Kabanata 10

3.7K 190 24
                                    

"TATAY Ali, kung bibigyan ka ng isang kahilingan na tutuparin ng Diyos, ano 'yon at bakit?" tanong ng batang si Sophia kay Ali na abala sa pagluluto ng kanilang tanghalian.

Ngumiti si Ali habang inilalagay ang mga hiniwang kalabasa sa kaserola. Nagluluto siya ng ginataang kalabasa na paborito nilang ulam ni Stefan.

"Kung bibigyan ako ng isang kahilingan? Ayon ay ang muling mabuhay ang mga magulang ko at ang mga magulang ni Stefan."

Namangha si Sophia sa sinabi ng ama. Napakabuti nitong tao at palagi rin iniisip ang kasiyahan ng Tatay Stefan niya.

"Inisip ko nga na masaya kaya ang pag-aaruga ng mga magulang sa mga anak nila? Naaruga at napalaki ako nang maayos ni Lola Remy pero hindi ko pa rin maiwasan minsan na malungkot dahil walang mga magulang ang nag-aaruga sa akin at kay Stefan." Nang mailagay ang pinigang gata ng niyog sa kaserola ay tinakpan ito ni Ali at hinarap si Sophia.

Niyakap ni Sophia ang baywang ng kaniyang Tatay Ali. "Nandito naman po ako Tatay Ali, kahit wala na po kayong mga magulang ay mamahalin ko kayo na parang isang tunay na ama; kayo ni Tatay Stefan kaya 'wag ka nang malungkot, okay?" paglalambing nito.

Lumawak ang ngiti ni Ali at pinantayan ang anak upang yakapin ito. Kung mawawala sa kanya si Sophia ay hindi niya iyon kakayanin. Mahal niya ito kahit na ang pagmamahal na iyon ay hindi angkop sa murang edad nito.

"Mahal na mahal kita, Sophia..."

***

"HINDI ko maintindihan kung bakit ikaw ang kasama ko sa pamimili imbes na si Migos na kaibigan ko. Nasaan ba kasi siya at bakit wala siya sa mansyon?" naiiritang tanong ni Sophia sa kasamang si Louie.

"I told you he's working with Stefan, and they're both busy; why are you so upset with me, Miss? Masaya naman akong kasama, 'di ba?" nakangising saad ni Louie.

Nairolyo na lang ni Sophia ang mga mata matapos kumuha ng mga nakahilerang nakahanger na damit sa isang boutique shop. Si Louie raw ang magbabayad ng lahat ng mga pinamili niya gamit ang credit card ni Stefan. Ayaw man niyang tanggapin ngunit no choice naman dahil nang tumakas siya sa kasal nila ni Andres ay wala siyang dalang kahit na ano'ng damit o pera. Nadala niya ang kaniyang cellphone pero itinapon naman niya ito sa kung saan.

Pagkatapos niyang makapamili ng mga damit at sapatos ay dumiretso sila sa isang restaurant. Natitiyak niyang nasa NCR pa rin sila pero hindi na sa Maynila. Maraming bodyguards ang nakapaligid sa kanilang dalawa ni Louie masigurado lang ang seguridad niya. Si Stefan raw ang nag-utos na magsama sila ng bodyguards ngayong namimili ng mga kakailanganin niya. Ayaw niyang may bantay ngunit wala na naman siyang magawa dahil hindi raw siya palalabasin sa mansyon kung wala siyang bodyguards na kasama.

"Wala ka bang asawa at anak para sila naman ang pagkaabalahan mo imbes na ako? Hindi ko naman kailangan ng kasama ngayon." pagsusungit ni Sophia matapos nilang makapag-order ng pagkain.

"About that, I have been married before, but my wife and I got an annulment last year and yes, wala pa akong anak sa ngayon kaya binata pa rin ako." sagot ni Louie na sumandal sa kinauupuan at pinagkrus ang mga braso.

Naiinis man sa presensya ni Louie dahil makulit ito at madaldal ay hindi maitatanggi ni Sophia na guwapo at may magandang pangangatawan ang lalaki. Para itong isang modelo dahil sa tindig at nakaka-intimidate rin ang mga mata nitong kulay grey. Mestiso at itim na itim ang maikling buhok.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now