CHAPTER 90 - LAST SCHOLASTIC COMPETITION

10.1K 174 81
                                    

CHAPTER 90 - LAST SCHOLASTIC COMPETITION

ALISS' POV

Ngayon na ang araw ng pinakahihintay namin. Our last scholastic competition for Empire Academy.

Dahil ito ang main event ng school year 2012-2013, ang host school ay ang pinakabonggang highschool academy, saan pa ba? Edi dito sa Empire Academy.

"Malapit ng magstart ang competition." sabi ni Micah

"Oo nga at sa wakas ito na ang huli." sabi naman ni Lhei kung saan lahat kami ay nag agree.

"Mille, parang kanina ko pa napapansin na wala ka yata sa sarili? Ayos ka lang ba?" tanong naman ni Jesx kay Mille na nakatingin lang sa salamin na parang may malalim na iniisip. Nandito kasi kami ngayon sa comfort room.

"Naisip ko lang na hindi ba panget tignan kung hanggang ngayon stalkers pa rin tayo ng Fierce." seryoso ang tingin niya. Tssk. Malamang yan nga ang pinoproblema niya kanina pa.

"What do you mean?" tanong naman ni Micah habang nagsusuklay

"Binabayaran tayo ng parents nila para sundan sila at ireport ang lahat ng ginagawa nila. Hindi ba parang ang pangit naman tignan nun lalo na at boyfriend na natin sila?" sabi ulit ni Mille

"So ang sinasabi mo nagmumukhang pinagkakakitaan natin sila." sabi ni Daryll

"Exactly!" sagot naman ni Mille

"Mukhang may point dun si Mille." sabi ko naman sa kanila. Sila naman halatang napaisip din.

"So tingin niyo dapat na tayong magquit sa trabaho na yun?" tanong naman ni Lhei sabay tango ni Mille

Lahat kami napaisip sa kung anung pwedeng kahinatnan nito. Mas maganda yatang magquit na kami bago pa malaman ng Fierce ng tungkol dito.

"I have something to tell you guys, tingin ko dapat matagal ko na tong sinabi sa inyo." sabi bigla ni Lhei

"Anu naman yun?" tanong ko sa kanya

"Si Ash at Max, matagal na nilang alam na stalkers nila tayo." sagot ni Lhei na halos di namin paniwalaan

"Seryoso ka? Kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ni Carse

"Sabi ni Ash walang dapat makaalam na alam na nila. Actually, kaya nga kami biglang nagpalit ng tinuturuan ni Mille nun dahil sa kondisyon na binigay sa akin ni Ash." sagot ulit ni Lhei

"Ibig sabihin, si Ash ang nagsabi sayong magpalit tayo at hindi si Mrs. Empire?" tanong ni Mille na halatang gulat sa revelation

"Yes. Patay na patay kasi sayo si Ash. Haha" sagot ni Lhei na nakuha pang tumawa

"Si Ash talaga." hala! Namula si Mille. Kinilig yata sa nalaman.

"Ay nako! Tama na yang kiligan portion na yan." sabi ni Daryll habang nag aayos ng gamit niya

*BLAG*

"Anu yun?!" tanong ni Carse. Lahat kami napatingin sa may pintuan ng comfort room nang marinig yung parang may bagay na nahulog.

Lumabas ako para tignan kung may tao nga at wala naman.

"Walang tao dito." sabi ko sa kanila

"Wala naman palang tao. Mamaya nalang din natin problemahin ang tungkol sa pagtratrabaho natin." sabi naman ni Jesx habang palapit na sa akin

"Kailangan na natin bumalik dun sa function hall." sabi naman ni Micah kaya heto at pabalik na kami sa function hall. Malapit na rin kasi magstart ang competition.

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now