuwebe anyos ang nagpakitang gilas sa pagkopya ng mabuti sa mga prutas.


"Ang galing mo!" ngiti ko sa batang nagulat sa sinabi ko.


Tiningala niya ako at ngumiti siya.


"Ate, ayos lang ba kung imbes na mesa ang pagtutungtungan ay lagyan ko ng basket?" tanong niya.

"Of course! Syempre!"


Bumaling ako sa mga batang nakikinig sa usapan namin.


"Pu-pwede kayong lumikha ng kahit ano. Kahit anong gusto niyo para sa mga prutas. Kung tingin niyo ay mas maganda kung nakalagay sa ibang bagay ang mga prutas, pwede ninyong dagdagan ang mga detalye. It's all up to you. Sa painting, walang tama o mali. Ang lahat ng ito ay ginagawa para mailarawan ang ating nararamdaman," sabi ko.


Nakita kong ang isang mas bata ay may ibang painting. He didn't paint the fruits. He painted something strange... almost abstract. Naroon ang kulay ng mga prutas ngunit hindi hugis prutas ang mga iyon.


"Ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko gamit ang banayad na boses.

"Mga prutas po..." hindi niya ako nilingon.

Ngumiti ako. "I like it."


Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanyang ginagawa. Para itong mga kulay na natapon lang sa kanyang papel, resembling the colors of the fruits on the table.


Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Umikot ako sa lahat ng mga bata para matingnan kung kamusta ang ginagawa. Ang iba sa kanila ay may itim na background, ang iba naman ay masasayang kulay ang gamit.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon