CHAPTER 78 - LONG TIME NO SEE

15.2K 268 25
                                    

LHEI'S POV

Hindi talaga namin pinansin ang mga busit na boyfriends ay este mga gangsters na yun. Nasa klase kami kanina pero walang nagiimikan. Hindi man lang sila marunong manuyo ng girlfriend na nagtatampo. >__<

*RIIIIIIINGGGGGG* Sa wakas tumunog na ang bell. Uwian na!

"Tara na! May pupuntahan pa tayo." sabi ni Micah. Oo nga pala, hindi pa pala namin uwian dahil may lakad pa kami ( _._)

"May pupuntahan pa?" biglang tanong ni Cliff. Hindi naman siya sinagot ni Micah na lumabas na agad.

"Ash, tatawagan nalang kita mamaya. May pupuntahan pa kasi kami. Sa ibang araw nalang tayo magdate." sabi ni Mille

"Ganun ba. Sige, hihintayin ko nalang ang tawag mo. Magingat kayo. I love you." tsaka naman biglang hinalikan ni Ash sa left cheek si Mille. What a sweer boyfriend. Kainggit! >__<

"Let's go! Atat na akong umalis." sabi naman ni Daryll

"Saan ba kayo pupunta?" tanong naman ni Blue

"Bakit mo inaalam kung saan? Pakealam mo ba!" sigaw ni Daryll tsaka na lumabas ng room

"Buti nalang at makakalabas na rin." sabi naman ni Aliss

"Sushi girl, bakit hindi pa kayo uuwi?" tanong bigla ni Yvo

"Wala ka na dun!" sabi ni Aliss tsaka na rin lumabas

"Snickers, nagtatampo ka ba?" tanong ni Nick kay Carse

"Ewan ko sayo!" sigaw ni Carse pagkatapos ay lumabas na rin

"Hindi ko na aalamin kung saan kayo pupunta. Basta umuwi kayo ng maaga. Hindi yung magpapagabi kayo sa daan." sabi bigla ni Sky

"Concern? Walang pakialaman! Uy Lhei! Labas na tayo!" sigaw naman ni Jesx

"Saglit lang cheezycake, saan kayo pupunta?" tanong bigla sa akin ni Lei

"Gusto mong malaman kung saan?" tanong ko sa kanya tsaka naman siya tumango "Secret +___+"

Nakalabas na kami ng room at irita kaming lahat sa asta ng mga lalaking yun.

Pagdating namin sa faculty office nakaready na rin si Ms. Shy at agad na kaming sinalubong.

"Girls, tara na. Si Jessica at Cherry hinihintay na tayo sa parking lot." energetic na pagkakasabi ni Ms. Shy tsaka na kami dumiretsyo sa parking lot

Nandun na nga si Cherry, Jessica at kasama rin si Dustin.

"Bakit kasama si Dustin?" tanong ni Mille

"Siya kasi talaga ang may kakilala dun sa tao kaya naman sasamahan niya tayo." sagot ni Ms. Shy

"Sakay na kayo." sabi ng nakangiting si Dustin

"Instant driver din pala." sabi ko tsaka na kami sumakay nina Mille, Micah at Jesx sa kotse ni Dustin. Sa kotse naman ni Ms. Shy nakasakay sina Aliss, Carse, Daryll, Jessica at Cherry.

Nagdrive kung saan si Dustin hanggang sa magpark kami sa tapat ng isang boutique.

"Girls, pasok na tayo. Siguradong hinihintay na tayo." sabi ni Ms. Shy kaya naman agad na kaming sumunod sa kanya

"Ikaw ba si Dustin Ramirez?" tanong nung isang babae pagpasok namin sa boutique

"Opo, ako nga." sabay ngiti naman nitong si Dustin. Mukhang type pa siya nung babae dahil nginitian lang namumula na agad.

"Sige po tatawagin ko lang si Mr. Rajo." Rajo? Sino namang Rajo?

Puro gowns ang nandito. Infairness, ang gaganda naman. Hindi lang basta boutique to dahil mukhang sosyal siya kumpara sa iba. Hindi pucho-pucho lang.

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now