Kabanata 50

1.6M 40.3K 21K
                                    

Kabanata 50

Eleven

Mabilis na bumalik ang sekretarya dala ang aking juice. Nanginginig ang kanyang kamay nang nilapag niya iyon sa aking harapan.

"Did you tell your boss?" tanong ko.

"Yes, ma'am... Nagmamadali na po siya."

What? This is crazy. Ano pa ba ang kailangan ni Logan sa akin?

Kung hindi dahil sa babaeng sisisantehin ni Logan pag umalis ako ay kanina pa ako nagmartsa dito. Dammit! It's almost twelve noon and I am already hungry. I still need to run some errands, buy things... Bakit pa ako pinapaghintay dito?

Kumalam ang sikmura ko. Dammit. Tatayo na sana ako para umalis nang bumukas ang pintuan at bumungad si Logan.

Uminit ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit. Tinaas niya kaagad ang kanyang mga kamay. Alam niyang galit na ako.

"Sorry. I talked to Katelyn para-"

"Why did you make me wait? Para saan pa? I don't care if you talked to my sister. I'm fine with that! Ang gusto ko lang malaman ay kung ano pa bang kailangan mo? Tapos na tayong mag usap!"

Kitang kita ko ang pagkakataranta niya. Tumayo ako at mabilis na nagligpit ulit.

"I want to have lunch with you," tanging nasabi niya.

Tumigil ako sa pagliligpit para tingnan siya. Iritadong iritado ako sa paghihintay ng higit dalawang oras para lang marinig ang sagot niya sa tanong ko.

"I don't. So I'll go now... Pinaghintay mo ako sa wala."

Kinuha ko ang aking mga gamit. Sinabit ko sa aking balikat ang bag ng laptop at sa kabilang kamay ko ay ang aking bag.

Sinubukan niyang kunin ang aking laptop ngunit tumanggi ako. Hindi ko alam kung nasaan na ang kapatid ko at bakit pa nakabalik dito si Logan.

"I'm going with you..." mahinahong boses ni Logan. "Come on, Porsh..."

"If you want to have lunch, bakit di mo inimbita si Katelyn?"

Kinagat niya ang kanyang labi. Para bang may ngiting sumisilay sa kanyang labi ngunit pinipigilan lamang. Uminit lalo ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay may sinabi akong mali. Nagmartsa ulit ako para makawala pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kanya.

Nakahilig na siya sa lamesa ngayon. Bahagyang nakatayo at nakaupo kaya lumebel ang paningin naming dalawa.

"Ano ba?" Hinigit ko ang aking kamay ngunit hindi niya iyon binitiwan.

"Please, hear me out. I want to have lunch with you. And what errands are you talking about? Ang sabi ng sekretarya ko, may gagawin ka pa. Sasama ako."

Tumindig ang balahibo ko sa kanyang sinabi. Pilit ko paring binabawi ang kamay ko ngunit nag ugat yata ang mga daliri niya sa aking palapulsuhan. Nasasaktan ako tuwing sinusubukang kong kumawala.

"At bakit mo naisip na hahayaan kita?" tanong ko.

"Please... I don't want a fight with you, Porsh. Please, don't be difficult. I know you know why I am asking you this."

Natigil ako. Galit ako, oo. Pero ayaw kong aminin sa kanya kung bakit ako nagagalit. Ayaw kong pinaghihintay ako.

Hinila niya ang kamay ko. I'm spacing out. Nakuha niya ulit ang atensyon ko.

"I didn't know your sister's coming. But she's gone now-"

"I don't know what's in between you two, Logan and I don't want to ruin it. Kung anong mayroon kayo, ipag patuloy niyo na lang."

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon