CHAPTER 75 - LOVE IS FULL OF SURPRISES

18.9K 341 37
                                    

ALISS' POV

Sila ng lahat ang may pumupusong buhay. Samantalang ako, naninigurado pa rin hanggang ngayon.

Gusto ko lang naman kasing masigurado na talagang ako lang ang babaeng mamahalin ni Yvo.

Ayoko ngang maraming babaeng umaaligid sa kanya.

"Ate Aliss!!!!?" si Yno? Anung ginagawa ni Yno dito?

"Bakit nandito ka?"

"Namiss kasi kita Ate." sabi niya sabay instruct sa akin na bumaba para mayakap ako

Medyo bumaba naman ako para mayakap niya. Ang lambing ng batang to.

"Namiss din kita Yno."

"Hello my daughter-in-law." napatingin naman ako bigla sa nalikuran ni Yno. Nandyan pala ang nanay nila.

Tumayo na ako ng maayos para makapagbati naman sa nanay nila.

"Hello din po." nakakahiya naman

"Kamusta ka iha? Namiss ko ang aking magandang daughter-in-law." alam ko pong maganda ako pero tama na ang pagsabi ng daughter-in-law >///////<

"Maayos naman po ako. Kayo po kamusta?"

"Mabuti din naman. Iha, sumama ka sa amin ni Yno." sabi niya ng nakangiti

"Saan po?"

"Basta Ate, sama ka sa amin ha?" sabi ni Yno sabay hawak sa kamay ko. Paano ko ba naman matitiis ang cuteness ng batang to?

"Halika na iha." sabay hila sa akin ng nanay nila Yno

"Pero may pasok pa po kasi ako."

"Ako ng bahala. Alam mo namang malakas ako sa school niyo."

So ang ending ko, bigla akong natangay sa Mall.

Nasa isang boutique kami. Naguguluhan nga ako kung bakit dito kami nagpunta.

"Ate, excited na po akong makita kang nakadress." ako nakadress? (O_O)

"Huh? Bakit naman ako magdredress?"

"Syempre Ate para mas pretty ka." sabay pacute na smile nananaman ni Yno

"Daughter-in-law, ito na ang dress na pinili ko para sayo. Tignan mo." sabay abot niya sa akin ng black cocktail dress

"A-anu pong gagawin ko dito?"

"Yan ang isusuot mo sa party mamaya." sabay ngiti sa akin

"Pero po kasi--"

"Wala ng pero-pero, isuot mo na yan dali. Sigurado akong maganda ang hubok niyan sa katawan mo. Pareho kaya tayong sexy." pinagtulakan na ako papasok sa dressing room.

Ang ganda naman nitong dress. Pero bakit isasama nila ako sa party? Anu naman kaya ang gagawin ko dun? ( _._)

"Iha, nasuot mo na ba? Lumabas ka na dito para makita natin."

"Ah tita, isusuot palang po."

"Sige iha, isuot mo na yan."

Grabe naman! Nakakahiya naman kasi.

Isinuot ko na yung dress. Infairness, talagang maganda.

"Tapos na po ako." sigaw ko mula sa loob. Lalabas na ba ako?

"Labas ka na iha. Gusto na kitang makita." sabi ko nga, lalabas na nga ako.

Pagkalabas ko, nakangiti ng bonggang bongga ang nanay nila Yno.

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon