Kabanata 2

6.3K 301 80
                                    

"SOPHIA, maayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Jacille, ang nag-iisang bestfriend ni Sophia na kapitbahay nila.

Tumango si Sophia kahit nanginginig pa rin ito dahil sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng kanyang Tatay Stefan sa matalik na kaibigang si Ali. Dahil sa ginawa nitong pananaksak kay Ali ay nakakulong ito ngayon sa isang correctional.

Hindi niya inaasahan na nabuhay pa si Ali kahit ilang beses itong sinaksak ni Stefan. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi nakapatay ang Tatay Stefan niya dahil mas mabigat na problema iyon sa kanilang dalawa. Si Ali ay nasa isang pampublikong ospital ngayon at inaalagaan ng mga natitira pa nitong kamag-anak.

Natatakot siya sa mga posible pang mangyari. Baka balikan siya ni Ali at ipagawa muli ang mga bagay na ayaw niyang gawin, wala ang tagaprotekta niya; ang kanyang Tatay Stefan at hindi niya alam ang mangyayari sa kanya sa mga susunod pang araw. Mabuti na lamang at kinupkop siya pansamantala ng kapitbahay nilang sina Jacille at Dominic.

"Pinagbantaan ka ba ni Kuya Ali kaya hindi ka nagsusumbong sa Tatay Stefan mo? Hindi biro 'yong ginawa niya dahil kahit hindi ka niya nakuha ay pinagsamantalahan ka pa rin niya!" may galit na saad ni Dominic, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Jacille, 25 years old pa lang ang lalaki at ang breadwinner sa pamilya.

"P-Pinagbantaan niya ako na kapag sinumbong ko siya kay Tatay Stefan ay papatayin niya si Tatay." sagot ni Sophia kasabay ng mahinang paghikbi.

Napailing si Dominic at pinagkrus ang mga kamay. "Hindi ko akalain na magagawa 'yon ni Kuya Ali at pinagbantaan pa niya ang buhay ni Kuya Stefan. Sa dami ng nagkakagustong babae sa kanya ay bakit hindi na lang niya doon ilabas ang lahat ng libog niya sa katawan? Kapag nakalabas na siya ng ospital, ako mismo ang papatay sa kanya!" madiin nitong sabi.

Ngumisi ng mapang-asar si Jacille sa kapatid. "Ows? Masyado kang halata, kuya, ah? Nagpapaimpress ka lang kay Sophia, e. Hindi mo nga kayang pumatay ng ipis, tao pa kaya?"

Biglang namula si Dominic sa sinabi ni Jacille at sinamaan ng tingin ang bunsong kapatid. "T-Tumigil ka nga d'yan! Kaya kong gawin 'yon para maprotektahan ang kaibigan mo a-at hindi rin ako nagpapaimpress, no!" nautal at defensive na sabi ni Dominic na ikinatawa ni Jacille.

Naguguluhang nagpalipat-lipat ng tingin si Sophia sa dalawang magkapatid. Palaging sinasabi sa kanya ni Jacille na may lihim raw na pagka-crush sa kanya si Dominic ngunit hindi naman siya naniniwala dahil likas na mabait at maalalahanin lang talaga ang binata. At isa pa ay mukhang may girlfriend na rin si Dominic dahil gwapo ito at imposible na wala sa dami ng babaeng nagkakagusto rito.

Pagkatapos kumain ni Sophia ay sinamahan siya nina Jacille at Dominic sa kwarto na pansamantala muna niyang titirhan habang inaayos pa ang kaso ng kanyang Tatay Stefan. Ang mga magulang ng dalawang magkapatid ay parehong nasa abroad para magtrabaho bilang domestic helper at isang beses sa isang taon lang kung umuwi ang mga ito sa Pilipinas para magbakasyon.

"Kung may kailangan ka, tawagin mo lang kami ni Kuya Dominic. Magkatabi lang kami ng kwarto. Kumatok ka lang sa pintuan namin." ani Jacille.

"Salamat sa inyo," pasasalamat ni Sophia.

Hinaplos ni Dominic ang balikat niya at ngumiti ng matamis. "Magiging maayos din ang lahat, Sophia."

"Sana nga po," mahinang sagot ni Sophia.

***

HABANG nakakulong pa rin si Stefan at inaayos ang kaso nito ay nagpatuloy lamang sa buhay si Sophia. Araw-araw siyang pumapasok kasama si Jacille at minsan ay hinahatid-sundo pa sila ni Dominic kapag wala itong pasok bilang sales clerk sa isang furniture company. May luma itong pick up truck na ginagamit sa paghahatid-sundo sa kanila.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now