Kabanata 3

5.9K 270 45
                                    

MARIING pinagmamasdan ni Ali ang litrato ng batang pinalaki niya kasama ang dating matalik na kaibigang si Stefan. Hindi nga siya nagkamali na lalaki itong maganda at kaakit-akit na kahuhumalingan nang kahit sinong lalake. Alam niyang may pagtingin si Stefan sa dalaga ngunit pinipigilan lamang ang sarili dahil ama ang turing ni Sophia dito, ganoon rin siya... noon.

Hindi niya maintindihan na noong maglabing-apat na taong gulang si Sophia ay bigla na lang nahulog ang loob niya rito, dumagdag pa ang matindi niyang pagnanasa sa unti-unti nitong pagdadalaga. Kahit na menor de edad pa ang dalaga ay makikita na ang magandang hubog ng katawan nito.

Mali ang kanyang nararamdaman pero umakyat na sa ulo niya ang matinding pagnanasa at paghahangad na makuha si Sophia sa mura nitong edad kaya tinakot niya ito at pinagbantaan na kung hindi nito gagawin ang gusto niya ay papatayin niya si Stefan.

Matalik niyang kaibigan si Stefan at sabay na silang lumaki kasama ang kanyang Lola Remy na namayapa na. Si Stefan lang ang tangi niyang kaibigan na pinagkatiwalaan niya, ngunit minsan ay hindi niya mapigilang mainggit at magselos rito. Si Stefan ay pansinin at lahat ng atensyon ng tao ay napupunta sa lalake. Kumbaga kung may first choice ay si Stefan iyon at pumapangalawa lang siya. Si Stefan na mas gwapo, mas cool, mas may karisma, mas madiskarte, at lahat ng gugustuhin ng mga babae ay nandito na.

Lumulukob ang galit, inggit, at selos kay Ali kay Stefan idagdag pang mas malapit ito kay Sophia na inaruga at minahal na niya.

Tinignan niya ang kanyang sarili sa repleksyon ng salamin; nasa hubad na katawan pa rin niya ang mga bakas ng pananaksak ni Stefan noong gabing iyon. Ilang beses siya nitong sinaksak sa dibdib at mabuti na lang ay hindi tumama ang mga saksak nito sa malalim na parte. Himalang nabuhay pa siya.

Napangisi si Ali. Hindi talaga madaling mamatay ang masamang damo na katulad niya. Siya si Alimuhammad Khan na anak ng isa sa pinakakinatatakutang gang leader noon na si Musallah Khan. Hindi siya makapaniwala na anak siya ng mayamang pinuno at ngayon ay nagbubuhay prinsipe siya sa tagong lugar ng Pilipinas na hindi madaling makita o matunton.

"Sir, nakuha na namin ang private jet na binili ninyo." Pumasok ang kanang kamay ni Ali na si Douglas sa loob ng kanyang kwarto.

Humarap siya sa lalake at ipinakita ang litrato ni Sophia na hawak niya. "Did you see how beautiful this girl is? She's my mate. She's mine and the only woman I love. I'll get her, marry her, impregnate her, cage her, and violate her as many times as I want. Her name is Sophia, and she's not a property of that dickhead Stefan!" mariing sabi ni Ali na may ngisi sa labi.

May kaunti mang takot si Douglas sa amo ay tumango na lamang ito upang sang-ayunan ang sinasabi. Mahigit pitong taon na siyang naninilbihan kay Ali at katulad talaga ito ng dati niyang amo na si Musallah na ama ng lalake; parehong delikado at kinatatakutan ng lahat.

Muling humarap si Ali sa bodyframe na salamin at sinipat ang sarili. "Alam n'yo na ba kung saang lungga nagtatago si Stefan?" tanong niya.

Umiling si Douglas. Nagulat na lamang siya nang biglang tutukan ng baril ni Ali na dinampot nito sa bedside table.

"Hindi n'yo pa rin mahanap ang gagong 'yon? I'm wasting too much money on you, Douglas. Ang simple lang ng pinapagawa ko tapos hindi mo pa magawa? Paano kaya kung patayin na lang kita at itapon 'yang bangkay mo sa ilog? I'm sure your family will mourn for you, and your pregnant wife will die from the sadness and agony of your death." saad ni Ali sa nakakatakot na boses.

Natakot si Douglas at ilang beses na humingi ng paumanhin kay Ali. Buntis ang asawa niya, kailangan niya ng trabaho at hindi ito pwedeng madamay sa galit ng delikado at nakakatakot na amo.

"B-Bigyan n'yo lang ako ng kaunting panahon, Sir. Mahahanap ko rin kung nasaan si Stefan Giovinco, huwag n'yo lang po idamay ang asawa at anak ko..." pagmamakaawa niya kay Ali.

The Devil's Innocent BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon