CHAPTER 81 - START OF A NEW TIRING WEEK FOR MORONSX

12.3K 182 36
                                    

CHAPTER 81 - START OF A NEW TIRING WEEK FOR MORONSX

LHEI'S POV

Monday nanaman! Ang bilis lang ng araw, agad lumipas ang weekends.

"Cheezycake, hindi ba sumasakit ang ulo mo dyan?" nakapatong kasi ang ulo ko sa desk ko. Ganyan pag bagot na bagot at tinatamad.

"Gising ka ba cheezycake? Sumagot ka naman dyan." nangungulit nanaman tong cheezycake ko.

"Cheezycake!" ang kulit niya naman talaga =__=

"WAAAAAAAAAAAAAAHHH!" O__O

"Napano ka?!" agad akong napaayos ng upo nang bigla nalang sumigaw si cheezycake ko.

"Oy anung nangyari sayo Lei?" si Eli yan na napalapit na rin sa pwesto namin. Napatingin na rin ang mga kaibigan ko at iba pang Fierce. Agaw atensyon tong cheezycake ko eh.

"Pft! Hahahahahaha!" problema nito? Biglang sumigaw tapos ngayon bigla nalang tumatawa.

"Tuluyan ka na bang nabaliw?"

"Pft! Hahahaha! Kasi naman cheezycake ganyan mga itsura niyo, nakakatawa!"

"Psh! Nakuha mo pang matawa talaga pagkatapos mong sumigaw dyan. Papansin ka noh?"

"E kasi naman ayaw mo kong pansinin, kaya ganun ginawa ko. Ayos ba?" sabay pagpapacute niya nanaman

"Pansinin mo naman kasi yang si Lei para di gumagawa ng eksena. Haha" sabi naman ni Jesx

"Cheezycake kasi dapat lagi mo kong pinapansin." sabay yakap niya sa akin. To talagang si cheezycake, hindi na kailangang maging pick-up boy para maging cheezy kasi natural na sa kanya ang pagiging ganun.

"Pasyensya na cheezycake, nakakatamad kasi ang araw na to kaya nakaganun lang ako sa desk ko."

"Ganun ba?" tumango nalang ako sa kanya tsaka ngumiti "Heto ang maganda kong balikat."

"Anu naman gagawin ko dyan?" sabay turo ko pa sa balikat niya

"Cheezycake naman, malamang papatungan ng ulo ala nga namang patungan mo ng legs mo to edi nabigatan ako."

"Ganda ng sagot mo ha? Gusto mo bang dumanak ng dugo dito ngayon?" +___+

"Hahaha! Hindi ka naman mabiro cheezycake. Halika nga dito." tsaka niya naman hinawakan ang ulo ko at inalalayan sa pagpatong sa balikat niya sabay akbay naman sa akin. Ang sarap naman ng ganito. ^__^

"Ahem! Monday na monday sweet-sweetan na kayong mga couple ha." agad naman akong napaayos ng upo sa biglang pagpasok ni Ms. Shy

"Akala ko ba Ms. Shy, wala yung physics teacher namin kaya chill muna kami?" tanong ni Lei

"Yeah, wala nga siya."

"So, anung ginagawa mo dito?" tanong naman ni Sky

"Wag ka ngang ganyan magsalita sa ate mo."

"Aray ko naman!" hinampas kasi ni Jesx si Sky kaya napa-aray. Ang bigat pa naman ng kamay ng babaeng yan. Haha. Kawawang Sky.

"Maganda talaga para sayo Sky ang may girlfriend. Haha."

"Bakit nga ba kayo nandito Ms. Shy?" tanong naman ni Cliff

"Sapilitang bagay nanaman ba to?" tanong naman ni Blue

"Kayo talagang mga Fierce, sadyang pasaway noh?" sabi ko naman sa kanila

"Hayaan niyo muna kasing magsalita si Ms. Shy." sabi naman ni Aliss

Stalking the Gangsters [2nd Half]Where stories live. Discover now