CHAPTER 82 - OUR SCHOLATISTIC PARTNERS

11.5K 189 24
                                    

CHAPTER 82 - OUR SCHOLATISTIC PARTNERS

JESX' POV

Nakarating na kami sa tapat ng school na magiging partner namin sa darating na scholastic competition. Lahat kami ay nakatingin lang sa gate ng school na nasa harapan namin ngayon.

"Ms. Shy, ibig sabihin po ba nito sila ang makakasama namin?" tanong ko

"Yes. Kaya tara na, pumasok na tayo sa loob dahil siguradong kanina pa nila tayo hinihintay." nauna sa pagpasok sa loob si Ms. Shy, kami naman nakatayo pa rin dito sa labas

"Tingin niyo ba magiging okay lang ang lahat?" tanong ni Mille

"Wag na nga tayong mamroblema ngayon." sabi naman ni Daryll

"Tama, tsaka nalang natin problemahin yan." sabi naman ni Lhei tsaka na kami pumasok sa loob

Pagpasok namin pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Kilala kami ng mga estudyante dito lalo na at laging kami ang nakakatalo sa representatives ng school nila.

Nasa loob na ng isang room si Ms. Shy at malamang kausap niya na dun ang principal ng school na to.

Nagpaiwan lang kami dito sa labas. Sila nga kaya ang mga makakasama namin?

"Nandito na pala kayo." napaharap kami sa nagsalita na yun at kasama niya nga ang mga kaibigan niya. Ibig sabihin ba nito, sila talaga ang makakasama namin?

"Masaya kaming makita ulit kayo." sabay ngiti naman nung isa pa sa amin

"Pwede bang matanong kung kayo ang makakapartner namin?" tanong ni Carse sa kanila, nakangiti naman sila sa amin

"Yes, kami nga ang makakasama niyo." sagot nung isa

"We will be scholastic partners." sabi naman nung isa pa

Confirmed! Ang seven handsome guys nga ng Rival Academy ang makakapartner namin sa scholastic competition.

"Oh nagkita na pala kayo." sabi ni Ms. Shy nang makalabas sa room kasama ang isa pang teacher yata?

"So girls and guys, aasahan namin na magiging maganda ang team up niyo." sabi nung teacher kaya naman tumango nalang kami

"Paano ba yan? Edi mapapadalas ang pagsasama-sama natin?" tanong nung isang gwapo

"Mukhang ganun na nga. Okay lang yun, mukhang masaya naman kayong kasama." sabi ni Daryll sa kanila na nakapagpangiti sa seven handsome guys

After namin dun, nagpunta na kami sa library ng Rival Academy. Dito daw kasi kami magrereview.

Umupo na kami at harapan ang pwesto namin sa kanila.

"Girls and guys, bale ang magiging team up ay by partners." sabi ni Ms. Shy. By partners daw?

"Jesx, partner nalang tayo." sabi bigla ni Mille sabay kapit sa braso ko

"Mille, hindi kayo ng Moronsx ang magiging partner. Bale kayo tsaka sila." sabay turo ni Ms. Shy sa seven handsome guys

Ibig sabihin, bawat isa sa amin may kapartner na gwapo?

"Ipartner namin kayo based sa category ng competition at kung saang subject kayo nageexcel." sabi naman nung isang teacher

"Okay po sa amin yun." sabi nung isa sa mga gwapo. Paano kaya naging instant handsome guys tong mga to? Nakakacurious lang talaga.

"Tumayo muna kayong lahat tsaka namin kayo ipwepwesto, bawat partners sa inyo tig isang table dito para makapagreview ng maayos." sabi ulit nung isang teacher

Stalking the Gangsters [2nd Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon