CHAPTER 85 - OMG!

10.4K 153 8
                                    

CHAPTER 85 - OMG!

ALISS' POV

Patay! Lagot na kami! (O__O)

OMO!!!!!!!!

"Nakita niyo na sila, di kayo agad pumasok dito." sabi sa amin ni Bill. Halos di kami makakilos sa kinatatayuan namin kanina. Buti nalang talaga at hinila kami papasok sa KTV room ng seven handsome guys.

"Ayos lang ba kayo?" tanong naman sa amin ni Cali

Hindi naman kami makasagot dahil nasa state of shockness pa kami.

Si Fist naman at Grey nakasilip pa sa may pinto para tignan kung nandun pa sila.

"Tsk! Palapit sila dito." sabi bigla ni Grey

"Itago niyo sila." sabi naman bigla ni Fist

Para naman kaming natauhang pito at automatic na sumunod sa seven handsome guys.

"Dyan lang muna kayo. Wag kayong maingay." sabi sa amin ni Aki

Nandito kami ngayon sa likod ng sofa, hawak-hawak ang mga bag namin. Buti nalang at malaki to. Sana lang di nila kami pasukin dito dahil kung hindi, malalagot na talaga kami.

"Oh nandito rin pala kayo." narinig kong boses ni Yvo. Naku naman! >__<

"Oo. Fun time namin." sagot sa kanya ni Bill

"Kayo lang ba ang nandito?" tanong naman ni Nick

"Kami lang nga. Mukhang gigimik kayo ngayon." sagot naman sa kanya ni Cali

"Hindi niyo yata kasama ang mga girlfriend niyo? Gusto ko pa naman sanang makita si Mille." sabi naman ni Grey. Lokong yun. Malamang nakatikim na yan ng death glare kay Ash.

"Tara na! Dun na tayo sa KTV room natin." si Max naman yun

"Nawalan na ako ng gana. Uuwi na ako." boses naman yun ni Ash

"Uy teka Ash! Nandito tayo para magcelebrate ng monthsary namin ni Cherry." boses naman yun ni Cloud

"Tara na, nawalan na rin ako ng gana." si Sky naman yun

"Masama kasi ang ihip ng hangin dito." si Blue yun

"Kung pwede lang, wag niyong subukang lumapit ulit sa mga girlfriend namin." si Cliff naman yun na nakakatakot ang boses ng pagbabanta. Tsk.

"Tignan niyo nga yang mga itsura niyo, wala kayo sa kagwapuhan ko kaya lumayo layo kayo ha!" sigaw naman yan ni Lei

Naman! Nakakakaba! >__<

Sunod naming narinig ang pagsara ng pinto.

"Yabang talaga nila." sabi yun ni Fist

"Pwede na kayong lumabas. Wala na sila." sabi naman ni Ed

Umupo na ulit kami sa sofa.

"Grabe yun! Akala ko makikita nila tayo." sabi ni Micah

"Kinabahan ako." sabi ko naman

"Kahit ako kinabahan lalo ng marinig ko boses ni Ash." sabi naman ni Mille

"Ang hirap naman kasi nito." sabi naman ni Carse

"Mahirap talagang magtago ng sikreto." sabi naman ni Lhei

"Kung nahuli tayo, malamang gulo talaga ang mangyayari." sabi naman ni Jesx

"Buti pa kayang umuwi nalang tayo. Oras na rin." sabi naman ni Daryll

"Pasyensya na kayo kung dahil sa amin kailangan niyong magtago ng sikreto sa kanila." sabi naman ni Dale

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon