CHAPTER 87 - THIS I PROMISE YOU

10.2K 165 13
                                    

CHAPTER 87 - THIS I PROMISE YOU

MICAH'S POV

Saturday ngayon at hindi lang basta Saturday kasi February23 ngayon. Anu bang meron sa 23? Ako lang yata ang nakakaalala. ( _ _)

I hate it! I hate it! I hate it times 1000000!

Nagpakapuyat ako para hintayin mag 12am tapos binati ko siya at ang masaklap walang reply. 3am na yata ako nakatulog sa paghihintay. Ang nakakainis pa kinalimutan niya yatang monthsary namin ngayon?! Buset! >__<

Nageffort pa naman din akong gumawa ng card. Ginamitan ko pa naman yun ng aking talent sa calligraphy. (Trivia: Si Micah Meester ay ang aming butihing secretary. Maganda ang sulat niya at magaling din sa calligraphy plus designs. :))

Bumili pa ako kagabi ng regalo ko para sa kanya. *sigh* Sayang ang effort ko at sayang ang perang pinambili ko dito sa wristwatch na to. Spell panghihinayang? ( _ _)

"Uy Micah! Wala ka bang balak bumangon dyan?" tanong nitong si Jesx na nasa may pintuan

"Inaantok pa ako." sagot ko sa kanya sabay takip ng kumot sa mukha

"Hindi ka na ba magaalmusal?" tanong niya ulit

"Hindi na. Lunch nalang agad mamaya. Matutulog ulit ako." pagkasabi ko nun umalis na rin si Jesx tsaka naman pag upo ko sa kama. Tinignan ko ang cellphone ko at wala talaga siyang text. I hate you Cliff! >__<

Ang ending ko tuloy maghapon akong tengga sa kwarto habang nagkakasiyahan sa panonood ng Rooftop Prince ang mga kaibigan ko sa sala. I'm so lonely, lonely, lonely! ( _ _)

Bumangon na ako at naligo na rin. Papanget lang ako dito kung masyado akong magpapastress.

"Oh buti lumabas ka na." sabi sa akin ni Mille pagkalabas ko sa may sala

"Wala naman. Penge nga ako niyan." sabay kuha ko ng pick-A na kanina pa nila nilalamutak.

"Nga pala Micah, pinapabigay sayo." sabi naman ni Lhei sabay abot sa akin ng isang letter?

"Sino nagbigay?" tanong ko sa kanya

"KYAAAAAAAAH! Hahaha. Nakakatawa talaga yang tatlo na yan, mala power rangers lang ang peg." sabay tawa nilang lahat. Mga pasaway ng mga to.

Pagcheck ko ng letter, may nakasulat na ~ Meet me ~ sa baba nun nakalagay yung picture ng lugar na pinapapuntahan sa akin. Yung park to na malapit sa Empire Academy. Teka! Hindi kaya may surprise sa akin si Cliff? WAAAAAAAH! I'm very intelligent talaga. ^__^ Sa sobrang excited ko agad na akong lumabas nang di man lang nagpapaalam sa mga kaibigan ko.

Binilisan ko talaga ang pagpunta sa park na yun, buti nalang pala at nasa bulsa ko ang wallet ko kung hindi di ako makakarating dun.

Pagdating ko sa park, madaming tao. Ang hirap tuloy hanapin ni Cliff. Nasaan na ba yung lalaking yun?

Palakad-lakad na ako dito at kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko pa rin siya makita hanggang ngayon.

Hanggang sa naagaw ang atensyon ko ng isang stage dito. May mga taong nakalupong dun tapos bigla ko nalang narinig ang pamilyar na boses na gustong gusto ko.

The visions around you

Bring tears to your eyes

And all that surrounds you

Are secrets and lies

I'll be your strength, I'll give you hope

Keepin' your faith when it's cold

Stalking the Gangsters [2nd Half]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن