CHAPTER 84 - FUN TIME WITH THEM

10.8K 173 19
                                    

CHAPTER 84 - FUN TIME WITH THEM

MICAH'S POV

Sobrang kabado talaga kanina nung tinatanong kami ng Fierce. Anu ba naman yan? Sorry Cliff. ( _ _)

"Leche naman! Feeling ko pinatataksilan ko si Lei!" sigaw bigla ni Lhei. Nandito na kami sa van ni Ms. Shy at papunta na kami ngayon sa lugar kung nasaan ang seven handsome guys ng Rival Academy.

"Hindi naman kayo nagtataksil. Nagtatago lang kayo ng matinding sikreto." sabi naman ni Ms. Shy

"Kung bakit naman kasi hindi pa natin sabihin. Nakakakonsyensya din kaya." sabi ko naman sa kanila

"Kahit ako hindi ko kayang magsinungalin pa kay Ash." sabi naman ni Mille

"Kung bakit naman kasi kailangan pa nating makipagkita sa kanila ngayon?" tanong naman ni Carse

"Oo nga naman, wala tayong review ngayon." sabi naman ni Aliss

"One way to enjoy. Gigimik tayo with them, para na rin makilala niyo sila at maging kampante kayo sa pakikisama sa kanila." sabi ulit ni Ms. Shy

"Sana nga mag enjoy tayo." sabi naman ni Daryll

"Wag nalang muna nating isipin ang pagtatago ng sikretong yan sa Fierce." sabi naman ni Jesx

"Mag enjoy na muna kayo at mas kilalanin ang mga lalaking yun para naman maging kumportable kayo sa kanila. Pansin kong naiilang kayong magreview na kasama sila." sabi ulit ni Ms. Shy na talaga namang totoo. Nakakailang naman kasi talaga.

Nandito na kami ngayon sa KTV bar. Nasa loob na daw sila, kasama ang teacher nila.

Pumasok na kami sa isang room sa KTV bar. Malaki yung kwartong kinuha nila para nga naman magkasya kaming lahat. Nagkakatuwaan na sila at napahinto ng mapansin kami.

"Nandito na kayo. Akala namin hindi na kayo makakapunta." sabi ni Ed sabay tayo at inalalayan pa talaga kaming pito na umupo sa sofa na nasa gitna. Tumayo na rin ang ibang handsome guys at umalalay din sa pag upo namin. Gentleman naman ng mga to.

"Anung foods natin? Nakakagutom na kasi." sabi ni Daryll

"Yeah, magorder na tayo. Kahit kami kanina pa gutom." sabi naman ni Dale

"Hindi pa kayo kumain?" tanong naman ni Aliss sa kanila

"Hindi pa, kasi hinihintay talaga namin kayo." sabi naman Bill

"Girls, lalabas na muna kami ni Ms. Shy." sabi nung isang teacher

"Saan po kayo pupunta?" tanong ni Carse

"Magshoshopping kami. Hehe. Kaya enjoy na muna kayo dyan. Anyway, baka di na rin kami bumalik." sabi naman ni Ms. Shy

"Iiwan niyo kami dito kasama sila?" tanong naman ni Mille

"Oo at wala naman masama dun para maging kumportable kayo sa kanila. Guys, behave. Ihatid niyo nalang sila pauwi." sabi ulit ni Ms. Shy

"Yes Ms. Shy, kami na pong bahala. Hindi po namin hahayaang may mangyaring masama sa kanila." sabi naman ni Fist

"Mauuna na kami. Enjoy!" sabi naman nung isang teacher. At yun na nga, hindi na kami nakakontra at naiwan kami dito kasama ang seven handsome guys na to.

"Uy Aki! Nakasmile ka na. Akala ko hanggang mamaya ka na nakasimangot dyan." panunukso ni Dale kay Aki na tinignan ko naman at ngiting ngiti na nga

"Hehe. Wag ka ngang ewan dyan Dale." sabi naman nitong si Aki

"Bakit ka malungkot kanina? " tanong ko naman kay Aki na nakapagpatahimik sa kanya dahil parang ayaw niyang sabihin kung bakit.

"Akala niya kasi di kayo dadating e gusto ka daw niyang makita dahil may ibibigay siya sayo." si Grey yan na sumagot imbis na si Aki. Gusto niya daw akong makita? Anu naman kaya ang ibibigay niya sa akin?

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now