Huling Kabanata

3.4K 128 80
                                    

"LUMIPAS ang ilan pang mga buwan at tuluyan nang gumaling si Sophia. Nakakaalala na ito sa mga nangyari ngunit parang ayaw na nitong pag-usapan iyon. Patuloy ang pag-akto nito na tila parang inosenteng bata, pati ang kilos at pananalita ay nag-iba na rin.

Sinabi ni Doc Keya na intindihin na lamang si Sophia dahil sa malaking epekto ng trauma na naidulot nito sa kanya ni Ali. Mas mabuti na bigyan na lang ng panibagong magandang memories at experience ang babae para mas tuluyan itong mapabuti.

Si Jacille at Louie naman ay nagkakamabutihan na. Noong una ay magkaaway ang dalawa pero sa huli ay naging lovers na hindi na mapaghiwalay. Naniniwala na talaga tayo sa kasabihang "The more you hate, the more you love."

Si Kidd ay isa nang Mafia boss at ito ang namamahala sa underground society na iniwan sa kanya ni Stefan sa tulong na rin nina Sasha at Neo. Si Sasha ay tuluyan nang nakamove-on kay Stefan at may boyfriend na ito, samantalang si Neo ay single pa rin at ine-enjoy ang pagiging binata kahit malapit nang mag-40 ang edad.

Nagpakasal muli sina Sophia at Stefan at ito ay pinaghandaan at pinagkagastusan. Imbitado ang kanilang mga kaibigan sa kasal na ginanap.

Bago ginanap ang kasal ay dinalaw ni Sophia ang nakatatandang kapatid ni Jacille na si Dominic mula sa isang mental health facility upang kausapin ito at bakit nagawa nitong patayin si Andres Garcia. Puro pag-iyak lamang ang ginawa ni Dominic nang makausap niya at ilang beses na humingi ng tawad.

Hindi na maibabalik ng katagang sorry ang buhay ni Andres. Hindi man maganda ang ugali nito at ito'y makasarili ay hindi solusyon ang pagkitil ng buhay nang dahil sa matinding obsession sa kanya.

Nagkalayo man sila Sophia at Stefan, nawala ang taong matinding balakid sa buhay nila, at nagdusa sila sa hirap at sakit na kanilang pinagdaanan ay nagpapasalamat pa rin sila na naging magkasama sila sa huli. Muli nilang tatahakin ang panibagong landas, kasama ang kanilang pagmamahalan hanggang sa huli.

Si Sophia ang matatawag na The Devil's Innocent Bride ni Stefan."

"WALANGHIYA ka, Stefan! Ginawa mo pa akong kontrabida at manyak sa Romance-obsession story na sinulat mo. Bakit parang superhero ang role mo dito tapos ako ay pedophile na nga tapos manyak pa?!" reklamo ni Ali na napakamot sa batok. Kakatapos lang nila basahin ni Sophia ang published story na may pamagat na The Devil's Innocent Bride na isinulat ni Stefan nang mahigit tatlong buwan.

"Bagay naman sa'yo 'yong role mo sa story, Tatay Ali. Mukha ka kasing kontrabida at nakakatakot," Humagikgik ang 25 years old na si Sophia na inakbayan ni Stefan.

"Malayong-malayo na magagawa ko ang mga bagay na 'to sa'yo, Sophia. Mataas ang respeto at paggalang ko sa'yo bilang itinuturing mong ama. Magpapakamatay na lang ako kung masasaktan kita nang ganito," seryosong saad ni Ali na tumabi sa dalaga at inakbayan rin ito.

Silang tatlo ay ulilang lubos at wala nang mga magulang. Napag-alaman nina Stefan at Ali na kaya inabandona si Sophia at itinapon sa basurahan sa harap ng simbahan ay dahil parehong wanted ang mga magulang nitong Irish national sa Ireland dahil sangkot sa illegal sex trafficking ng bansa nila. Nagtago ang mga ito sa Pilipinas kasama ang bagong panganak pa lamang noong si Sophia at napatay ng mga pulis sa isang engkuwentro sa hideout na pinagtataguan ng mga ito.

Si Ali ay isa nang ganap na Manager sa gasoline station na matagal nang pinagtatrabahuhan nito, si Stefan naman ay may-ari ng isang publishing house at nagsusulat ito ng mga story na may ibat-ibang genres, habang si Sophia naman ay nagtatrabaho bilang high school teacher sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang tinitirhan.

Malayo ang kanilang buhay mula sa isinulat na story ni Stefan na The Devil's Innocent Bride. Si Sophia ay engaged na sa kapwa nito high school teacher na si Migos Altamonte.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now