Kabanata 28

1.7M 36.5K 10.8K
                                    

Kabanata 28

Donuts

Umupo ako sa kaharap na sofa ng aking malaking painting. Tinitigan ko iyon simula noong nagising ako. Nag aagaw ang dilim at liwanag sa painting ko. Ang araw ay papalubog na kaya kulay kahel ang dagat at ang langit. Ang malaking buwan ay nasa likod ng tatlong niyog. It's larger than the usual moon. It's actually surreal-looking.

Tahimik ang buong condo ni Logan. I can leave him, you know. Just like the first time. But... no. I'm not leaving. Pagbibigyan ko ang sarili ko kahit ngayon lang.

Lumipat ang tingin ko nang pabagsak na bumukas ang pintuan ni Logan sa kanyang kwarto. Lumabas siya habang nagsusuot ng puting t shirt. Tinakbo niya ang distansya doon patungo sa kitchen at narinig ko ang mga dabog niya roon.

"Shit!" sigaw niya at may mga nabasag akong narinig. "Portia?"

Tumayo ako para tingnan siya ngunit lumabas din siya agad. Nagkatinginan kami at agad siyang tumakbo sa akin.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Laking gulat ko sa reaksyon niya.

"What's wrong?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakayakap ng mahigpit sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko.

"Don't do that again!" aniya, pagalit.

Kumunot ang noo ko. Iniisip ko kung ano ang nagawa ko at bakit ganito siya kagalit.

"Do what?" tanong ko.

"Leave without telling me," aniya.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Parang may humahawak sa puso ko.

"I'm just here sitting..." tumawa ako.

Kinalas niya ang kanyang pagkakayakap sa akin. Umigting ang kanyang panga at hinarap ako.

"Is that why you panicked?" tanong ko.

Nanatili ang matalim niyang tingin sa akin. Ngumisi ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap ng kumot sa akin.

"Yeah. I thought you're gone..." aniya sa mababang boses.

Nanuyo ang lalamunan ko. Napawi din ang ngiti ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa kanyang labi para mahalikan.

"Why are you up so early?" tanong niya.

"Tiningnan ko lang 'yong painting ko..."

Nilingon niya ang aking painting sa harap. Pareho naming tiningnan ito.

"It's stunning. Do you like my gift?" tanong niya.

Tumango ako at ngumiti.

"Good." Hinalikan niya ang tungki ng aking ilong.

Niyaya niya ako sa kusina. Alas singko y media pa lang ng umaga ngunit mukhang hindi na siya makakabalik ng tulog kaya naisipan niyang magluto ng breakfast.

Umupo ako sa high chair ng counter. Kitang kita ko na medyo magulo pa ang buhok niya at mapupungay pa ang mga mata niya habang nilalagay ang cooking pan. Kumuha siya ng bacon at mga itlog sa fridge. Pumangalumbaba ako habang tinitingnan siya.

"Umalis ka sa del Fierro?" tanong niya.

"Yup..." sagot ko.

"Are you going to find a new job or just... work on painting?" Nilingon niya ako.

He turned the electric stove on. Ngumuso ako.

"I'll work on ExPa..." I'm not sure why I'm telling him these when I don't need to.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon