CHAPTER 80 - PUMUPUSONG ARAW part2

13.9K 189 51
                                    

ALISS' POV

Pagkababa ng hot air balloon, agad naman lumapit sa akin si Yvo. Nakangiti siya. Pag tinitignan ko siyang nakangiti, nawawala sa isip ko na playboy siya, teka, hindi na nga pala ngayon. Dapat na sinabi ko ay dating "playboy" siya. Napagbago na kasi ng beauty ko diba?

"Sa lahat ng babaeng nakita ko, ikaw na ang pinakamaganda." sabi niya nang makalapit sa akin sabay hawak sa mga kamay ko

"Sa dami ng babae mo noon, ako pa talaga ang pinakamaganda?"

"Oo naman. Totoo ang sinasabi ko. Your the prettiest. Ikaw lang talaga at wala ng iba." napangiti naman ako lalo sa sinabi niya. Sino bang hindi mapapangiti pag sinabihan ka ng taong mahal mo na ikaw ang pinakamaganda para sa kanya? ^__^

***

LHEI'S POV

Ito talagang si Lei, pagkababa sa hot air balloon nakuha pang magpose na parang superman, napangiti tuloy ako ng di oras. Sabagay, lagi niya naman talaga ako napapangiti.

"Cheeeeeeeezzzzycake!" imbis na sobrang cool siya maglakad palapit sa akin. Tumakbo siya at nakataas pa ang dalawang kamay, yung tipong ready nang manyakap.

Kaya ayan, pagkalapit niya sa akin, nakayakap nga siya agad.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin sabay ngiti naman niya.

"Para saan ang ngiting yan?" tanong ko sa kanya

"Ngiti ito ng pinakagwapong lalaki sa mundo na natagpuan na ang pinakamagandang babae na karapat dapat para sa kanya." mas lalo naman akong napangiti sa sinabi niyang yan

"Napakatagalog mo ha."

"Sabi nila, romantic daw kasi ang pagiging makata. Hehe"

Kahit hindi naman siya maging makata. Para sa akin, siya na ang pinakasweet. ^__^

***

CARSE'S POV

Napakagwapo talaga ng snickers ko. Ang sarap niyang titigan habang palapit sa akin.

Pagkalapit niya sa akin agad naman siyang nakaabot ng kamay niya, syempre inabot ko agad yun.

"Sabi ko noon, ang instruments na ang magiging pinakamagandang bagay para sa akin. Pero nang mahalin kita, you became most important."

"Importante ka rin naman sa akin snickers."

"Your voice. Yan ang boses na gustong gusto kong marinig palagi." sabay yakap niya sa akin

"Kahit ba nakasigaw ako okay lang sayo?"

"Yes, kahit sumigaw ka pa na parang nakalunok ka ng megaphone, I don't really care. For me, your voice is music to my ears."

Wala na akong pakialam ngayon kung tawagin man akong palengkera ng mga kaibigan ko kung ang boses ko naman ang nagiging music sa pandinig ng lalaking mahal ko. ^__^

***

MICAH'S POV

This evil freak is a type of guy that you can't resist. Bad guy ang dating pero nang mas makilala ko siya dun ko nalaman na may angel na nakatago lang sa bad guy look niya.

He smiled at me. Yang smile na yan na mahirap iwasang di tignan.

"Hi gorgeous."

"Naguumpisa ka nanaman sa pambobola mo."

"How many times do I have to tell you that I'm serious? Lahat ng sinasabi ko sayo seryoso at walang halong biro. You're really gorgeous." napangiti naman ako sa kanya. Tuwang tuwa talaga ako pag pinagtatanggol niya ang sarili niya na di siya nambobola lang.

Stalking the Gangsters [2nd Half]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin