Kabanata 18

2.6K 117 18
                                    

"ANO'NG nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Sophia nang pumasok sa loob ng mansyon sina Louie at Migos at nakaalalay ang mga ito kay Stefan na may sugat ang labi at ang mga kamao ay nagdurugo.

"Napaaway sa kaaway kaya ganyan ang naging resulta." sagot ni Louie nang inalalayan na makaupo si Stefan sa pahabang sofa ng sala.

Inutusan kaagad ni Sophia ang isang maid na dalhan siya ng medicine kit upang linisin ang sugatan at duguang kamao ni Stefan. Umupo siya sa tabi nito na narinig niyang ilang beses na bumuntonghininga.

"What really happened? Sino ang nakaaway n'yo?" seryoso niyang tanong.

Nagpaalam muna sina Louie at Migos na pupunta sa garden ng mansyon at excuse lang nila iyon para makapag-usap ng masinsinan ang dalawa.

"Si Ali."

Nanlaki ang mga mata ni Sophia sa pagkabigla.

Tiningnan naman siya ni Stefan nang may pag-aalala. "Don't worry about him. I will protect you, and he's not going to lay a finger on you. I'll handle him, and you'll be safe here."

Natakot at nabigla man ay ngumiti si Sophia at tumango. Dumating na ang isang maid at inabot sa kanya ang medicine kit na hawak at saka nag-umpisang gamutin ang sugat at linisin ang nagdurugong mga kamao ni Stefan.

"Did you beat him?" mahina niyang tanong habang nililinisan ng alcohol na may bulak ang duguang kamao.

"Beating him is not enough for the damage he caused to you. I will make sure that he goes to jail once I see him again." seryosong saad ni Stefan na napatiim-bagang.

"M-Mayaman na rin ba siya katulad mo? H-Hindi ba niya ako nabanggit sa'yo?" nauutal na tanong ni Sophia at sinunod namang linisan ang nasugat na labi ni Stefan. Nilagyan niya ng betadine ang cotton balls na hawak at idinampi ito ng dahan-dahan sa labi ng asawa.

Sa tuwing tungkol si Ali ang pinag-uusapan ay palagi na lang siyang nangangamba at natatakot para sa kaligtasan niya. Pakiramdam niya ay anumang oras ay babalikan siya nito at gagawan ng masama, pero kasama naman niya si Stefan at alam niya na poprotektahan siya nito laban sa mga magtataka ulit ng masama sa kanya.

Si Stefan ay titig na titig sa magandang mukha ng anak na naging asawa niya. Hindi siya makapaniwala na makakasama ulit ito sa nagdaang siyam na taon na hindi nila pagkikita. Natutuwa siya dahil umaayos na ang pakikitungo nito sa kanya kahit alam niyang may mga katanungan rin ito na hindi pa niya masasagot.

"Yeah, he became rich too. I didn't recognize him at first because he changed a lot, even his physical appearance. And he didn't speak about you when I talked to him. Nagagalit siya sa akin dahil inilihim namin ni Lola Remy sa kanya na nakasama ng mga magulang ko ang mga magulang niya sa aksidenteng nangyari noon kaya pareho kaming nawalan ng mga magulang."

Sa unang pagkakataon ay binanggit ni Stefan ang impormasyon na ito kay Sophia. Si Sophia ay nagulat at napahinto sa ginagawa.

"Ano ba mga nangyari noon tungkol sa mga magulang mo at mga magulang niya? Puwede mo bang ikuwento sa 'kin?" pakiusap niya kay Stefan.

Huminga ng malalim si Stefan at pagkatapos ay tumango ito at ikinuwento na ang buong detalye ng car accident na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya at mga magulang ni Ali.

Nagkabaon-baon sa utang noon ang mga magulang niya para sa pagpapa-ospital at libing ng yumao niyang lolo. Umutang ang mga ito sa isang mayamang Chinese national na may illegal drug trafficking ang negosyo at tauhan ng Chinese national ang mga magulang naman ni Ali. Parehong matagal na hindi nakabayad ng utang ang mga magulang nila na labis na ikinagalit ng Chinese national kaya pinasundan niya sa mga tauhan nito ang sasakyan kung saan nakasakay roon ang mga magulang ni Stefan at Ali.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now