Kabanata 1

2.7M 53.9K 34.2K
                                    

Kabanata 1

Memories


Hilu-hilo pa ako patungo sa trabaho. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko sa pag-iisip. Una, iyong nangyari sa amin ng lalaking hindi ko kilala. Pangalawa, si Clyde na tawag nang tawag hanggang ngayon. Pangatlo, ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over na tinamo kagabi.


Nasa loob pa ako ng aking Cruze. Propesyunal ako sa pagtatago ng hang over. Dahil makinis ang mukha ko, tatabunan ko lang ng makapal na smoky eyes make up ang aking mga mata para hindi makita ang bigat nito. My lips are in soft pink at isang kalabit sa matangos kong ilong ay tapos na ako.


Bumaba ako sa aking sasakyan at inayos ang suot kong itim na peplum dress. Naglakad na ako ng diretso sa lift.


"Good morning, Miss Porsh!" bati ng security guard. "Blooming si ma'am ha?"

Nginitian ko ang security guard ng building. "Salamat!"


Nagsara ang lift at napawi ang ngiti ko. Blooming, really? Gusto kong maiyak! Last night I lost my virginity over this stranger! My God, ano ba ang iniisip ko kagabi?


Halos wala akong maalala sa nangyari. Only some tidbits of it. Ang tanging sigurado ako ay masakit ang gitna ng aking hita. I'm sore for Pete's sake and my head is throbbing big time!


Tumunog ang lift sa tamang floor at bumungad sa akin ang mga taong nakakahalubilo ko sa araw-araw. Ilang batian ang naganap sa ibang mga empleyado at mga kasamahan ko sa opisina.


"Portia!" pamilyar na boses ni Tessa ang narinig kong tumatawag.


Umirap ako at naglapag ng bag sa aking mesa. Papaulanan ako ng mga tanong ng mga kasama ko, panigurado!


Ngiting aso si Tessa na agad sinundan ni Jade. Ang dalawa ay kaklase ko noon sa college at hanggang ngayon ay magkasama parin kami sa trabaho.


Umupo ako sa swivel chair habang ang dalawa ay nakapaligid sa akin, naghihintay ng sasabihin.


"My God! Can you imagine it, Jade? Kung ibang lalaki iyon ay hinablot na kita nong paalis kayo sa bar!" Nangingiti at nananaginip na sinabi ni Tessa.

"What? You saw us? Bakit hindi mo ako pinigilan, Tess? I was so drunk! The next thing I know we were..." napapikit ako.

"Continue, Porsh!" excited na gigil ni Jade.


I can't believe my friends! Hinayaan nila ako ng ganon? I know we're adults but we usually protect each other from jerks. Clearly, jerk ang isang iyon dahil gusto niya ng panandaliang aliw! Not that he raped me or something, I'm not entirely blaming that guy for what happened kasi ako rin naman ang nagdala sa sarili ko nito. It's just that I needed a better judgement that night! Hindi iyong pinapangunahan ako ng makamundong pagnanasa!


"Sino ba iyong lalaking iyon?" tanong ko.


Napawi ang ngiti sa dalawa. Nagkatinginan pa at madrama akong tinawanan na para ang bobo ko.


Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon