CHAPTER 86 - SUPERVISORS

10.2K 171 12
                                    

CHAPTER 86 - SUPERVISORS

MILLE'S POV

Tinignan lang ako ni Ash tapos umalis na agad nang di man lang ako pinapansin. Nagagalit ba siya dahil sa hindi ko nasagot ang mga tawag niya at text kagabi. ( _ _)

Kailangan ko ng humingi agad ng sorry sa kanya. Ayokong nagagalit siya sa akin. *sigh*

Nagpunta na kami agad ng Moronsx sa room. Kasama namin si Max na ayaw namang sabihin kung anung nagawa namin para magalit sila.

Pagpasok sa room, nandun sa mga upuan malapit sa bintana ang Fierce Gangsters. Si Eli at Cloud lang ang mukhang hindi galit sa amin dahil napatingin sila sa amin pagpasok namin at ngumiti.

"Hoy mga Fierce Gangsters! Anu bang problema niyo?!" biglang sigaw ni Daryll na bumasag ng katahimikan dito

"Anung problema namin?! Kayo ang problema namin!" tumayo naman si Blue at sumigaw din. Ganyan ba talaga sila kagalit sa amin?

"Teka nga, bakit kasi hindi niyo sabihin sa amin kung bakit kayo ganyan?" tanong naman ni Jesx

"Kunwari pa kayong hindi niyo alam kung anu." sagot naman sa kanya ni Sky

"Pwede naman tayong mag usap ng maayos." sabi naman ni Micah sa kanila

"Maayos lang sana tayo kung hindi naman kayo gumawa ng bagay na alam niyong ikakagalit namin." sabi naman bigla ni Cliff

"Sinabi niyong babae ang mga kasama niyo." biglang sabi naman ni Yvo na nakapagpalaki ng mga mata namin. Ibig sabihin ba nito alam na nila? Paano nila nalaman?

"Hindi kayo makasagot ngayon." sabi naman ni Nick

"Kainis naman to! Itigil na nga natin to. Hayaan nalang natin silang mag explain." sabi naman bigla ni Lei pero wala sa amin ang makapagsalita

"Bakit kailangan niyong magsinungaling sa amin?" tanong naman ni Ash habang nakatingin sa akin. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

"Nandito na si Ms. Shy. Mas maganda yatang siya ng magsalita." sabi bigla ni Max

"Nako! Paano niyo ba biglang nalaman ang tungkol dyan?" tanong ni Ms. Shy pagkapasok

"Nung pumunta kami sa KTV bar kagabi. Nakita namin sila." sabi ni Eli

"Paanong nakita niyo kami?" tanong naman ni Aliss

"Hinintay naming lumabas ang mga lalaking yun at kasama nila kayo. Nakita rin naming hinatid kayo sa apartment niyo." sagot naman ni Cloud. Nakita pala nila mismo ang mga yun. *sigh*

"Okay. Ngayong alam na pala ninyo, edi sige. Ang mga taga Rival Academy nga ang partners nila. Kagabi pinagmeet namin sila para maging komportable sila sa isa't isa dahil naiilang ang Moronsx sa kanila. Ako mismo ang nagsabi sa Moronsx na itago muna sa inyo na sila ang partners nila dahil alam kong magkakaganyan kayo." pageexplain ni Ms. Shy sa kanila

Natahimik naman lahat ng nandito sa room.

"Oh yun naman pala. Si Ms. Shy pala ang nagsabi sa kanila na itago sa inyo yun. So wala palang dahilan para magalit kayo sa kanila." sabi bigla ni Max

Nakakainis ang ganitong pakiramdam. Nakakakonsyensya talaga na itinago namin sa kanila yun.

"Next time, sasabihin niyo na agad sa amin." sabi ni Ash na nakalapit na pala sa akin ngayon. Hinawakan niya ang chin ko para itaas ko ang ulo ko at makatingin sa kanya. Nang makatingin na ako sa kanya, agad ko siyang niyakap.

"Sorry Ash."

"Ayos na yun. Alam ko na rin naman ngayon ang dahilan." sabay yakap niya rin sa akin. Kahit papaano gumaan na rin ang loob ko sa pagyakap niya sa akin.

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now