CHAPTER 74 - LOVE IS AS DIFFICULT AS PHYSICS

21.5K 381 52
                                    

JESX' POV

Yung halos maloka ka na sa kakaisip sa iisang tao lamang. Tama ba ang ganito? Hindi ba ang unfair naman na utak ko to tapos ibang tao ang tumatakbo? Lechugas naman!

This so unpeyr! >__<

"Ngayon mo na ba sasagutin si Sky?" biglang sulpot nitong si Mille. Nakangiti pa talaga. Halatang inlove ang isang to. =__=

"Tingin mo ba dapat ko na talaga siyang sagutin?"

"Tingin ko? Hmmmm! Hindi ako makatingin. Hehe" sabi na nga ba at wala akong matinong sagot na makukuha mula sa kanya

"Lumayas ka na nga lang dyan!" sigaw ko sa kanya

"Hehe! Biro lang naman. Alam mo kasi ikaw lang naman makakasagot niyan--"

"Alam ko na yan. Pangatlo ka na sa mga nagsabi." hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya

"Oh talaga? Haha Sayang naman pala, akala ko naman ako palang."

"*sigh* Aaminin ko sayo, gusto ko na siya. Pero nahihirapan pa rin talaga ako."

"Wag mo na muna kasing isipin si T.O.P. Hehe" sorry sa pagtataksil ko minamahal kong T.O.P

"Sana nga si T.O.P nalang. Kaso si Sky kasi naman kasi!"

"Naiinlove ka na kasi sa kanya. Kaya sige na, go for it! AJA!"

"Paano ko naman siya sasagutin? Sigawan ko nalang kaya siya na hoy tayo na!"

"Hahahahaha! Solid ka talaga Jesx!" tawanan lang ba daw ako =__= Seryoso kaya ang problema ko.

"Namromroblema talaga ako."

"Pwede mo namang tapatan yung ginawa niya nung Foundation Day." yung 28 different languages niya?

"Hindi ko yun kaya. Nakakatamad magmemorize. =__="

"Edi isipin mo nalang yung kung saan ka magaling, yun yung gamitin mo para sabihin mo sa kanyang sinasagot mo na siya." kung saan ako magaling? Sa pagkain lang naman eh. Tss.

Alam ko na! ^o^

"Oh napangiti ka." biglang sita sa akin ni Mille

"Minsan pala may nasasabi ka ring maganda. Haha! Oh siya, aayusin ko na." tsaka ko na iniwan dun si Mille.

Kailangan ko ng ayusin tong naiisip ko. Siguro naman okay na rin yun. Aba! Wag na siyang choosy. Effort na nga ang pagiisip nun tapos gagawin ko pa kaya doble effort yun.

Pasalamat ka talaga Sky at gwapo ka!

Hapon na. Natapos ko na rin yung ginawa ko. Ang tanong ngayon, nasaan kaya si Sky?

Kanina ko pa siya hindi nakikita. Saang lupalop nanaman nagpunta ang lalaking yun?

"Oy!"

"Kung makahoy ka naman Cloud!"

"Ang galing niyo talaga. Paano niyo nalalaman kung si ako ba o si Sky?"

"Hindi kasi sing gulo mo si Sky. Si Sky supladong gwapo lang."

"Gwapo? Sinabi mong gwapo ang kambal ko?" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nasabi ko ba talaga kay Cloud na gwapo ang kambal niya? Psh! Sabagay, totoo naman. Hayaan nalang.

"K."

"Bagay talaga kayo. Suplado at masungit. Haha"

"Oh siya, bakit mo ko ginugulo? Pumunta ka nalang kay Cherry."

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon