Kabanata 45

1.6M 41.5K 22.5K
                                    

Kabanata 45

Business

Hindi ko na inintindi ang lahat ng iyon. If Logan isn't tired of revenge, wala na akong magagawa. It's not a choice I can make. Kaya sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili ko sa pagpipinta.

Tinititigan ko ang huling natapos ko habang nagkakape. Madalas ay dark colors ang gamit ko nitong nakaraang araw. At ang huling pininta ko ay ang tanawin sa langit kapag gabi.

"Mommy, Beau play!" ani Beau habang ipinapakita sa akin ang isang laruang sasakyan.

Nilapag ko sa coffee table ang aking kape at kinarga ang anak ko.

"Okay, baby, we'll play."

I spent the whole day playing with him. Madalas ang tawag ni Clyde. Siguro'y naka tatlong tawag siya sa araw na ito para lang magcheck kung ayos lang kami. Pagkatapos ng ExPa ay mas lalo lang niya kaming ginawang responsibilidad.

"Clyde, please calm down. We're fine. I'm fine..." I assured him.

"I know... I just..." Huminga siya ng malalim.

Ngumiti ako. Alam kong naging harsh na rin ako sa kanya. I told him to stop calling me. Halos araw-araw ko siyang pinagsasabihan at hindi ko na naparamdam sa kanya na masaya akong nag aalala siya para sa amin. "I appreciate your effort, Clyde. But..."

"What if something's going to happen?" Rinig ko ang takot sa boses niya.

Natigil ako. Saglit kong nahinuha sa boses niya ang iniisip niyang mangyari. Isang bayolente at madugong pangyayari tulad na lang nang nangyari taon na ang lumipas. Logan was in prison for months. Nadungisan namin ang pangalan niya. Nasaktan namin siya, physically, emotionally, and mentally. I pray that he won't take his revenge to that extent.

"Nothing's going to happen," sabi ko na parang alam kong totoo iyon.

"We should tell your dad. We should hire some body guards. Paigtingin natin ang seguridad ninyo..."

"Ayaw kong lumaki pa ang gulo."

"Portia, this is for you and for Beau..." singhap ni Clyde.

Nilapag ko si Beau sa sofa at kinuha ang isa pang laruang sasakyan. Gusto niya ang mga iyon. Kier is also spoiling him. Pagkabalik niya galing abroad ay pinasalubungan niya si Beau ng maraming laruang sasakyan.

"Thank you so much, Clyde. Pag iisipan ko."

I spent the whole day playing with Beau. Iyon nga lang, mas mabilis akong mapagod. Naisip ko tuloy na dalhin siya sa ibang mga lugar. Mag dadalawang buwan na rin kami dito sa Pilipinas at hindi pa siya nakakapasyal. Si Maja at Kier lang ang nagdadala sa kanya sa ibang lugar.

"Maybe after his 2nd birthday..." sabi ko at humikab.

Pagkatapos kong magpahinga ay naligo at nagbihis na ako para sa lakad ko papuntang Va Bene. Hindi iyon kalayuan dito kaya hindi ko na kailangang mag madali.

Isang simple black dress ang sinuot ko. Itim rin ang aking stilletos at purse. Nagdala ako ng jacket dahil medyo maulan.

Nang nakarating ako sa restaurant ay medyo matao. Luminga linga pa ako. Natatakot at nahihiya na baka late ako at maagang nagpunta rito ang kliyente.

"Table for two, ma'am?" tanong ng waiter.

"Uhm. I'm with Miss Macy Espinosa..."

"Ah! Dito po..."

Nilahad ng waiter ang kamay niya sa isang mas eksklusibong parte ng restaurant. Enclosed ito ng french walls at mas komportable ang dating ng looban. Dalawang mesa lang ang may tao at malalayo pa ang mga mesa sa isa't isa.

Give In To You (GLS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon