CHAPTER 77 - GOOD BOYFRIENDS and HIS POV

16.3K 302 41
                                    

CARSE'S POV

Grabe talaga si Ms. Shy. Alam niyang ayaw naming gumawa ng sangkaterbang projects kaya pinangblackmail niya yun sa amin.

Pati ang Fierce nagawa niyang iblackmail. Ang bongga niya talagang teacher. Siya na ang the best! Haha

"Kailangan ba talaga nating magattend ng prom na yun?" tanong ni Lhei

"Nakakainis naman! Gastos lang yun!" sabi naman ni Daryll

Lahat kami nakatunganga sa kawalan habang iniisip ang sapilitan naming pagpunta sa prom. Nandito kami sa cafeteria, 2nd floor kung saan ang VIP lounge ng Fierce. Lunch break kasi.

"Snickers, okay lang ba kayo?" tanong sa akin ni Nick

"Mukha ba silang okay?" sabi naman ni Cliff

Nick: "Sabi ko nga hindi sila okay. Pero snickers wag niyo na kasi masyadong isipin ang prom na yun."

"Kumain na nga lang kayo dyan." sabi naman ni Blue

"Parang masarap kumain ng ice cream ngayon ( _._)" sabi ni Micah

"Parang gusto ko rin ng ice cream." sabi naman ni Jesx

"Tapos pizza." sabi naman ni Aliss

"Gusto niyo yun? Edi bumili kayo." sabi naman ni Sky kaya bigla nalang siyang pinandilatan ni Jesx

"Gusto ko din ng pizza at ice cream." sabi naman ni Lhei

"Ako rin. Actually, gusto ko ng chocolates, pizza, ice cream at marami pang iba." sabi ko sa kanila. Pag stress dapat talaga kumain ng sweets diba?

"Snickers naman, tataba ka na talaga niyan." ito namang snickers ko laging kinokontra ang pagkahilig ko sa sweets

"Masarap nga ang matatamis ngayon at malalamig. Lalo at summer na." sabi naman ni Mille

"After class, date tayo." sabi bigla ni Ash kay Mille kaya naman itong si Mille bigla nalang namumula. Halata kasing kinikilig talaga sa boyfriend niya. Haha.

"H-huh? Date tayo?" tanong ni Mille

"Oo. Gusto mong magpizza at ice cream diba? Kaya kakain tayo nun." sabay ngiti ni Ash kay Mille

"Haist! Buti pa si Mille, may mabait na boyfriend." sabi bigla ni Aliss

"Oo nga, sana maging mabait din ang iba dyan." sabi naman ni Jesx

"Sa totoo lang, baliw kasi ang mga boyfriend natin kaya di uso yan." sabi naman ni Daryll

"Hep cheezycake! Wag ka ng magsasalita. Date din tayo. Hehehe" sabi bigla ni Lei kay Lhei kaya naman ayan nakataas ang kilay niya

"Snickers..." sabi ko kay Nick pero bigla lang siyang ngumiti "Bakit nakangiti ka lang?"

"May gig kasi yang si Nick at Cliff mamaya." sabi bigla ni Eli. May gig pala tong si Snickers ko di man lang sinasabi sa akin.

"At kasama ako dun." sabi naman ni Sky

"Syempre, sasama din ako." sabi naman ni Cloud

"Pupunta din ako para sumuporta." sabi naman ni Yvo

"Ngayon niyo lang ba sinabi sa mga girlfriend niyo na may gig kayo?" tanong ni Max

Yung mga tingin naman namin sa mga boyfriends namin, ganito --> +____+

"Pwede niyo bang ayusin ang mga tingin niyo." sabi bigla ni Mille sa amin

"Sumama nalang kayo sa amin ni Mille." biglang pagoffer ni Ash kaya naman parang pumalakpak ang tenga namin nang marinig yun

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon