Kabanata 13

2.9K 124 23
                                    

HABANG kumakain ng meryenda ay sunod-sunod ang pagsulyap nina Jacille at Dominic kay Sophia. Natutuwa sila nang muling makita ang kaibigan ngunit marami silang mga katanungan rito, kabilang na kung bakit nagpakasal ito sa ama-amahan na si Stefan. Hindi nila alam kung paanong nangyari iyon. Parang isang tunay na anak na ang tingin ni Stefan kay Sophia.

"Kung may gusto kayong itanong sa akin ay itanong n'yo na." pag-imik ni Sophia na ibinaba sa lamesa ang iniinom na orange juice at nginitian ang dalawang magkapatid.

Bumuntonghininga si Jacille bago magsalita. "Patuloy ka pa ring pinaghahanap ni Andres at ng pamilya mo, Sophia. Sinugod pa kami ng baliw na Andres na 'yon sa bahay dahil ang akala niya ay tinatago ka namin. Nahanap ka namin dito sa Cavite dahil nalocate ni kuya ang IP address sa GPS ng cellphone mo. Nahanap ka nga namin pero ikinasal ka na pala kay Kuya Stefan?" mahabang litanya ng dalaga. Napahawak pa ito sa noo na parang sumasakit na.

"Sorry kung hindi n'yo na ako ma-contact dahil tinapon ko na 'yong cellphone ko sa daan para hindi na ako ma-contact nila Andres at nina Mom at Dad. Noong tumakas ako sa kasal namin ni Andres ay nakita ako ni Stefan sa gilid ng daan. Umuulan no'n at pagkatapos ay bigla niya na lang akong pinakasalan sa huwes. Saksi si Migos sa kasalang nangyari sa amin." ani Sophia na ikinagulat nina Jacille at Dominic.

"Si Migos? Kasama mo rin si Migos?" gulat na tanong ni Jacille.

Tumango si Sophia. "Nung binugbog ni Andres si Migos ay si Stefan ang nagpa-ospital at tumulong sa kanya. Nagtatago ngayon si Migos dahil kapag nalaman ni Andres na buhay pa siya ay baka patayin siya. Alam din ng mga magulang ni Migos ang ginagawa niya."

Napatango at naliwanagan na rin si Jacille. "Kung sa bagay. Sinalo na ni Andres ang lahat ng kasamaan sa mundo. Nag-eskandalo pa siya sa bahay namin at pinagbantaan kami na kung tinatago ka raw namin ay papatayin niya kami. Wala na sa tamang pag-iisip ang lalaking 'yon!"

Naawa naman si Sophia para sa mga kaibigan. Pati ang mga ito ay dinadamay ni Andres nang dahil sa kanya. Maling-mali ang pagkakakilala niya sa binata, nilinlang siya nito na noong una ay mabuti naman lahat ang ipinapakita.

"I'm so sorry about that, Jacille. Haharapin ko rin si Andres, maging pati na sina Mom at Dad pero hindi pa ako handa sa ngayon." malungkot niyang sabi.

"Ayos lang 'yon, Sophia. At kung kasal na kayo ni Kuya Stefan ay wala na kaming magagawa pa. Mas mabuting na sigurong nagpakasal kayo para-"

"Mas mabuti? Jacille, pinakasalan niya si Sophia nang biglaan at wala tayong kaalam-alam! Itinali niya si Sophia na marami pang pangarap sa buhay. Ano ba ang pinagkaiba niya kay Andres? Pareho silang makasarili!" pagsabat ni Dominic sa sinasabi ng kapatid.

Rumolyo ang mga mata ni Mona dahil sa inis kay Dominic.

Hindi nakapagsalita si Sophia at kinagat na lang ang pang-ibabang labi. Si Jacille naman ay natahimik.

"Watch your words! Wala kang alam." saad ni Louie at dinuro nito si Dominic.

"Walang alam? Alam ko ang ginagawa ng Stefan na 'yan! Pagkatapos niyang hindi magpakita nang ilang taon kay Sophia ay bigla na lang siyang susulpot at pinakasalan pa talaga niya ang anak niya?!" Natawa ng sarkastiko si Dominic. Pilit namang inaawat ni Jacille ang kapatid dahil baka atakihin na naman ito ng asthma.

"Well, Sophia loves the idea that she's married to my friend, so there's no need for you to rant and speak up for her because it's useless." Ngumisi si Louie na biglang nagpatahimik kay Dominic.

Mas lumawak ang ngisi ni Louie dahil kanina pa niya nahahalata ang Dominic na ito.

Natahimik silang lahat nang biglang pumasok sa loob ng mansyon si Stefan kasama si Migos at ang ilang mga bodyguards. Nakatim na suit ang mga ito. Si Stefan ay napatingin kina Jacille at Dominic, samantalang si Migos ay nagulat nang makita ang mga ito.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now