CHAPTER 83 - A DAY FOR POSTE AND ULAP

11K 158 10
                                    

CHAPTER 83 - A DAY FOR POSTE AND ULAP

CHERRY'S POV

Wala ng mas boboring sa klaseng puro lang pagandahan at kaartehan. Make-up dito, chika dun, flirt dito. Buti nga ngayon di na kasama ang Moronsx sa mga pinagtsitsimisan nitong mga kaklase kong ginamit ang arina para ipulbos sa mukha. Subukan lang nilang pagtsismisan ang mga kaibigan ko, ewan ko nalang paano sila paparusahan ng Fierce.

"Uy Cherry! Tara dun tayo sa room ng Moronsx at Fierce." kalbit nitong katabi kong si Jessica

"Mas mabuti pa nga pumunta na tayo dun." sabi ko sa kanya sabay tayo na para makalabas bago pa sumakit ang ilong ko sa pinaghalong amoy ng mga mababagsik na pabango ng mga maarte naming kaklase. Namimiss ko na rin si Ulap na hindi man lang ako sinundo sa bahay kanina at hanggang ngayon hindi pa ako tinetext o tinatawagan.

"Oh Kuya Dustin, papunta ka din ba sa room nila?" tanong ni Jessica nang makita dito si Dustin

"Oo. Kayo din ba?"

"Oo, tara sabay-sabay na tayo." sabay hawak ni Jessica sa braso ni Dustin

"Teka lang! Hindi kayo pwedeng pumunta dun." sabi bigla ni Dustin

"At bakit hindi?" tanong ko naman sa kanya

"Basta, hindi pwede. Dito lang kayo." weirdo nitong si Dustin

"Hindi pwede?" tanong ulit ni Jessica

"Wag ka ng makulit Jessica."

"Fine! Hindi kasi!" sigaw ni Jessica kaya ayun naglakad na si Dustin

"Hindi ba talaga tayo pupunta?" tanong ko naman kay Jessica

"Hindi ako makakapayag." sabi ni Jessica tapos bigla nalang siyang tumakbo at inunahan si Dustin sa pagakyat sa floor kung nasaan ang room ng Fierce at Moronsx.

"Jessica! Sinabi ko ng bawal!" sigaw ni Dustin na hinabol na ang pinsan niya

Nakakasira naman ng poise kung tatakbo ako kaya lalakad nalang ako.

"Asar ka naman Eli! Ibaba mo nga ako!" nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong buhat na parang siko ni Eli si Jessica pababa. Teka, what's happening?

"Hey Cherry! Nandyan ka pala." this time ang Moronsx naman at si Aliss tong nagsalita

"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Mille

"Sa room niyo sana."

"Ah, tara samahan mo nalang kami sa cafeteria." sabi naman ni Jesx tsaka na ako hinila. Pinagtutulungan ba nila ako?

"Teka, bakit hindi tayo sa room niyo?" tanong ko sa kanila

"Walang foods dun." sagot ni Carse

"Gutom na kami kaya sasama ka sa amin sa ayaw at gusto mo." sabi naman ni Lhei

"Bakit kailangang kasama ako?"

"Libre mo kaya kami." sabi naman ni Daryll

"Libre ko kayo? At bakit? Birthday niyo ba?"

"Birthday mo kaya ikaw manlilibre." sagot naman sa akin ni Micah. Birthday ko daw? Hindi naman February birthday ko.

"Hindi ko naman birthday."

"Wala ng maraming salita. Sasama ka sa amin at ililibre mo kami." sabi ni Jesx. Kaya heto sapilitan nila akong nakaladkad sa cafeteria.

Dito kami nakapwesto sa 2nd floor, sa private place ng Fierce.

"Asar ka talagang Elinor ka! Walanghiya ka! Hindi mo ko dapat binubuhat!" inabutan naming tinotorture ni Jessica si Eli. Tsk tsk. Kawawang Eli.

"Pag hindi kami manahimik dyan, hahalikan kita!" sigaw sa kanya ni Eli

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now